PINAWI ng gobyerno ang pangambang magkakaroon ng lamat sa pagitan ng Filipinas at Malaysia kasunod ng paratang ni MNLF chairman Nur Misuari. Magugunitang kamakalawa, sa loob mismo ng Malacañang kaharap si Pangulong Rodrigo Duterte, tahasang inakusahan ni Misuari ang Malaysia na sangkot sa kidnapping for ranson. Inihayag ni Misuari, balang araw sasampahan niya ng kaso sa International Criminal Court (ICC) …
Read More »2 obrero todas, 7 sugatan nang madaganan ng truck at backhoe
GENERAL SANTOS CITY – Binawian ng buhay ang da-lawang construction worker habang pito ang sugatan nang madaganan ng 10-wheeler truck na may kargang backhoe at mga materyales, pasado 10:00 pm kamakalawa. Ayon sa ulat, nawalan ng break ang cargo truck nang kumurba sa Buayan Bridge Malandag sa Malu-ngon, Sarangani, kaya nahulog sa matarik na bangin. Idineklarang dead-on-arrival sa Malungon Municipal …
Read More »Flood alert nakataas sa Bicol iba pang lugar
NAKATAAS ang heavy rainfall at flood warning sa mga lalawigan ng Camarines Norte at Sorsogon dahil sa interrtropical convergence zone (ITCZ). Ang ITCZ ay nagsasalubong na hanging may magkakaibang direksiyon at temperatura na karaniwang pinagmumulan ng low pressure area (LPA) at bagyo. Ayon sa PAGASA, maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang naitatalang ulan sa Bicol region. …
Read More »Online Survey para sa mga Beki at Transgender, a-awra na!
IPINANALO ng University of the Philippines Manila sa isang mahigpit na kompetisyon ng Newton Agham, katuwang ang mga mananaliksik mula sa Liverpool School of Tropical Medicine ng United Kingdom ang kanilang HIV Gaming, Engaging, and Testing (HIV GET) Project na naglalayong mapabuti ang HIV testing and counselling sa bansa. Ang proyekto ay maglulunsad ng isang “serious gaming” na application na …
Read More »BoC official sinibak (Tinukoy ni Digong sa anomalya)
SINIBAK na sa puwesto ang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sangkot sa mga anomalya sa kawanihan. Kinilala ang opisyal na si Atty. Arnel Alcaraz, officer in charge (OIC) ng enforcement group ng BoC. Ayon kay Office of the Customs Commissioner chief of staff Mandy Anderson, si Alcaraz lamang ang OIC na may …
Read More »Ex-Makati Mayor Elenita Binay absuwelto sa graft
ABSUWELTO sa kasong graft ang dating alkalde ng lungsod ng Makati na si Dra. Elenita Binay. Ito ay makaraan ibasura ng Sandiganbayan Fifth Division sa 90 pahinang desisyon ang isinampang kaso laban kay Binay. Kasama sa mga napawalang-sala sina dating city administrator Nicanor Santiago, Jr., dating General Services Department head Ernesto Aspillaga at Bernadette Aquino, opisyal ng Asia Concept International. …
Read More »OFWs hinikayat magrehistro para sa May 2019 election
HINIKAYAT ng Commission on Election ang mga Filipino sa ibang bansa na magparehistro online para makasali sa May 2019 midterm elections. Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, maaring makapagrehistro ang mga OFW sa pamamagitan sa online www.comelec.gov.ph. Magiging available ang nasabing Overseas Form No. 1 mula Disyembre 1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2018. Base sa kanilang record, umabot sa 1,376,067 …
Read More »27,000 arms deal sa US ‘di pa kanselado — Dela Rosa
TINIYAK ng kompanyang Sig Sauer, ang supplier ng 27,000 units ng M4 assault rifles sa PNP, nagpapatuloy pa ang permit to export sa biniling mga bagong armas. Ito ang iginiit ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa batay sa sulat na ipinadala ng Global Defense International na local counterpart ng Sig Sauer sa Filipinas. Ayon kay Dela Rosa, ang …
Read More »14-anyos dalagita minolestiya ng stepfather
LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 59-anyos lalaki makaraan molestiyahin ang 14-anyos dalagitang anak ng kanyang live-in partner sa Brgy. Poblacion, Mandaon, Masbate. Ang suspek na si Relan Danao ay nabatid na kabilang din sa listahan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar. Nakompiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang improvised shotgun na may nakalagay …
Read More »Kaso vs Gen. Loot lalakas dahil kay Kerwin — PNP
NANINIWALA si PNP chief Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa, kung makauwi na sa bansa si Kerwin Espinosa, ang sinasabing drug lord, ay magiging malakas pa ang kanilang kaso laban sa retired general at ngayon ay Daanbantayan Mayor Vic Loot. Ayon kay Gen. Bato, tanging si Kerwin lang ang makasasagot sa lahat ng mga tanong tungkol kay Loot. Inamin ni Dela …
Read More »Central Mindanao inalerto vs resbak ng drug lords
INALERTO ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang lahat ng kanilang mga tauhan sa Central Mindanao. Ito ay dahil sa sinasabing planong resbak sa kanila ng drug lords na nasagasaan sa kanilang anti-illegal drug campaign. Ayon kay Dela Rosa, inatasan niya ang regional police directors ng PNP Region 12 at ARMM na higpitan pa ang kanilang seguridad upang …
Read More »PacMan i-knockout si Vargas (Utos ni Digong sa 4th round)
HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si eight-division world champion Sen. Manny Pacquiao na agad pabagsakin si American boxer Jessie Vargas. Sinabi ni Duterte, umaasa siya na makakamit ni Pacquiao ang i-naasam na knockout win sa loob lamang ng apat na rounds. Paliwanag ng Pangulo, bagamat hindi siya eksperto sa boksing, kailangan ng Filipino ring icon na pabagsakin si Vargas bago …
Read More »Baha ibinabala (Matagal na bagyo nagbabanta)
INAASAHANG tatagal ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Filipinas. Sa kabila ito nang pagkalusaw kahapon ng low pressure area (LPA) na unang namataan sa silangan ng Mindanao. Ayon sa Pagasa, makapal ang ulap na bumabalot sa buong bansa na dala ng intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin at may magkakaibang temperatura. Tinatayang lalo pang titindi ang …
Read More »4 estudyante sugatan sa 2 trike
BAGUIO CITY – Apat estudyante ang sugatan makaraan magbanggaan ang dalawang tricycle kamakalawa sa Manabo-Sallapadan municipal road sa Brgy. San Jose Sur, Manabo, Abra. Kinilala ang mga sugatan na sina Cherry Mae Dalipog Amante, 17; Myra Fe Banasan Batoon, 16; at ang kambal na sina Rachelle Anne Catriz Ganeb at Anne Marie Catriz Ganeb, kapwa 23-anyos, pawang mga estudyante at …
Read More »Mag-aama patay sa trike vs armored car (Sa Pangasinan)
DAGUPAN CITY – Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya makaraan mabangga ng armored car ang sinasakyan nilang tricycle sa bayan ng Sual, Pangasinan kamakalawa. Kabilang sa namatay ang padre de pamilya na si Joel Ruiz, 31; ang dalawang menor de edad na anak na sina Dhaisy Rain Ruiz, 4, at Emegin Ruiz 3, pawang mga residente sa Brgy. Pocal-pocal, …
Read More »Diaper at hearing aid kay FVR
HINDI kawalan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Digong Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang special envoy to China. Sa simula pa lang, hindi na dapat itinalaga ni Duterte si Ramos dahil wala naman talagang silbi ito sa kanyang administrasyon. Sa edad na 88-taong gulang, maituturing na matandang hukluban na si Ramos. Nakatatakot dahil sa kanyang …
Read More »Undas generally peacefull
GENERALLY peaceful ang paggunita ng All Saints Day sa kalakhang Maynila. Ito ang inisyal na pagtaya ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Albayalde. Ayon kay Albayalde, wala silang nakukuhang impormasyon na mayroong mga insidente na naitala sa loob at labas ng mga sementeryo sa Metro Manila. “It’s generally peaceful. Hopefully hanggang matapos hanggang hatinggabi mamaya …
Read More »PH, China may ‘friendly understanding’ (Sa Scarborough Shoal)
INILINAW ni National Security adviser Hermogenes Esperon, walang pormal na kasunduan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping para malayang makapalaot muli sa Panatag Shoal ang mga mangingisdang Filipino. Sinabi ni Esperon, bitin ang naging pag-uusap kamakailan sa China nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping at hindi natalakay ang usapin ng teritorial dispute sa …
Read More »Patrol operations paiigtingin (NCR checkpoints binaklas)
MAKARAAN alisin ang lahat ng checkpoints sa Metro Manila, ang mga elemento ng National Capital Region Police Office ay paiigtingin ang kanilang patrol operations upang mapigilan ang posibleng mga krimen. Sinabi ni NCRPO director, Senior Supt. Oscar Albayalde, ang bawat checkpoint ay minamandohan ng 18 hanggang 26 personnel, at ngayon ay idineploy sa pagpapatrolya upang patindihin ang police visibility. Dagdag …
Read More »‘Di lahat ng checkpoints aalisin — Defense sec
NILINAW ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi lahat ng checkpoints sa buong bansa ay tatanggalin. Ito ay makaraan iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang itinalagang checkpoints sa buong bansa. Ayon kay Lorenzana, ime-maintain pa rin ang necessary checkpoints para mapanatili ang peace and order lalo sa mga lugar na magulo at may mga banta ng karahasan. Pahayag ng …
Read More »Pamangkin ni Drilon sabit sa grenade blast?
ILOILO CITY- Ang mismong pamangkin ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon ang pinaniniwalaang naghagis ng granada malapit sa bahay ng senador sa Brgy. East Baluarte, Molo, Iloilo City kamakalawa. Ayon sa impormasyon, si Kitt Drilon Gregorio, lider ng Rampage Gang, ang nagpasabog ng granada sa Skate Park sa nasabing lugar, isang menor de edad ang sugatan at nasira ang …
Read More »Sugatang sundalo binisita ni Digong sa Halloween
BAGAMAT Halloween, at ang Oktubre 31 ay holiday, lumipad si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo, Sulu para bisitahin ang nasugatang mga sundalo. Ang nasabing mga sundalo ay nasugatan sa nakaraang pakikisagupa sa mga mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, at nilalapatan ng lunas sa ospital sa Camp Teodulfo Bautista. Binigyan ng Pangulo ang bawat isa sa kanila ng P1,000 cash …
Read More »13th month pay ipinaalala ng DoLE
PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DoLE) kahapon ang mga employer na bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay bago sumapit ang Bisperas ng Pasko, Disyembre 24. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lahat ng rank-and-file employees ay dapat tumanggap ng 13th month pay, ano man ang uri ng kanilang trabaho, basta’t sila ay nagtrabaho …
Read More »2 bata patay, 14 sugatan sa van na nahulog sa kanal (Sa STAR Tollway)
DALAWANG bata ang patay habang sugatan ang 14 iba pa makaraan mahulog ang sinasakyang van sa kanal sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Malvar, Batangas, Lunes ng gabi. Galing sa isang beach resort sa Anilao, Mabini at pauwi sa Pasig ang L300 van ng mga biktima nang mag-overtake sa Kilometer 73 ng tollway. Nagpagewang-gewang ang van nang mawalan …
Read More »4 domestic flights kinansela — MIAA
APAT domestic flights ang kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga apektado ng kanselasyon ay biyaheng Catarman, Northern Samar, Basco, Batanes at return flights ng mga ito sa Metro Manila. Una nang nag-abiso ang Pagasa nang pagbuhos ng ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa isang low pressure …
Read More »