TULUYAN nang nag-alsa balutan sa Liberal Party ang mga mambabatas na tinaguriang “Anak ni Mar Roxas” matapos mag-ober da bakod sa political party ng Administrasyong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban. Kabilang dito sina Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, Sta. Rosa, Laguna Mayor Danilo Fernandez, at Quirino Rep. Dakila Cua, at iba pa, dumalo rin …
Read More »Pag-alis sa Kuwait total deployment ban epektibo agad
PINIRMAHAN ni Labor Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes ang kautusang pormal na nag-aalis sa total deployment ban ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait. Sinabi ni Bello na agad magiging epektibo ang kautusan. Kasunod ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkoles, 16 Mayo, na alisin na ang deployment ban, na ipinataw noong Pebrero bunsod ng serye ng mga ulat …
Read More »60 sa narco-list nanalong barangay officials
UMABOT sa 60 barangay official na nanalo sa nakaraang halalan ang kabilang sa 207 village executives na kasama sa drug list ng gobyerno, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes. Kabilang dito ang 36 barangay chairman at 24 kagawad, ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino. Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang kani- lang paghahanda ng kaso laban sa 60 …
Read More »Impeachment vs 8 mahistrado ikinokonsidera ng Makabayan Bloc (Sa quo warranto petition)
PAG-AARALAN ng Makabayan bloc kung susuportahan nila ang plano ng “Magnificent Seven” na maghain ng impeachment complaint laban sa mga mahistradong bumoto para masipa sa kanyang posisyon si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, titingnan muna nila kung paano mapananagot ang walong mahistrado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban sa …
Read More »14 senador lumagda vs ‘pagtalsik’ ni Sereno (Resolusyon kontra Korte Suprema)
PUMIRMA ang mayoridad ng mga senador sa resolusyon na komokontra sa desisyon ng Supreme Court na patalsikin si Maria Lourdes Sereno bilang chief justice. Sinabi ni Sen. Francis Pangilinan, 14 sa 23-man Senate ang pumirma sa resolusyon. Kabilang sa pumirma ay mga miyembro ng majority at minority blocs ng Senado. Kasama sa mga pumirma nitong Huwebes sina Pangilinan, Senate Minority …
Read More »Mga kabutihang dulot ng Krystall Herbal Products
Dear Sis Fely, Ako po si Martina Mendoza ng Blk. 3, Lot 7 Phase I Grand Riverside Subdivision Pasung Cama Chile, General Trias Cavite. Ito po ang aking mga patotoo; Nagkasakit po ang aking mister, paulit-ulit ang check-up, may infection pala sa ihi (UTI), pinainom ko ng Krystall Nature Herbs at hinaplosan ng Krystall herbal oil ang kanyang puson. Sabi nga …
Read More »BREAKING NEWS: Globe brings bigger-than-ever GoSURF and GoSAKTO promos with free 2GB data (Enjoy more videos and games starting May 18)
Starting May 18, 2018, Globe Prepaid customers who subscribe to GoSURF50 and up, GOTSCOMBODD70 and 90, or GoSAKTO120 and 140 will enjoy the additional 2GB for free to access their favorite video streaming and gaming apps and sites. “The digital Filipino youth has various passions and obsessions. As purveyor of the Filipino’s digital lifestyle, Globe knows that they need access …
Read More »Van sumabog sa kargang kuwitis sa Batangas (May-ari nagpa-massage sa spa)
BATANGAS – Sumabog ang isang van sa Brgy. District 4, Lemery, Batangas, nitong Lunes ng gabi. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may kargang kuwitis ang van na maaaring naging dahilan ng pagsiklab ng apoy. Naka-park ang van na may plakang UFL-165, sa tabing kalsada habang nasa loob ng isang malapit na spa ang may-ari nito. “Galing po sila sa biyahe. …
Read More »Ellen Adarna inasunto ng child abuse, cybercrime
KINASUHAN ang aktres na si Ellen Adarna nitong Martes ng ina ng 17-anyos dalagitang pinaghinalaan niyang kumuha ng video habang kumakain siya kasama ng aktor na si John Lloyd Cruz, sa isang restoran sa Makati City. Nagtungo sa Office of the City Prosecutor sa lungsod ng Pasig si Myra Abo Santos at nagsampa ng kasong child abuse at cyber crime …
Read More »Malabon chairman sa ‘narco-list’ laglag sa eleksiyon
NATALO sa muling pagtakbo sa pagka-barangay kapitan ang isang kandidato sa Malabon City na kasama sa ‘narco-list’ ng pamahalaan. Napag-alaman, nakakuha ang incumbent chairman ng Barangay Tinajeros na si Alvin Mañalac ng 2,151 boto, mas mababa kompara sa 3,216 boto na nakuha ng kalaban na si Ryan Geronimo. Pumangatlo sa pagka-barangay kapitan si Alexander Centeno na mayroong 1,696 boto. Naiproklama …
Read More »Kandidatong kapitan panalo sa ‘toss coin’ (Sa Abra)
LAGAYAN, Abra – Labis ang tuwa ng isang 33-anyos kandidato nang manalo bilang chairman ng Brgy. Collago sa pamamagitan ng ‘toss coin.’ Kalaban ni June Cardenas sa posisyon ang kababata at matalik niyang kaibigan na si Rexor Jay Molina, ang nakaupong chairman ng kanilang barangay. Sa naging halalan nitong Lunes, tabla sa 206 ang kanilang boto kaya kinailangan mag-toss coin …
Read More »Barangay, SK polls generally peaceful – Comelec
“GENERALY peaceful.” Ito ang paglalarawan ng Commission on Elections sa ginanap na Barangay and Sangguniang Kabataan elections nitong Lunes, bagama’t may ulat ng mga insidente ng dayaan, karahasan at ilang namatay. “Generally peaceful, ‘ika nga, [ang eleksiyon]. Natutuwa kami na ang botohan sa iba’t ibang mga presinto ay nairaos nang walang malaking problema, walang malaking disturbance,” pahayag ni Comelec spokesperson …
Read More »Tokhang vs panalong barangay execs sa narco-list (Tiniyak ng PNP)
MAAARING humarap sa “Oplan Tokhang” operations ang barangay officials na kabilang sa narcotics list ng pamahalaan, kahit nanalo sa barangay elections, ayon sa Philippine National Police kahapon. “It depends on the evidence. If we have strong evidence, we can always subject them to ‘Tokhang.’ We’re not being selective here,” pahayag ni Director General Oscar Albayalde sa press briefing. Magugunitang inilabas …
Read More »BSK poll winners proklamado na — Comelec
INIHAYAG ng Commission on Elections nitong Martes, proklamado na ang halos lahat ng mga nanalong kandidato sa nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan elections. Sinabi ni Comelec spokesperson Director James Jimenez, hanggang 1:50 pm nitong Martes ay 94.01 porsiyento ng lahat ng mga nanalo ang proklamado na. Samantala, ipinaalala ni Jimenez sa mga naghain ng Certificate of Candidacy na maghain ng …
Read More »‘Kill Grab’ plot buking
IBINISTO kamakailan ng isang transport group ang sinabing isang ‘sindikato’ na nagtutulak sa planong patayin ang operasyon sa bansa ng ride-hailing app company na Grab. ‘Kill Grab’ plot ang misyon ng grupo na binubuo ng isang mambabatas, isang opisyal ng ahensiya sa ilalim ng Transport Department at mga bagong Transport Network Companies (TNCs), ayon sa transport umbrella group na Modern Basic Transport …
Read More »International fitness gurus handa na para sa WNBF Philippines First Amateur Championship
PORMAL nang naghanap ang World Natural Bodybuilding Federation (WNBF) Philippines para sa mga male at female competitors para sa 2018 WNBF Philippine First Amateur Championship na mangyayari sa Hunyo 9 sa Johnny B. Good sa Makati City. Ang WNBF Philippines ay kinakatawan ng mga international fitness gurus na sina Chris Byrne at Mitch Byrne, na kilala bilang dalawa sa pinaka-mahuhusay na Filipino-Canadian fitness icons sa North America ngayon. Naglalayon ang Philippine …
Read More »3 paslit na mag-uutol patay sa Pasig fire
PATAY ang tatlong bata makaraan matupok sa sunog ang kanilang bahay sa Pasig City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Princess Joy Navidas, 7; John Andrew Navidas, 4, at BJ Navidas, 2, residente sa San Isidro St., Centennial 2, Nagpayong 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, umalis sa kanilang bahay ang ina …
Read More »2 sundalo patay sa sagupaan sa CamSur
RAGAY, Camarines Sur – Binawian ng buhay ang dalawang miyembro ng Philippine Army nang makasagupa ang hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Salvacion sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur, nitong Linggo ng umaga. Ayon sa ulat, sunod-sunod na putok ang narinig ng mga residente ng barangay nang magkasagupa ang pinaniniwalaang mga miyembro ng NPA at …
Read More »Kasambahay, driver sabit sa pagpatay sa among doktora
NASA kustodiya na ng Las Piñas City Police ang kasambahay at driver na umamin sa kanilang partisipasyon sa pagpaslang sa amo nilang dean ng isang medical school nitong nakalipas na Biyernes. Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na ang live-in partners na sina Juvy Bandoy Acero, alyas Tata, 43, at Dindo Engcoy Legano, 39-anyos. Naunang inaresto ng pulisya si Acero …
Read More »1,000 SK bets hindi agad ipoproklama (Kapag nanalo sa eleksiyon)
KAPAG nanalo, ang proklamasyon ng 1,000 youth candidates ay isususpende ng Commission on Elections makaraan makompirmang nilabag ang anti-dynasty provision ng Sangguniang Kabataan elections o lumagpas sa age requirement para sa SK officers Sinabi ni Comelec acting chairperson Al Parreño, 4,000 hanggang 5,000 katulad na kaso ang under review bagama’t tapos na ang 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) …
Read More »Vote-buying beberipikahin
INILINAW ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kahapon, hindi maikokonsiderang “massive” ang vote-buying sa barangay at SK elections hangga’t hindi ito nabeberipika ng mga awtoridad. “Kaya ‘massive’ ang reports kasi one party will report vote-buying then the other party will also report vote-buying, kaya we have to verify it,” pahayag ni Albayalde sa press conference sa …
Read More »33 patay sa eleksiyon
NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng 33 katao napatay sa hinihinalang election-related incidents sa buong bansa mula sa pagsisimula ng election period noong 14 Abril. Hanggang 6:00 am nitong 14 Mayo, sinabi ni PNP chief Director General Oscar Albayalde, nakapagtala sila ng kabuuang 35 suspected at pitong validated election related incidents. Sa 42 incidents, 33 ang shooting, dalawa ang …
Read More »1,100 pulis nagsilbing BEIs — PNP
INIHAYAG ni Philippine National Police Director General Oscar Albayalde nitong Lunes, 1,100 police officers ang nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa 2018 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections. Sinabi ni Albayalde, 180 police officers ang nagsilbi bilang BEIs sa Sulu; 45 sa Basilan; 177 sa Maguindanao; 400 sa Lanao del Sur; 119 sa Cotabato City; at 109 sa …
Read More »Pagbasura sa drug charges vs Taguba, 8 iba pa iniapela
INIAPELA ng Department of Justice (DOJ) ang pagbasura ng Valenzuela City court sa drug transportation and delivery charges laban kay umano’y Customs fixer Mark Ruben Taguba II at walong iba pa kaugnay sa P6.4-billion shabu shipment mula China nitong nakaraang taon. Sa motion for reconsideration na may petsang 8 Mayo, hiniling ng panel ng DOJ prosecutors kay Judge Arthur Melicor …
Read More »SPEEd, Globe Studios, FDCP, at WISH, nagsama-sama para sa 2nd Eddys
NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa malalaking pangalan sa industriya ng showbusiness para sa pinakaaabangang 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) na gaganapin sa Hulyo. Sa ilalim ng direksiyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging malaki at mas exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga natatangi at de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2017. Ang Globe Studios ang major presenter ng 2nd Eddys’ Choice habang ang fastest growing FM station na Wish 107.5 naman ang bubuo at hahawak sa production ng event. Bago ang awards night, magkakaroon ng Nominees Night sa * June 3, 5:00 p.m., sa 38 Valencia Events Place,Quezon City. Katuwang ng SPEEd sa Nominees Night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairman Liza Dino. Rito ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at ng FDCP ang certificates …
Read More »