Sunday , December 22 2024

hataw tabloid

Seizure ‘di heart condition — Honrado (Kaya nag-indefinite leave)

INIHAYAG ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado sa mga mamamahayag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), at sa airport officials at personnel, sa pamamagitan ng press release ng MIAA Media Affairs Department (MAD), na siya ay nasa stable condition makaraan dumanas ng seizure nitong Hunyo 28, 2015 habang nasa kanyang opisina. Si Honrado ay iniulat …

Read More »

7 patay, 30 arestado sa Davao City drug raid

DAVAO CITY – Patay ang pitong hinihinalang drug pushers nang manlaban sa operasyon ng mga awtoridad sa lungsod ng Davao dakong 3 a.m. kahapon. Sabay-sabay na operasyon ang inilunsad sa ilalim ng “Lambat-Sibat: Oplan Kaagapay” ng Davao City Police Office (DCPO), CIDG central office at PDEA sa bahay ng suspected drugs pusher upang isilbi ang search warrant. Kabuung 35 search …

Read More »

P13-M gastos sa piitan ng ‘Bilibid 19’ sa Muntinlupa

PINASINAYAAN kahapon ang lilipatang Building 14 ng high-risk inmates ng New Bilibid Prison (NBP). Ililipat sa naturang gusali sa maximum security compound ng Bilibid ang tinaguriang “Bilibid 19” na pansamantalang inilipat sa National Bureau of Investigation (NBI) makaraan mapag-alamang nagpapasok sila ng kontrabando sa Bilibid. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson at chaplain Roberto Olaguer, may 29 kulungan ang …

Read More »

MILF mahirap pagkatiwalaan – Alunan

HINDI komporme si dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael M. Alunan III sa sapilitang pagsasabatas ng kontrobersiyal na Bangsamoro Basic Law (BBL) para lamang mapagbigyan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na labis nang ginagamit ang salitang kapayapaan. Para kay Alunan, maraming paraan para matamo ang kapayapaan pero dapat din isaalang-alang ang kapakanan ng Inang Laya na …

Read More »

65 cable thieves, fraudsters kinasuhan (Globe, PNP at NBI nagsanib-puwersa)

INARESTO at kinasuhan ng Globe Telecom, Philippine National Police (PNP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 65 na itinurong magnanakaw at nandaraya ng cable sa harap ng pinaigting na kampanya laban sa naturang ilegal na gawain. Nasa 12 indibiduwal ang hinuli at ngayo’y nahaharap sa kasong estafa dahil sa illegal recontracting at subscription fraud, 31 sa ilegal na …

Read More »

Sanggol, 5-anyos kuya tostado sa sunog (Natagpuang magkayakap)

KORONADAL CITY – Dalawang paslit ang namatay sa sunog sa Prk. Lower Libertad, Brgy. Topland, Koronadal City kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang si Icy Atubang, isang taon gulang, at kapatid niyang si John Fritz Atubang, 5-anyos. Ayon sa ama ng mga biktima na si Arnel Atubang, naglilinis siya ng garden na 30 metro ang layo sa kanilang bahay nang mangyari ang …

Read More »

Marikina Traffic Chief itinumba ng NPA

PATAY sa tatlong tama ng bala sa mukha ang isang dating opisyal ng pulisya at ngayo’y humahawak ng sensitibong posisyon sa Marikina City Hall, makaraan pagbabarilin ng isa sa tatlong kabataan na sinasabing nasa ‘test mission’ ng New Peoples Army (NPA) sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City kahapon ng umaga. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, …

Read More »

Walang saysay makipag-usap kay Joma

HINDI na kailangang patulan pa ng pamahalaan si Communist Party of the Philippines (CPP) founder  Jose Maria Sison.  Sa simula pa lang, wala nang mangyayari sa iniaalok nitong peace talks dahil sa kondisyong imposibleng ibigay ng pamahalaan. Ang hindi inaasahang pag-uusap ay naganap sa The Neteherlands nang magtungo ang grupo ni Speaker Sonny Belmonte para dinggin ang petisyon ng pamahalaan …

Read More »

Tax evasion vs Cedric Lee — DoJ

IPINATUTULOY na ng Department of Justice (DoJ) ang kasong tax evasion na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa negosyanteng si Cedric Lee at sa kanyang kompanyang Izumo Contractors. Ayon sa DoJ, sapat ang nailahad na dokumento ng BIR para iakyat sa korte ang nasabing reklamo. Aabot sa P194.47 milyon ang hinahabol na tax liabilities laban kay Lee …

Read More »

Ina utas sa taga ng anak na may saltik (Stepfather kritikal)

NAGA CITY – Nalagutan ng hininga ang isang ginang makaraan pagtatagain ng kanyang anak na may problema sa pag-iisip sa Sitio Sugod, Brgy. Bahao, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Helen Bautista, 50-anyos. Ayon kay PO1 Sheryl Cristo, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at ang anak ni-yang si Alexis Reyes dahil tutol ang suspek sa pagsasama ng kanyang …

Read More »

Honrado ng MIAA naghain ng indefinite leave

NAGHAIN ng indefinite leave si Manila International Airport Authority (MIAA) general mana-ger Jose Angel Honrado. Sinabi ni MIAA spokesperson David de Castro, epektibo Hunyo 29, nag-leave si Honrado dahil sa kalusugan. Humalili sa kanya bilang officer-in-charge si Assistant GM Vicente Guerzon.

Read More »

Batang maingay iginapos kelot kalaboso (Istorbo raw sa pagtulog)

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang construction worker makaraan maltratuhin ang isang bata sa Lucena City kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Jimmy Cariaso, 36-anyos. Ayon sa ulat, natutulog ang suspek sa kanyang bahay dakong 4 p.m. nang bigla siyang magising dahil sa ingay ng naglalarong biktima sa labas ng bahay. Galit na lumabas sa kanyang bahay ang …

Read More »

No leave policy sa SONA – NCRPO

MAGPAPATUPAD ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng ‘no leave policy’ sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Hulyo 27. Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Supt. Annie Mangele, bawal lumiban sa nasabing araw ang sino mang kawani ng NCRPO. Ito aniya’y bilang bahagi ng seguridad na ilalatag sa araw ng SONA. …

Read More »

Roxas: Marquez bagong PNP chief

INIANUNSYO kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas ang bagong magiging hepe ng PNP na si Police Director Ricardo Marquez. Isang araw ito bago ang napipintong pagreretiro ni Deputy Director Leonardo Espina na nagsilbing OIC ng PNP sa nakaraang pitong buwan. Sinagot ni Roxas ang mga puna kung bakit matagal bago nakapagtalaga ng hepe si Pangulong Aquino sa PNP: “Ayon sa Pangulo, …

Read More »

Misis utas sa saksak ng dyowang sekyu (Nagtalo sa kapos na pera)

PATAY ang isang misis makaraan pagsasaksakin ng kanyang live-in partner na sekyu nang magtalo dahil sa kakapusan sa pera kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Analyn Ental, 34, tubong Zamboanga Del Norte, residente ng 2166 CBY Barracks II, Purok 6, Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang kanyang live-in partner na si …

Read More »

 ‘Gapo officials, missing in action sa kalamidad (Nasa Amerika lahat)

OLONGAPO CITY—Binaha ang ilang barangay sa lungsod na ito pero missing in action si Mayor Rolen Paulino at halos lahat ng miyembro ng City Council kaya posibleng parusahan sila ng Department of Interior and Local Government (DILG) pagbalik sa bansa. Sanhi ng bagyong Egay, Falcon at hanging Habagat, lumubog sa baha ang maraming lugar sa Olongapo ngunit  nasa Virginia City …

Read More »

Malapitan utas sa P50 (Ayaw magbigay ng pantoma)

PATAY sa saksak ang isang 46-anyos tricycle driver nang tumangging magbigay ng lagay sa isang lasing sa Tondo, Manila kahapon ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Noel Malapitan, 46, may asawa, ng Gate 7, Parola Compound, Tondo, dahil sa dalawang saksak sa dibdib. Habang mabilis na tumakas ang suspek …

Read More »

Personal background ng mag-asawang nalason binubusisi

TITINGNAN din ng pulisya ang personal background ng mag-asawang manager na namatay dahil sa pagkalason sa Las Piñas City. Ayon sa Las Piñas City Police, lahat ng anggulo ay kanilang binubusisi hinggil sa pagkamatay ng mag-asawang sina Juliet at Jose Maria Escano. Sa kuha ng CCTV surveillance camera sa paligid ng mall, lumalabas na tatlong oras namalagi sa loob ng …

Read More »

Pamilya nalason sa pekeng asin

KORONADAL CITY – Isang pamilya sa Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato ang nalason ng hinihinalang pekeng asin na nabili nila sa katabing tindahan. Ayon kay Brgy. Dajay Chairman at Surallah ABC President Henry Eslabon, pitong miyembro ng pamilya Ricablanca ng Prk. Curba, Brgy. Dajay ang nalason. Kinilala ang mga biktimang sina Vicenta, Sandy, Roland, Lucena, Heidi na isang buntis, Apitong …

Read More »

Posibilidad ng botohan sa malls malabo

PINAALALAHANAN ng dating Comelec commissioner ang balak ng komisyon na magtayo na rin ng mga presinto sa malls para hindi mahirapan ang mga botante at hindi tamarin sa pagboto. Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, may ilang mga usapin na dapat ikonsidera ng Comelec, tulad nang gagawing testing at sealing ng PCOS machines at deployment ng board of election …

Read More »

2 patay sa landslide sa Kennon Road (4 pa sugatan)

DALAWA ang patay sa pagguho ng lupa sa Camp 7 sa Wabac, Kennon Road sa Baguio City, dakong 9 a.m. nitong Lunes. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Marjorie Magsino, 33-anyos, taga-Urdaneta, Pangasinan. Kinilala ang ikalawang biktima na si Teresita De Guzman, 61, binawian ng buhay sa Baguio General Hospital. Sugatan ang 40-anyos driver ng van na si …

Read More »

Patong-patong na kaso vs candy vendors

SINAMPAHAN na ng patong-patong na kaso ng pulisya sa Surigao del Sur ang limang candy vendors makaraan malason ang mahigit 1,900 mag-aaral sa kanilang ibinentang Wendy’s Durian at Mangosteen candies. Inihain ang kaso sa Regional Trial Court Branch 27 sa Tandag City. Kabilang sa isinampang kaso laban sa mga suspek ay reckless imprudence resulting in multiple serious physical injuries sa …

Read More »

3 tigok sa NPA vs gov’t troops sa Atimonan

TATLO ang patay makaraan maka-enkwentro ng mga sundalo ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Atimonan, Quezon kamakalawa.  Sinabi ni 201st Infantry Brigade Commander Colonel Rhoderick Parayno, kabilang sa mga napatay ang isang sundalo, isang sibilyan, at isang miyembro ng NPA.  Habang sugatan ang apat na sundalo gayondin ang ilang miyembro ng NPA na hindi nabatid ang bilang.  …

Read More »

Hihirit nang sobra-sobrang pondo sa 2016 parusahan (Isinulong ng minorya sa Kamara)

BINALAAN ng minorya sa Kamara ang mga ahensiya ng gobyerno laban sa paghingi ng sobra-sobrang pondo mula sa 2016 national budget. Sa harap ito ng napipintong pagsusumite ng Malacañang sa Kamara ng mahigit P3 trillion budget para sa susunod na taon. Sa ngayon, isinusulong ni Bayan Muna rep. Neri Colmenares na maparusahan ang mga opisyal ng mga ahensiyang hihingi ng …

Read More »

CCTV footage isinumite na sa Camp Crame (Sa mag-asawang nalason)

PARA sa ikalilinaw ng kaso, isinumite na kahapon ng pamunuan ng Las Piñas City Police Anti-Cyber Crime, Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame ang CCTV footage sa mag-asawang manager na nalason sa parking area ng isang community mall sa Las Pinas City nitong Huwebes ng hapon. Nabatid sa hepe ng Public Information Office (PIO) ng Las Piñas City Police, na si Chief Inspector …

Read More »