Monday , October 25 2021

Seafarers ipaglalaban ko — Bong Go

SA PAGDIRIWANG ng Seafarers Anniversary nitong 25 Hunyo sa Intramuros, Maynila, personal na pinuri ni Senator “Bong” Go ang ‘di matatawarang ambag ng Filipino seafarers sa economic development ng ating bansa.
 
“Happy anniversary po sa inyo sa lahat ng ating marino, sa inyong pagdiriwang po ng 11th anniversary ng Day of the Seafarers. Sa lahat po ng seafarers, ipaglalaban ko po kayo. Kami ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, handa po kaming magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya….that is why the Duterte administration, through the Maritime Industry Authority under the Department of Transportation, has been working hard to provide concrete plans of action to ensure that you are looked after in these difficult and challenging times,” pahayag ni Go.
 
Si Go ay labis na nag-aalala sa seguridad ng mahigit 10 milyong overseas Filipinos kabilang ang seafarers at kanilang mga pamilya lalo ngayong panahon ng pandemya at pagharap sa iba’t ibang krisis na nararanasan sa buong mundo.
“Higit kumulang sampung porsiyento ng ating populasyon ang nasa abroad. Mahirap po mawalay sa sariling bayan para lang buhayin ang pamilya at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga anak. Bilang mambabatas, gagawin ko ang lahat upang maipaglaban ang inyong kapakanan,” diin ni Go.
 
Sa ngayon ay isinusulong ni Go ang agarang pagpasa sa Senate Bill No. 2234 na naglalayong maitatag ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos (DMWOF). Ang panuntunan nito ay sinertipikahan ni President Rodrigo Duterte bilang urgent na co-sponsored ni Go sa Senado
 
Ang panukalang departamento ay magiging pangunahing mandato para sa formulation, recommendation at implementation ng national policies, plans, programs and guidelines na poprotekta sa overseas Filipinos kabilang ang OFWs gayondin ang kampanya sa kanilang pangangailangan at maresolba ang mga napapanahong isyu sa epektibong pamamaraan.
 
Ang DMWOF ang magiging responsable para sa pagbibigay ng relevant social at welfare services kasama ang insurance, social work assistance at legal assistance. Magkakaloob din ito ng ayuda sa National services lalo sa panahon ng national emergencies tulad ng pandemic o gera.
 

About hataw tabloid

Check Also

Chavit Singson, Globe, Smart, Dito

Telco Common Towers ni Chavit, handa na para sa Globe, Smart at DITO

BUKOD sa pag-i-invest ni LMP president at Narvacan Mayor Chavit Singson ng 100 million dollars sa South …

Papa Sweet Sarap Banana Ketchup

Papa Sweet Sarap Banana Ketchup, mas pinagtibay sa tulong ng B-Vitamins para magbigay-enerhiya at lakas sa mga bata

BILANG nangunguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masarap na hapagkainan sa bawat Filipink, …

SM Megamall Mandaluyong Menchie Abalos COVID-19 vaccine A3.1 category minors kids

SM SUPERMALLS OPENS PEDIATRIC VACCINATION CENTER IN MANDALUYONG
Phase 2 of A3.1 vaccination program starts rolling out in 17 more locations in PH

WHEN the news broke out that children with comorbidities can get vaccinated, Paul Vincent Lim …

Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Mga sikat na online personalities sa kanilang #BestTimeWithGlobe

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG sikat na social media personalities, Dr. Kilimanguru, DJ Jhai Ho, at Kiray Celis ang …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Leave a Reply