Thursday , January 2 2025

hataw tabloid

Jinggoy pinayagan makadalo sa graduation ng anak

PINAYAGAN ng Sandiganbayan 5th Division si Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa graduation ng anak na si Julian ngayong Martes. Pansamantalang makalalaya si Estrada mula 2 p.m. hanggang 5 p.m. para dumalo sa pagtatapos sa high school ng anak sa OB Montessori sa Greenhills, San Juan. Una rito, hiniling niya ang furlough mula 1 p.m. hanggang 7:30 p.m. para makasama …

Read More »

Anak ginahasa, nabuntis ng pastor (Sa South Cotabato)

GENERAL SANTOS CITY – Nagtatago ngayon ang isang pastor sa T’boli, South Cotabato makaraan kasuhan ng rape dahil sa panggagahasa sa kanyang sariling anak na babae. Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na si Rico Agao, ilang beses na ginahasa ang 16-anyos anak na dalagita. Napag-alaman, nabuntis ng naturang pastor ang kanyang anak at kasalukuyang dalawang buwan nang nagdadalantao. …

Read More »

Tsinoy itinumba sa Maynila (Ikalawang Chinese businessman sa loob ng isang linggo)

PATAY ang isang 31-anyos Filipino Chinese businessman makaraan barilin sa mukha ng hindi nakilalang lalaki habang naglalakad patungo sa kanyang tindahan sa LRT Station sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Fritz Linjohn Chu, may-ari ng tindahan ng Chu Tech Solution sa Rizal Avenue St., Sta. Cruz, Manila, …

Read More »

Baguio City solon, 3 pa pinakakasuhan ng DOJ

BAGUIO CITY – Inirekomenda ng Department of Justice (DoJ) ang paghahain ng criminal charges laban kay Baguio City Rep. Nicasio Aliping Jr. at sa tatlong contractors dahil sa paninira sa isang bahagi ng bundok sa Tuba, Benguet. Batay sa isang resolusyon, kinasuhan ni Benguet Provincial Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra ang contractors na sina William Go, Romeo Aquino at Bernard Capuyan …

Read More »

2 MILF officials Malaysian national? (Walang basehan — Palasyo)

WALANG basehan ang akusasyon na Malaysian nationals ang dalawang pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), ayon sa Palasyo. Ngunit ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ay ibinase lang sa online news sa panayam kay MILF peace panel chief negotiator Mohagher Iqbal at hindi mula sa opisyal na record ng Department of Foreign Affairs (DFA). “According to GMA …

Read More »

Napeñas sinisi rin ng MILF sa Mamasapano incident

KORONADAL CITY – Sinisisi rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) si dating SAF Director Getulio Napeñas sa Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 PNP-SAF at 18 sa kanilang panig. Ayon kay MILF First Vice Chairman Ghadzali Jaafar, ang SAF ang unang nagpaputok sa combatants ng MILF na nagresulta sa madugong enkwentro. Bukod dito, hindi rin aniya nakipag-ugnayan si Napeñas …

Read More »

GSIS loan ng BOC bakit natetengga?  

MARAMING nagrereklamo ngayon na hanay ng Bureau of Customs personnel tungkol sa kanilang personal loan sa GSIS na umaabot halos ng dalawang buwan na naka-pending sa GSIS. Ito raw ay dahil may requirement po yata na kailangan from BOC-HR to be submitted for approval ng kanilang mga personal loan. Ayon sa BOC employees, tila walang gumagana at bumagal ang proseso …

Read More »

3 kainoman tinangkang sunugin ng binatilyo (Napikon sa debate sa relihiyon)

LA UNION – Bagsak sa kulungan ang isang 18-anyos lalaki makaraan tangkaing sunugin ang tatlong kainoman sa loob ng isang paupahang bahay sa Brgy. Lingsat, sa lungsod ng San Fernando, La Union kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Ronnie Hufalar, residente ng nasabing lugar. Ayon sa hindi pinangalanang 17-anyos binatilyo, kabilang sa mga kainoman ni Hufalar, nag-ugat ang pag-aamok ng …

Read More »

Napahiya sa kainoman kelot nagbigti (Inaway ng dyowa)

MAKARAAN awayin ng kanyang live-in partner sa harap ng kanyang kainoman, nagbigti ang isang lalaki sa loob ng banyo ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Leonardo Morales, 21-anyos, ng 25 Interior Aracity St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SPO2 …

Read More »

Lola tiklo sa P1-M shabu sa Davao

DAVAO – Nakakulong na ang isang lola makaraan makuha sa kanyang posisyon ang ilegal na droga habang nasa Tagum City Overland Transport Terminal kamakalawa Kinilala ang suspek na si Natividad Papaya Pansit, 60, may asawa, residente ng Mt. Diwata, Diwalwal, Monkayo, Compostela Valley Province. Naaresto ng mga awtoridad ang nasabing lola sa buy-bust operation ng mga pulis at nakuha sa …

Read More »

Purisima, Napeñas idiniin sa BOI Report (PNoy inabsuwelto)

ANG may pangunahing pananagutan dito sa pagkamatay ng 44 na SAF troopers ay walang iba kundi ang suspendidong Director General Alan Purisima.” Ito ang konklusyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas makaraan mabasa ang formal report ng Board of Inquiry (BOI) kaugnay ng madugong insidente sa Mamasapano. Nitong Biyernes nai-turn over ng Philippine National …

Read More »

Mayor Binay ‘wag kang  magtago — Rep. Belmonte

PINAYUHAN ni Quezon City 6th District Representative Christopher Belmonte si Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay na harapin ang imbestigasyon ng Ombudsman at huwag magtago gaya ng ginawa ng kanyang amang si Vice President Jejomar Binay. Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos magpalabas ang Ombudsman ng 6-month preventive suspension kay Mayor Binay habang iniimbestigahan ang umano’y overpricing ng P2.6-billion Makati Parking …

Read More »

Minadali raw ang kaso ni Mayor Binay?

ANG mga politiko kapag nakakasuhan ng katiwalian, ang palusot nila: “Politika lang ‘yan!” Kapag napabilis naman ang desisyon sa kaso at hindi pabor sa kanila, sasabihin nila: “Pinipersonal kami. Hindi na kami binigyan ng pagkakataong makasagot.” Kapag sila naman ang nagsampa ng kaso sa kalaban at medyo natagalan ang desisyon ng korte, sasabihin nila: “Tutulog-tulog ang Ombudsman.” Itong paglabas ng desisyon …

Read More »

Failure of Leadership

IBANG klase talaga ang espesyal na Pangulong BS Aquino kasi mukha talagang totoo ang paratang ng kanyang mga kritiko na siya ay mahilig magturo ng kung sino-sino at manisi ng iba tuwing may aberya. Siguro nga bagay sa kanya ang tawag na “Boy Sisi” o “Boy Turo.” Isang halimbawa ang kasalukuyang problema ng MRT at LRT. Akalain ba naman ninyo …

Read More »

Walang lulusot na kontrabando sa BOC alert order  

LUMABAS sa mga pahayagan kamakailan ang balita tungkol sa sunod-sunod na pagkahuli ng mga kontrabando na tinangkang ipuslit palabas sa BUREAU OF CUSTOMS. Nasakote ang mga kontrabando dahil sa mga alert order na inisyu ng BOC-Intelligence Group at Enforcement Group sa mga pinaghihinalaan nilang kargamento na may ‘tama.’ Ipinakikita lang nila sa ating mga mamama-yan na ang Customs ngayon ay …

Read More »

 ‘Jumper gang’ member utas sa truck driver

PATAY ang isang miyembro ng “Jumper gang” nang saksakin ng truck driver makaraan batuhin ng biktima ang salamin sa driver’s seat kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Quirino Avenue at Osmena St., Paco, Maynila. Kinilala ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Manuel Yabut, 45, residente ng Mataas na Lupa, Paco, Maynila. Habang naaresto ang …

Read More »

Mamasapano report naisumite na ng BOI sa PNP

MAKARAAN ang ilang linggong imbestigasyon at ilang araw na pagkabinbin bago makompleto, naisumite na kahapon ng Board of Inquiry (BOI) ang kanilang ulat kaugnay sa Mamasapano incident, sa liderato ng Philippine National Police (PNP). Kompiyansa umano ang chairman nito na nakuha ng panel ang buong katotohanan kaugnay sa ‘misencounter’ na nagresulta sa pagkamatay ng higit sa 60 katao nitong Enero. …

Read More »

55 bagong sasakyan inilaan ni Roxas sa PNP

PINANGUNAHAN ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang turnover ng 55 bagong Toyota High-ace Vans sa Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng kanilang capability enhancement program. Ayon kay Roxas, ibabahagi sa mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang karamihan sa mga van dahil pangunahin nilang kailangan ang sasakyan tuwing may mga operasyon. “Ang bawat …

Read More »

3 patay sa 2 amok na sundalo sa videoke bar

TACLOBAN CITY – Patay ang tatlo katao habang isa ang sugatan makaraan mag-amok ang dalawang sundalo sa isang videoke bar sa Brgy. Hiagsam, Jaro, Leyte kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na si Andres Cadapan, 60, retired employee ng Leyeco II, residente ng Tunga, Leyte; Joselito Cenico, residente ng Jaro, Leyte; at Lea Mae Jamito, waitress sa nasabing videoke bar, at …

Read More »

23 BIFF, 2 sundalo utas sa enkwentro

PATAY ang 23 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa pagpapatuloy ng all-out offensive ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mga rebelde sa Maguindanao.  Napatay rin ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawa pa nilang kasamahan sa panibagong serye ng bakbakan sa Brgy. Pusao, Sharif Saidona Mustapha; at Datu Salibo at Datu Piang nitong Martes hanggang …

Read More »

Rabies sa Davao City tumataas  

TUTUTUKAN ng Department of Health (DoH) ang tumataas na kaso ng mga nakakagat ng aso sa Davao City makaraan iulat na 22 katao ang namatay noong 2014, mas mataas sa 16 kaso noong 2013. Ayon kay Devine Hilario, DoH Regional Office program officer, hindi dapat isantabi kung nakagat ng hayop kahit maliit lamang ito. Aniya, nakalulungkot na karaniwan sa mga …

Read More »

Buntis na baka ginahasa ng adik

ARESTADO ang isang lalaki makaraan maaktohan ng mga barangay tanod habang hinahalay ang isang buntis na baka sa Brgy. Biga Dos, Silang, Cavite. Nakakulong na si Andy Loyola, 46, kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act. Kuwento ng may-ari ng baka na si Rustico Carlo, nitong Martes ng umaga, itinali niya ang kanyang alaga sa bukid …

Read More »

Mambabatas desmayado sa naantalang BOI report

DESMAYADO ang ilang mambabatas sa pagkaantala ng report ng Board of Inquiry (BOI) kaugnay sa madugong insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis. Nitong Lunes, humiling ng palugit si BOI head Benjamin Magalong sa pagsusumite ng report, at sinundan kinahapunan ng testimonya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa insidente sa pamamagitan ng isang mensahe sa prayer gathering sa …

Read More »

Maguindanao Massacre malabo na ang hustisya

NABULAGA ang buong bansa sa desisyon ni Quezon City RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na payagang magpiyansa ng P11.6–M ang isa sa mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre na si dating Maguindanao officer-in-charge Gov. Sajid Ampatuan. Para kay Solis-Reyes ang presensiya ni Sajid sa mga pulong nang pagpaplano na isakatuparan ang Maguindanao masaker ay hindi konklusyon na malakas ang …

Read More »

Student financial assistance bill lusot na sa Senate committee

LUSOT na sa committee level ng Senado ang Senate Bill 2679 o ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (Unifast Act). Layunin ng panukala na iniakda ni Sen. Sonny Angara, na palawigin ang financial assistance ng pamahalaan sa karapat-dapat na estudyante o mga tunay na mahirap ngunit matatalinong kabataan. Binigyang-diin ni Angara, daan-daang libo ang mahihirap pero magagaling …

Read More »