Friday , July 1 2022

Bintang kay Pulong, Mans masagot sana

HAHARAP ngayong araw sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee si presidential son at Davao City vice mayor Paolo Duterte at ang kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio hinggil sa P6.4 bilyong shabu smuggling na nakalusot sa Bureau of Customs.

Asahan na magiging full force ang kampo ng Liberal Party o mga kaalyado ng nakaraang administrasyon at iuumang ang kanilang mga bala laban sa anak ng pangulo at kanyang manugang na umano’y isinasangkot sa “Davao Group” na involved sa malawakang smuggling.
Pero asahan din ang mga kakampi ng administrasyon na aalalay at ‘di papayag makuyog ang magbayaw sa kanilang pagharap sa komite para magbigay-linaw sa umano’y pagka-kasangkot nila sa smuggling, base na rin sa ipinalalabas ng ilang mga kakampi ng dating administrasyon.

Sa kung ano mang kahihinatnan ng pagdinig na ito, ang higit nating inaasahan ay matuldukan ang usaping ito: matukoy kung sino nga ba talaga ang nagpasok ng malaking bulto ng droga, at sila ay maparusahan; mawakasan ang smuggling sa BoC, at matukoy rin kung sino-sino nga ba ang nasa likod ng Davao Group.

Bagamat may bahid ng politika ang usapin, hindi dapat na ito ang mangibabaw kundi ang katotohanan at kung anong dapat at ‘di dapat gawin.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paalam, PRRD

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DALAWANG araw na lang at magwawakas na ang administrasyong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Laban vs COVID, let’s do it again

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING magulang ang nagnanais na sana ay matuloy ang 100 porsiyentong …

Dragon Lady Amor Virata

Work from home para tipid pa rin

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DAHIL marami sa ating kababayan ang pumapalag sa walang …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Pretty Boy Goyo

PROMDIni Fernan Angeles ANG langgam nga naman, dumadayo kung saan may pulot pukyutan. Ito ang …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Sindikatong laglag pangalan

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang usapang SOP sa mga proyektong nakukuha ng mga …

Leave a Reply