Sunday , January 5 2025

hataw tabloid

Gulo sa Alliance lumulubha  

LUMALA ang gulo sa Alliance Select Foods International Inc., sa pagitan ng management at investors dahil sa planong pagdadag ng P1 bilyong pondo ng board sa pama-magitan ng panibagong stock rights offer sa nangungunang tuna manufacturer sa bansa. Ayon sa source, minamadali ng board of directors ang pagpasa sa pla-nong magsagawa ng panibagong stock rights offer nang hindi pinag-aralan ang …

Read More »

Raymart Santiago pinagmulta ng korte sa forum shopping

 PINAGMULTA ng korte ng P30,000 ang aktor na si Raymart Santiago dahil sa indirect contempt. Ito ay makaraan hatulan ng Marikina City Regional Trial Court ang aktor bilang guilty sa forum shopping. Bukod dito, kailangan din ni Santiago at mga abogado niya na magmulta ng tig-P2,000 para sa direct contempt. May kaugnayan ito sa custody case na inihain ni Raymart …

Read More »

Sosyalerang anak ni Napoles ayaw paaresto  

HINILING ni Jeane Catherine Napoles, anak ng sinasabing pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles, sa Court of Tax Appeals (CTA) na huwag ituloy ang paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya. Sa motion for judicial determination of probable cause na inihain ng kanyang mga abogado, nakasaad na ipinatitigil din ng nakababatang Napoles ang proceedings sa kanyang …

Read More »

ABC prexy kritikal sa ambush  

NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang incumbent ABC president ng Pamplona, Camarines Sur makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Domingo Briones, barangay chairman ng Brgy. Tambo sa na-sabing bayan. Ayon kay Senior Insp. Joel Sabuco, naganap ang insidente dakong 11:20 p.m. kamakalawa sa nabanggit na bayan. Agad naisugod sa Mother …

Read More »

BOI Report ipinababago ni PNoy?

ITINANGGI ng Palasyo na diniktahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang PNP Board of Inquiry (BOI) na baguhin ang resulta ng imbestigasyon ukol sa enkwentro sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis.  Inihayag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang batayan ang nasabing paratang na umugong makaraan ipatawag ng Pangulo ang BOI sa palasyo nitong Martes.  Idiniin ni Coloma, sinabi …

Read More »

 “KKK” ni Mayor Fred Lim at mga bagong programa sa Radio DWBL-1242 khz.

PAGANDA nang paganda ang mga makabuluhang programa na inyong mapapakinggan at tututukan araw-araw sa Radio DWBL-1242 khz. Umarangkada na noong Lunes ang isang oras at kalahating public service oriented program na ”KKK” ng idolo nating si Manila Mayor Alfredo Lim, 9:00 – 10:30 am, Lunes hanggang Biyernes, kasama si Miguel Gil. Anomang reaksiyon at sumbong ay maaring o ipadala kay Mayor Lim sa …

Read More »

Mas maraming Pinoy ayaw sa Aquino resign (Ayon sa survey)

Sa kabila nang pagsadsad ng approval at trust ratings, mas marami pa ring mga Filipino ang hindi sang-ayong magbitiw sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III. Batay ito sa survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong Marso 1-7, 2015. Nang tanungin ang 1,200 respondents kung sang-ayon ba ang sila o hindi na magbitiw na si Aquino ngayon, 42% ang sumagot …

Read More »

Deles at Ferrer pabor sa MILF

KUNG natatandaan ninyo noong huli kong kolum ay naitanong ko kung: “Bakit nga ba mas mukhang tagapagsalita ng MILF sila Aling Teresita Deles at Miriam Coronel Ferrer kaysa lingkod ng Republika ng Pilipinas?” Sinagot ng senado ang tanong na ito sa pagsasabi sa kanilang report kaugnay sa kanilang pagdinig sa ginawang masaker ng Moro Islamic Liberation Front at katoto nitong …

Read More »

2 patay sa salpukan ng 4 sasakyan sa Quezon  

PATAY ang dalawa katao habang dalawa ang sugatan makaraan salpukin ng isang kotse ang dalawang tricycle at isang van sa Brgy. 5, Lucena City, Quezon kamakalawa. Ayon kay Lucena City Police Director, Supt. Allen Rae Co, nawalan ng kontrol ang driver ng Nissan na si Arwin Flores, dahilan para bumangga siya sa tricycle ni Joel Rojo, van ni Mario Alcantara, …

Read More »

76-anyos cyclist nalasog sa truck

LA UNION – Agad binawian ng buhay ang isang lolo makaraan salpukin at masagasaan ng truck sa Brgy. Baccuit Sur, bayan ng Bauang, habang sakay ng kanyang bisikleta kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Leopoldo Debad, 76-anyos Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, inilahad ni Senior Insp. Judy Calica, deputy cheif of police ng Bauang Municipal Police …

Read More »

Magpinsang nasunugan kritikal sa kuyog

DOBLENG dagok para sa mga kaanak ang nangyari sa magpinsang binatilyo na makaraan masunugan ay kinuyog ng isang grupo ng mga kabataan nang mapagkamalan silang mga kalaban kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Naa malubhang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Redentor Manliclic, 19; sanhi ng palo ng dos por dos sa ulo, at Jerome Castillo, 17, …

Read More »

Bombero dapat protektahan sa galit ng nasunugan — Roxas

NAGLABAS ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) na agarang magsagawa ng isang joint investigation matapos makatanggap ng ulat ng pananakit sa mga bombero habang nagseserbisyo. “These are individuals who put their own lives on the line in the name of …

Read More »

Ancestral house gumuho, 18 sugatan (Sa Liliw, Laguna)

SUGATAN ang 18 indibidwal sa pagguho ng isang ancestral house sa Brgy. Rizal, Liliw, Laguna nitong Huwebes. Ayon kay SPO4 Vicente Esles, deputy chief of police ng Liliw PNP, ang bahay ay pag-aari ng isang Teresita Artecola.  Sa inisyal na imbestigasyon, nagkakainan ang mga bisita dahil pista sa naturang lugar nang biglang bumigay ang sahig na gawa sa kahoy.  Sabay-sabay …

Read More »

Vandolph muling naaksidente sa NAIA

LIGTAS ang aktor na si Vandolph Quizon makaraan masangkot muli sa aksidente sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Huwebes. Batay sa impormasyon, sumampa sa center island ang kotse ng 30-year-old actor at nakasagi ng motorsiklo at isang van. Sinasabing nabutas ang gulong ng sasakyan ni Vandolph kaya napakabig sa kabilang kalsada sa bahagi ng NAIA. …

Read More »

20-anyos bebot dinukot ng kelot

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Police District PS 5 ang isang 20-anyos babae  sa follow-up operation sa Valenzuela City kamakalawa makaraan dukutin ng isang 23-anyos lalaki nitong Marso 15 sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila. Nakapiit na himpilan ng pulisya ang suspek na si Ibrahim Giama, walang asawa, ng Block 15, Baseco Compound, Tondo, Maynila, sinampahan ng kasong serious illegal detention, …

Read More »

Misis pinatay, mister tumakas bitbit ang anak

TUMAKAS ang isang retired US serviceman sa Angeles City, Pampanga bitbit ang menor-de-edad nilang anak makaraan barilin at mapatay ang kanyang misis nitong Huwebes ng hapon. Batay sa paunang ulat, nakarinig ng putok ng baril ang 12-anyos anak na lalaki ng mag-asawang Enrique at Mylene Angeles.  Nang puntahan, nakita niya ang duguang katawan ng ina sa may banyo habang sa …

Read More »

Pinay tumalon sa gusali sa UAE (Tangkang gahasain ng Pakistani)

TUMALON sa mataas na bahagi ng gusali sa United Arab Emirates (UAE) ang isang 21-anyos Filipina nang tangkang pagsamantalahan ng isang Pakistani driver. Sa paglilitis sa Dubai Court of First Instance nitong Miyerkoles, Marso 18, sinabi ng piskalya na nagpasama ang 28-anyos Pakistani driver sa biktima sa opisina para kunin ang ilang dokumento. Nang makapasok sa opisina, isinara ng suspek …

Read More »

Pekeng dentista arestado; ama tiklo sa droga

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang babaeng pekeng dentista gayondin ang kanyang ama na nakompiskahan ng illegal na droga sa Bulakan, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang mga naaresto na sina Joy Aica Consul Luciano, alyas Aika M. Luciano, 21, ng Brgy. Sta Ines, Bulakan, Bulacan, at Rolando Luciano. Nadakip si Aica sa entrapment operation na isinagawa ng mga kagawad ng Provincial …

Read More »

PNoy dapat mag-sorry — FVR

NANINIWALA si dating Pangulong Fidel V. Ramos na kailangang humingi ng paumanhin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraan ang operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Iginiit ni FVR na umiiral ang chain of command sa Philippine National Police (PNP), at kailangan akuin ni Aquino ang responsibilidad sa maduong insidente. Binanggit din ni …

Read More »

Sorry po…. ‘yon lang naman daw!

ANOMAN pangangatuwiran, anoman pagpapalusot, anoman klaseng paninisi, pagtuturo, hindi pa rin nito mababali ang katotohanan. Hindi lang ang pinangunahang BOI ni Chief Supt. Benjamin Magalong, CIDG Director, ang nagtuturo kung sino ang dapat managot sa pagmasaker sa 44 SAF noong Enero 25, kundi maging ang committee na pinangunahan ni Senador Grace Poe. Yes, isa lang ang naging takbo ng konklusyon …

Read More »

Petisyon para sa drug test vs One Direction inihain sa Pasay RTC

NAGHAIN ng petisyon sa Pasay City Regional Trial Court ang isang grupo para obligahin ang drug test sa British boy band na “One Direction” bago ang nakatakdang concert nila sa bansa sa Marso 21 at 22.  Sa 10 pahinang petisyon ng Laban ng Pamilyang Pilipino, isang anti-illegal drug group, humingi sila ng temporary restraining order (TRO) laban sa One Direction.  …

Read More »

Garcia, palpak ang pamamalakad sa SBMA

HABANG patuloy na ipinagkakait ni Subic Bay Metropolitan Authority  Chairman Roberto Garcia sa mga empleado ng SBMA ang itinakda ng batas na tamang pasahod, pinapaboran naman niya ang mga alipores sa ahensiya. Isa sa sinasabing nakatanggap ng biyaya kay Chairman Garcia ang kanyang Chief of Staff  na si Atty. Moe Villamor.  Ayon sa ating nakalap na impormasyon, taon-taong itinataas ni …

Read More »

Largado ang tayaan ng bookies ng STL sa Laguna; Bakit tameme si Col. Saligao?

HANGGANG sa kasalukuyan ay aktibo pa rin ang illegal na operations ng bookies ng Small Town Lottery sa iba’t ibang municipalidad sa lalawigan ng Laguna. Ilang beses na itong napatunayan ng mga operatiba ng Philippine National Police-Task Force Tugis na  naka-based sa Camp Crame nang sila ay magsagawa ng simultaneous na illegal gambling operations sa bayan ng Los Baños City, …

Read More »

Pagtalakay sa K-12 Program iniliban ng Supreme Court

INILIBAN ng Supreme Court ang pagtalakay sa petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapatupad ng K to 12 Program ng Department of Education (DepEd). Sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc, nagpasya ang mga mahistrado na talakayin na lamang sa susunod na linggo ang petisyon. Nabatid na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay bumiyahe para sa isang official mission. Ang petisyon …

Read More »