IGINIIT ni bagong talagang NDFP Negotiating Panel Chairperson Fidel V. Agcaoili sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng amnestiya sa 432 political prisoners. Inihayag ito ni Agcaoili sa inilabas niyang opening statement bilang bagong chairperson ng panel. Ayon kay Agcaoili, ipagpapatuloy niya ang mga polisiya at rebolusyonaryong pagkilos sa usapang pangkapayapaan na sinimulan ng kanyang pinalitan sa puwesto …
Read More »Sa ika-100 araw ni Duterte: Endo ‘di pa tapos militante desmayado
DESMAYADO ang ilang grupo ng mga manggagawa tungkol sa hindi pagtugon ng Duterte administration hinggil sa pagtigil ng contractualization policy sa bansa. Ayon kay Wennie Sancho, labor sector representative sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board Western Visayas at secretary-general ng General Alliance of Workers Association (GAWA), nabigo sila sa hindi pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pangako na …
Read More »Giit ng NCRPO: Quiapo chairman na napatay protektor ng drug trade (Pamilya: Hindi drug pusher si chairman)
TODO-DEPENSA si NCRPO director, Chirg Supt. Oscar Albayalde sa pagkakapatay sa barangay chairman at anim pang iba sa drug raid sa Quiapo, Maynila. Ayon sa heneral, ang napatay na si Faiz Macabato, chairman ng Barangay 648, ay nagsisilbing protektor ng illegal drug trade sa lugar. Aniya, malaking bagay ang isinagawang operasyon sa dahilang huling nangyari ang raid sa Islamic Center, …
Read More »Mark Anthony inilipat sa Angeles District Jail
INILIPAT na ng kulungan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez habang dinidinig ang kanyang kaso sa Pampanga kaugnay sa pagkaaresto sa kanya ng mga pulis dahil sa nakuhang marijuana sa kanyang sasakyan. Umaga nitong Sabado nang ilabas si Mark Anthony sa Station 6 ng Angeles City-Police para ilipat sa District Jail ng nabanggit na bayan. Ang paglilipat ay ginawa …
Read More »Rosanna Roces kakasuhan sa sex trade
IPINAUUBAYA ni House committee on justice chairman Rep. Reynaldo Umali sa ibang lupon kung magsasagawa rin ng ibang imbestigasyon sa nabunyag na paghahakot ng prostitutes ng actress na si Rosanna Roces sa New Bilibid Prisons (NBP). Una rito, inamin ni Roces na kumikita siya ng P25,000 sa tuwing magdadala siya ng mga babae para sa high profile inmates. Para kay …
Read More »Jaybee Sebastian tiyak na dadalo sa House inquiry
TINIYAK ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagdalo sa Lunes, Oktubre 10, ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa pagpapatuloy nang pagdinig ng Kamara hinggil bentahan ng droga sa National Bilibid Prison (NBP). Sinabi ng kalihim, wala nang magiging sagabal para sa pagdalo ni Sebastian. Ipinagtanggol niya na kaya hindi nakadalo si Sebastian noong …
Read More »Flood alert nakataas sa Zambales
NAKATAAS ang initial flood alert sa Zambales dahil sa malakas na buhos ng ulan na nararanasan. Ayon sa ulat ng Pagasa, itinaas nila ang yellow rainfall alert dahil kahapon ng umaga pa nakapagtala nang malakas na ulan sa nasabing lalawigan, pati na sa karatig na mga lugar. Apektado rin ng thunderstorm ang ilang parte ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cavite …
Read More »5 inmates pumuga sa Koronadal
KORONADAL CITY – Puspusan ang paghahanap ng mga awtoridad sa limang bilanggo na pawang may kasong ilegal na droga makaraan makatakas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Koronadal City dakong 2:05 am kahapon. Kinilala ang inmates na nakatakas na sina Christoper Punzalan Manalang, 38; Roel Gubatonm Austria, 45; Federico Sarayon Abaygar, 48; Edgar Mariano Tiad, 42, at Rosilito …
Read More »Kill plot vs Duterte itinanggi ng US
AMINADO si Defense Sec. Delfin Lorenzana, wala siyang pinanghahawakang impormasyon ukol sa sinasabing balak na pagpatay ng Central Intelligence Agency (CIA) kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang naging pahayag ni Lorenzana, kasunod nang pag-uusap nila ng ilang opisyal ng Estados Unidos. Kabilang sa mga nakaharap ng DND chief si US Ambassador to Philippines Philip Goldberg, na todo tanggi sa isyung …
Read More »4th MPD Press Corps Horse Racing Cup
ISASAGAWA ngayong araw ng Linggo, Oktubre ang 4th Manila Police District Press Corps (MPDPC) Horse Racing Cup na gaganapin sa Philippine Racing Club sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Ang pakarera ay isang charity race na sponsor ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) para sa iba’t ibang proyekto ng MPDPC tulad ng regular na feeding mission sa mga kapos-palad at mga …
Read More »3 dedbol sa ambush sa Malabon
PATAY ang tatlo katao makaraan pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng L300 van sa Gov. Pascual Avenue, Malabon City dakong tanghali kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Rick Pablo, Ronaldo Sarquin at Carlo Rodriguez. Sa salaysay ng mga testigo, gumamit ang mga suspek ng sub-machine gun at cal. 45 sa pagpaslang sa mga biktima. Lumabas sa berepikasyon …
Read More »Mag-amang ASG arestado sa Zambo
ZAMBOANGA CITY – Arestado ang mag-ama na hinihinalang mga kasapi ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) at wanted kidnapper, sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) kamakalawa sa Brgy. Sta. Barbara sa Zamboanga City. Kinilala ni Police Regional Office (PRO9) director, Chief Supt. Billy Beltran, ang mag-amang suspek na si Abdul-latip Talanghati Suwaling, alyas Latip Sihata at Tatang, 64, at …
Read More »3 estudyante patay sa motorsiklo vs mini dump truck
BUTUAN CITY – Patay ang tatlong high school student makaraan salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang mini dump truck sa Sitio Bioborjan, Brgy. Rizal kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang estudyanteng lalaking driver ng motorsiklo na si Lito Estrada Makapinig, 15, residente ng Brgy. Lipata, habang dinala sa Caraga Regional Hospital ang tatlong mga kasamahan ngunit namatay rin ang …
Read More »Import ban ng China mula sa PH inalis na
INALIS na ang ipinatupad na suspensiyon ng China sa pag-aangkat ng mga produktong nagmumula sa Filipinas. Ito ang inanunsiyo ni Agriculture Sec. Manny Piñol, makaraan silang makatanggap ng abiso mula sa mga opisyal ng naturang bansa. Magugunitang nagpataw ng ban sa importasyon ng mga prutas ang China mula sa Filipinas dahil sa inihaing kaso ng ating bansa sa Arbitral Tribunal …
Read More »Batangas niyanig ng 4.1 magnitude quake
NIYANIG ng 4.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Batangas at mga karatig na lugar. Naitala ito dakong 3:32 pm kahapon. Natukoy ang epicenter sa 21 km timog kanluran ng Calatagan, Batangas. May lalim itong 103 km at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman ang intensity III sa Lubang Island, Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Calatagan, Batangas. Habang …
Read More »86-anyos lola patay sa sunog
CEBU CITY – Hindi nakalabas nang buhay ang isang 86-anyos lola nang ma-trap sa loob ng kanyang nasusunog na bahay sa Brgy. Malolos, bayan ng Barili kahapon. Ayon kay FO1 Dennis Villa sa Barili Fire Station, nagluluto ang biktimang si Dionisia Empinado nang mangyari ang insidente. Sinasabing napansin na lang ng mga kapitbahay ng biktima na lumiyab ang bahay ng …
Read More »3 suspek sa Davao bombing arestado
ARESTADO ang tatlong miyembro ng Maute terrorist group na hinihinalang nasa likod nang madugong pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 70 biktima. Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, naaresto ang tatlong suspek noong Oktubre 4 sa Cotabato City sa isinagawang checkpoint operation. Aniya, may nakuha silang matibay na ebidensiya na nagpapatunay na ang nabanggit …
Read More »Chinese telcos papasukin sa PH — Duterte (Nabuwisit sa bagal ng telcos sa bansa)
DAVAO CITY – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang telecommunication companies (telcos) sa bansa gaya ng Smart, PLDT, Globe at Sun Cellular, na ayusin ang serbisyo kung ayaw nilang makatikim sa kanya. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa National Banana Congress sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte, nagtitiis lamang siya ngayon at nagpapasensiya sa mabagal na serbisyo ng telcos. …
Read More »Matobato isinuko ni Trillanes sa PNP (Seguridad tiniyak ni Gen. Bato)
ISINUKO ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Biyernes ng umaga ang nagpakilalang isa sa mga hitman ng sinasabing Davao Death Squad (DDS), sa national headquarters ng pulisya sa Camp Crame. Inilagay ng senador sa kustodiya ng mga pulis si Edgar Matobato ilang oras makaraan ilabas mula sa Senate Building sa Pasay City. Tumestigo si Matobato sa pagdinig ng Senate justice …
Read More »Pinoy sa US pinag-iingat sa Hurricane Matthew
PINAALALAHANAN ng embahada ng Filipinas sa Amerika ang mga Filipino sa apat na estado na nakatakdang hagupitin ng Hurricane Matthew. Ayon sa Philippine embassy, dapat sumunod ang mga Filipino sa utos ng mga opisyal sa Florida, Georgia, North at South Carolina at lumikas. Nasa 225,000 Filipino ang nakatira sa apat na estado na inaasahang tatamaan ng bagyo. Sa estado ng …
Read More »Samar niyanig ng magnitude 4.5 lindol
NAYANIG sa magnitude 4.5 lindol ang Samar at Leyte bandang 3:09 am kahapon. Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol 48 kilometro sa hilagang-silangan ng Catbalogan, Samar. May lalim na 36 kilometro ang naturang lindol at tectonic ang ori-gin. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bayan sa Northern Samar, Eastern Samar, Tacloban City, Borongan City, at …
Read More »Drug case vs De Lima ikinakasa — DoJ
INIHAHANDA na ng Department of Justice (DoJ) ang isasampang kaso laban kay Sen. Leila de Lima. Sinabi ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre II, kakasuhan ang senadora ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act, Section 5, sakop nito ang pagbebenta, trading, administration, dispensation, delivery, distribution at transportation ng ilegal na droga. Aniya, gagawing batayan nila sa pagsasampa ng kaso ang testimonya …
Read More »Lookout bulletin vs driver ni De Lima
MAGPAPALABAS ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin laban sa dating driver ni Sen. Leila De Lima na si Ronnie Dayan. Ito ay nang mabigong sumipot si Dayan sa pagdinig ng House Justice Committee kahapon kaugnay ng illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Paliwanag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, mayroon pang 24 oras si Dayan para magpaliwanag …
Read More »Senador na lulong sa cocaine tukuyin (Senators kay VM Duterte)
HINAMON ng mga senador si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na pangalanan ang binabanggit niyang senador na gumagamit ng cocaine. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, seryosong akusasyon ito at maaaring maging kasiraan ng lahat ng senador hangga’t hindi pinapangalanan ang tunay na dawit sa ilegal na gawain. Habang para kay Senate President Koko Pimentel, saka na lang niya papatulan …
Read More »Anti-wiretapping, bank secrecy law aamyendahan
PLANO ng House committee on Justice na amyendahan ang ilang mga batas sa gitna ng imbestigayson hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) Sinabi ni Justice Committee chairman Reynaldo Umali, ang nakikita nilang kailangan “i-relax” na batas ang Anti-Wiretapping Law at ang Bank Secrecy Law ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Ngunit paglilinaw ni Umali, mahigpit …
Read More »