Sunday , December 29 2024

hataw tabloid

3 Korean nationals ‘napahamak’ sa yosing ilegal

TATLONG Korean nationals ang nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahuli na aktong nagtitinda ng mga ilegal na sigarilyo sa Bacoor Cavite, nitong Martes. Imported smuggled cigarettes, ang sinabi ni NBI  Special Action Unit chief Emeterio Dongalio Jr. matapos iharap sa media ang tatlong Korean nationals na kinilalang sina Young Kook Kim, Jong Kook Choi, at Gee Pong …

Read More »

Ex-President ng Vallacar, sabit sa ‘funds anomaly’ (Pondong kinuha, pasuweldo sa mga empleyado)

PINANGANGAMBA­HANG milyon-milyong piso ang nakulimbat ng isang Leo Rey Yanson, dating pa­ngu­lo ng Valla­car Transit Corporation, isa sa pina­kamalaking bus com­panies sa Filipinas. Ayon kay Vallacar Chief Finance officer Celi­na Yanson-Lopez, bulto ang pondong nakuha ng dating pangulo na si Yanson. Ang pondong ito ay pasuweldo sa mahigit 18,000 empleyado ng nasabing bus company na may operasyon sa kalak­hang Visaya at …

Read More »

NTC tumupad ng pangako ni Duterte sa SONA na ikatlong telco

TINUPAD ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pangako ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Duterte sa huling State of the Nation Address (SONA) na magkakaroon ng bagong major player sa telecommunications industry sa inisyung Certificate of Public Convenience and Necessity Issuance Ceremony (CPCN) sa Malacañang kamakailan. Personal na sinamahan si Duterte nina NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba at Department of Information and …

Read More »

Barangay official na kababata ni Isko pinatay

dead gun police

TODAS sa pamamaril ang executive officer ng Barangay 275 sa Gate 47 ng Parola Compound nitong Martes ng hapon. Ayon kay P/Cpl. Tadeus ng Manila Police District Station 11, isang tama sa ulo ang nagpatumba kay Dario Habal. Isinugod ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Hospital sa Tondo. Ayon kay Joel Balenya, bayaw ng …

Read More »

Isko, good example — DILG

NANINIWALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), dapat tularan si Manila Mayor Farncisco “Isko Moreno” Domago­so ng iba pang mga alkal­de sa bansa. Ito ang naging reak­siyon ni Interior Un­dersecretary Epimaco Densing sa unang mga linggo ng alkalde na naging matunog dahil sa kabi-kabilang clearing operations. Ayon kay Densing, isa itong magandang tem­plate na dapat ipatupad ng …

Read More »

Sa Bonifacio Shrine… Isko nakaapak ng ebak, PCP commander sinibak

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay MPD director P/BGen. Vicente Danao na sibakin sa puwesto ang PCP commander ng Lawton na nakakasakop sa Boni­facio Shrine sa Ermita, Maynila. Kasunod ito nang ginawang inspeksiyon ni Moreno sa paligid ng Bonifacio Shrine kahapon ng umaga. Sa kanyang pag-iinspeksyon, sinabi ni Moreno na ang Shrine ay isang ‘malaking banyo’ dahil …

Read More »

Suweldo ng city hall employees hindi na made-delay — Isko

MULING nagpasalamat si Mayor Isko Moreno sa taong-bayan at nakiusap sa mga empleyado ng Manila Cityhall na tulungan siyang ibalik ang karangalan sa paglilingkod sa bayan. Ipinahayag ito ni Moreno sa mga empleyado ng Manila City Hall sa flag ceremony nitong Lunes ng umaga. Aniya, tapos na ang eleksiyon kaya maaari na raw isuot ng mga empleyado ang lahat ng …

Read More »

K Magic nina Ate Girl at Koring, humahataw

PARAMI ng parami ang gumaganda sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa K Magic line of skin and hair product essentials ng broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas na ineendoso niya kasama si Jacque “Ate Girl” Gonzaga ng It’s Showtime. Maliban sa Wonder K na gumagawa at namamahagi ng pinagkakaguluhang pampapayat na powdered juice drink tulad ng K Berry Slim, ang K Magic ay FDA approved line …

Read More »

Velasco ayaw ng 15-21 term sharing, bakit?

GUSTO bang maging house speaker ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, para maglingkod sa interes ng tao at bayan? O sinusungkit niya ang posisyong ito, para sa kapangyarihan at impluwesniya na maisulong ang interes ng kanyang bilyonaryong benefactor?!  Tanong ito ng maraming spectator dahil mukhang binabalewala ng mambabatas ng Marinduque ang 15-21 term sharing na binasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.  …

Read More »

Hasaan 7 sa Agosto na

INAANYAYAHAN ng Departa­mento ng Filipino, Sentro sa Salin at Araling Salin ng Uni­bersidad ng Santo Tomas at ng Komisyon sa Wikang Fili­pino ang lahat ng mga taga­salin, nais matutong magsalin, mga guro ng pagsasalin at mga guro ng wika at kultura pati na ang mga pablisyer, mga kompanya sa wika at mananaliksik na dumalo sa Hasaan 7: Pam­bansang Kumperensiya at …

Read More »

UP Manila Summa Cum Laude nagpasalamat sa Munti LGU para sa scholarship

BUMISITA para sa kortesiya si University of the Philippines – Manila, Class 2019 Valedic­torian and Summa Cum Laude Graduate Mia Gato, residente sa Muntinlupa, kay Mayor Jaime Fresnedi nitong 2 Hulyo. Nagpasalamat si Gato sa local government sa scholarship assistance na ipinagkaloob sa kanya sa panahon ng kanyang pag-aaral sa UP Manila. Noong 2015, kinilala si Gato bilang isa sa …

Read More »

Flat glass smugglers, pinababantayan sa Customs

PINATUTUKAN na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilegal na pagpasok sa bansa ng mga smuggled flat glass na posibleng makaapekto sa construc­tion industry sa bansa. Sa naunang Depart­ment Administrative Order (DAO) na inilabas ng DTI, inaatasan nito ang Bureau of Product Stan­dard (BPS) na maglunsad ng mas agresibong kam­pan­ya laban sa manu­facturers at importers ng mga …

Read More »

Digong ginawang sinungaling ni Lord V.

PINALABAS na sinu­ngaling ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Ve­las­co ang Pangulong Ro­drigo Duterte nang sabi­hin na walang nabanggit na hatian sa termino para sa speakership agree­ment. Desmayado si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa inasta ni Velasco at pinaalala na ang Pangulo mismo ang nagpaliwanag sa mga reporter noong nakaraang Miyerkoles sa Malacañang kung ano ang napagka­sunduan nila ni …

Read More »

Kahit pinaboran ni Duterte… Term sharing deadma kay Velasco

NANINIWALA ang mga political analyst na nawalan ng kompiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pag-atras sa nabuong term sharing sa house speakership. Para sa political analyst na si University of the Philippines Professor Ranjit Rye, si Velasco ang napurohan nang tang­gihan niya ang kasunduan sa term sharing lalo pa’t inaprobahan ito ng Pangulo bilang solusyon sa …

Read More »

Isko, Honey, nanumpa na sa tungkulin

PORMAL nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga nagwagi sa midterm elections na isinagawa nitong 13 Mayo 2019. Ito’y kasabay ng huling araw ng Hunyo nitong Linggo. Kabilang sa mga sumalang sa oathtaking ang newly elected Manila mayor na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna sa harap ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin. Tinalo ng …

Read More »

Sa banta ng impeachment… Duterte, solidong kongreso kailangan

MALAKI ang papel na gagampanan ng Kongreso sa administrasyong Du­ter­te sa banta ng impeach­ment, kaya nanganga­ilangan ng matatag na liderato lalo sa House of Representatives. Ayon sa batikang political analyst na si Mon Casiple, mainit ang usapin ng West Philip­pine Sea  at ang banta ng impeachment hanggag sa huling nalalabing 3-taon termino ng Pangulo kaya dito papasok na dapat mayroon siyang …

Read More »

Sa karera para sa House Speaker… Cayetano desperado

DESPERADO na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa kanyang kampanyang maging House speaker dahil hindi siya iniendosong maging ng kanyang sariling partido – ang Nacionalista Party (NP). Ito ang ibinunyag kahapon ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa radio interview sa kanya ni Ms. Divine Reyes ng DZBB. “Si Congressman Cayetano po is from NP but even NP, …

Read More »

Bagong seaman party-list congressman American citizen, ipinetisyon sa Comelec

NAMIMILIGRONG hindi makaupo bilang kinatawan ng party-list ng mga marino (seaman) si Jose Antonio G. Lopez, makaraang kuwestiyonin ang kanyang pagiging American citizen sa Commission on Elections (Comelec). Sa kanyang 21-pahi­nang petisyon, sinabi ni Ruther Navera Flores, residente ng Pasig City, hindi karapat-dapat na maging pangalawang kinatawan si Lopez ng Marino, Samahan ng mga Seaman Inc., Party-list ayon sa sinasaad …

Read More »

PDP Laban, party-lists pumalag sa manifesto pabor kay Velasco (Walang takutan — Salceda)

PUMALAG ang mga miyembro ng PDP- Laban at party-lists coalition sa inilabas na “manifesto of support” ni Senator Manny Pacquiao na nag­sasabing suportado nila at ng ibang partido sa Kamara ang Speakership bid ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ngunit ang katotohanan, walang basehan ang manifesto dahil hindi dumaan sa konsultasyon ng kanilang mga miyembro. Sa pagpalag ng mga miyembro, …

Read More »

DAO, estriktong ipatutupad… DTI nagbabala vs substandard flat glass importers & manufacturers

MULING binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang flat glass manufacturers at importers na sumunod sa estriktong pamantayan sa kalidad ng kanilang mga produkto. Sa inilabas ng DTI na Department Adminis­trative Order (DAO) nitong 6 Abril 2019, inaa­tasan ang pagtatakda ng Product Standard for Flat Glass sa buong bansa na naglalayong pairalin sa mga construction site ang paggamit …

Read More »

Velasco walang solidong suporta mula sa partido (LP, Makabayan Bloc sinuyo)

congress kamara

WALANG patid ang panunuyo ni Marinduque Rep. Lord Allan sa mga mambabatas mula sa ibang partido upang makuha ang kanilang boto, matapos makompirma na hindi solido ang kinaaniban niyang PDP-Laban, may 84 miyembro, sa kanyang kandidatura para sa Speakership. Kahapon ay inianun­siyo nina PDP-Laban members representatives Doy Leachon, Johnny Pimentel, at Rimpy Bon­doc na nasa 40 miyem­bro ng partido ang …

Read More »

Preso, patay sa loob ng selda

dead prison

HINDI na nakalaya at sa loob ng selda inabot ng kamatayan ang 44-anyos preso na may kasong act of Lasciviousness sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktima na si David Akmad, residente sa Estero de Magdalena St. Tondo, Maynila. Sa ulat, nahirapan umanong huminga ang biktima habang nasa loob ng kanilang selda kaya ipinagbigay alam ito sa jail officer. Sa rekord …

Read More »

Isko, nakiisa sa 448th Araw ng Maynila

NAGPAHAYAG ng pakikiisa at pagbati si incoming Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagdiriwang ng ika-448 anibersaryo ng pagkakatatag ng kapitolyo ng bansang Filipinas, ang Lungsod ng Maynila. Ayon kay Domagoso, alalahanin natin ang mga hamon na buong tapang na hinarap at napag­tagumpayan ng mga nakaraang henerasyon ng mga Manileño. Pinangunahan ni Manila City Administrator Atty. Ericson JoJo Alcovendas, …

Read More »