Sunday , December 22 2024

hataw tabloid

Pekeng bigas nasa Pasay City na?

PINANGANGAMBAHAN ng mga residente ng Pasay City na posibleng umabot na ang sinasabing kumakalat na pekeng bigas sa kanilang lungsod, makaraan 20 katao ang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagdumi makaraan kumain ng sinaing na bigas na binili sa isang tindahan kamakalawa ng tanghali. Nagtungo kahapon sa himpilan ng Pasay City Police ang dalawa sa 20 katao na kinilalang …

Read More »

5 miyembro ng sindikato ng pekeng pera arestado

PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko sa kumakalat na pekeng P1,000 bill makaraan maaresto ang lima katao sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Criminal Investigation and Detection Team sa Recto, Maynila kamakalawa. Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Ansos, 31; Ramonsito Joseph, 43; Rodolfo Paerat, 48; Adelaida Castillo, 36; pawang mga residente ng …

Read More »

Ginang nabaril ng pulis sa mall

NAHAHARAP sa reklamo ang isang pulis makaraan aksidenteng tamaan ng bala ang isang ginang habang sila ay nasa isang mall sa Malolos City, Bulacan kamakalawa. Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Noime Llyod, 42, residente ng Bambang, Bulakan, Bulacan, habang ang suspek ay kinilalang si Insp. Mark Henry Gonzales, 25, residente ng Iba, Hagonoy, at nakatalaga sa …

Read More »

Erap: Si Mar kwalipikado Chiz ambisyoso

SERYOSO ang naging sagot ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada nang diretsahang tanungin sa isang interbyu tungkol sa halalan sa 2016. Isinantabi muna ni Erap ang politika sandali at umaming malaki ang paghanga niya kay DILG Secretary Mar Roxas, na naging miyembro ng kanyang Gabinete nang siya ay pangulo pa. “Sec. Mar Roxas is a very intelligent …

Read More »

Chris Brown pinigil sa NAIA

HINDI pinahintulutan ng mga awtoridad na makaalis ng bansa ang Grammy nominated singer na si Chris Brown dahil sa reklamo ng isang religious sector. Ito’y alinsunod sa inilabas na lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ) laban kay Brown kaugnay sa pag-isnab sa dapat sana’y New Year’s Eve concert niya sa Philippine Arena sa Bulacan noong nakaraang taon. Kung maaalala, …

Read More »

Bus pwede nang bumiyahe sa NAIA 3

BINIGYAN ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng special permit ang 55 city buses para bumiyahe hanggang sa NAIA Terminal 3 simula ngayong araw. Ayon sa pangasiwaan ng Manila International Airport Authority (MIAA), mas kakaunti ang pampublikong sasakyang dumaraan sa Terminal 3 kung kaya’t nakipag-ugnayan  sila  sa  LTFRB  upang solusyonan ito. Sa bagong iskema, daraan sa NAIA Road …

Read More »

P1-B inilaan sa rehab ng Angat Dam Para maging quake proof (Para maging quake proof)

ISANG bilyong piso ang inilaan ng administrasyong Aquino para sa rehabilitasyon ng Angat Dam para maging earthquake-proof ito. Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III, umaasa siyang makakayanan nang mas pinatibay na Angat dam ang posibleng epekto nang malakas na lindol sakaling gumalaw ang pinangangambahang West Valley Fault. Sa kanyang talumpati kahapon makaraan ang inspeksiyon at project briefing sa isasagawang rehabilitasyon …

Read More »

One Dream networking group kinasuhan

KINASUHAN ng syndicated estafa sa Department of Justice (DoJ) ang mga opisyal ng One Dream Marketing, networking company sa Batangas na inaakusahang sangkot sa investment scam. Kasama sa mga inireklamo ng 15 investor o nabiktima ng kompanya, sina Arnel Gacer, president/CEO; Jobelle de Guzman, vice president; incorporators na sina Ariel Gacer, Richard Ramos, at Jay-Ar De Guzman; mga miyembro ng Management Team na …

Read More »

LGU officials pinadadalo sa oral argument (Sa Torre de Manila)

PINADADALO ng Korte Suprema ang mga opisyal ng lungsod ng Maynila sa susunod na oral arguments hinggil sa pagpapatayo ng Torre de Manila, ang binansagang photobomber ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park. Sinabi ni Atty. William Jasarino, legal counsel ng Knights of Rizal, ito’y kahit nagpahiwatig ang mga opisyal ng lungsod na hindi sila lalahok sa pagdinig. …

Read More »

Kandidatong swapang ‘wag iboto

NANAWAGAN si Pangulong Benigno Aquino III sa mga botante na ibasura ang mga kandidatong suwapang at walang pakialam sa bayan. Sa kanyang talumpati makaraan inspeksyonin ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan kahapon, nagbabala rin ang Pangulo laban sa mga kandidatong naglalako ng mga hungkag na pangako at magsasamantala lang sa puwesto. Ang dapat aniyang piliing pinuno ay ang magpapatuloy ng …

Read More »

Seguridad sa SONA kasado na — PNP

HANDA na ang pulisya para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Lunes, Hulyo 27. Ayon kay PNP chief Director General Ricardo Marquez, nasa 99.99 percent nang handa ang kapulisan sa paglalatag ng seguridad. Sinabi ni Marquez, mayroon na lamang kailangan pag-usapan at ayusing kaunting “finishing touches” na kanilang tatalakayin sa …

Read More »

2 ex-solon kinasuhan sa PDAF scam

DALAWANG dating kongresista ang bagong kinasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan. Kinilala ni Ombudsman spokesman Asryman Rafanan ang mga kinasuhan na sina dating Navotas Rep. Alvin Sandoval, at dating Bukidnon Rep. Federico Pancrudo. Sa nilagdaang rekomendasyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, patong-patong na kasong katiwalian ang ipinasasampa laban sa dalawang mambabatas. Nag-ugat ang reklamo sa maling paggamit ng …

Read More »

Binatilyong dyumingel tinarakan

MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyo makaraan tarakan ng hindi nakilalang suspek habang ang biktima ay umiihi sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng isang saksak sa likod ang biktimang si JC Val Enriquez, 19, purified water delivery boy, at residente ng Sto. Niño, Brgy.Concepcion ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad …

Read More »

Bus nagliyab sa SLEX

LUMIKHA ng pangamba sa mga pasahero ang pagliyab ng kanilang sinakyang bus sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEx) sa Bicutan kahapon ng umaga sa lungsod ng Taguig . Base sa inisyal report ng pulisya, nagsimulang magliyab ang apoy sa Dela Rosa Transit Bus (TYM 248) dakong 9:50 a.m. kahapon. Walang nasaktan sa mga pasahero nang makababa agad sila ngunit …

Read More »

Albay town nasa state of calamity sa rabies

LEGAZPI CITY – Kinompirma ng City Veterinary Office ng Legazpi na isinailalim na ang lungsod sa state of calamity dahil sa paglobo ng kaso ng rabies. Ayon kay Dr. Nancy Andes, halos domoble ang kaso ng rabies sa siyudad kung ikukumpara sa nakaraang mga taon na mula sa halos 1,000 ay umabot ito sa mahigit 2,000 sa nakalipas lamang na …

Read More »

Roxas-Vilma niluluto?

SA KABILA ng mga meeting nina Pangulong Noynoy Aquino, Senadora Grace Poe at Sen. Chiz Escudero bilang bahagi ng konsultasyon ni PNoy para sa nalalapit na halalan ay biglang umusbong ang pangalan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na makatambal ni DILG Secretary Mar Roxas, hindi sa pelikula ngunit para sa 2016 election.  Tumungong Batangas City Provincial Capitol si Roxas upang …

Read More »

Mala-piratang pagkilos ng China sa West Philippine Sea, itigil na!

KOmbinsido si dating Department of the Interior and Local Government Secretary Rafael M. Alunan III na makasasama sa tunay na layunin ng China para magpatuloy ang kanilang kaunlaran kung paiigtingin pa ang agresibong pagkamkam sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay Alunan, Lead Convenor ng West Philippine Sea Coalition, mababalewala ang lahat ng nakamit na kaunlaran ng …

Read More »

Bakasyonista nag-selfie sinalpok ng motorsiklo

LAOAG CITY – Patay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang isang bakasyonistang nag-selfie pero nabangga ng motorsiklo sa Brgy. Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni Sr. Insp. Samson Amistad, hepe ng PNP Pagudpud, ang biktimang si Liezel Wage Ramones, 37,  naninirahan sa Brgy. Ganagan sa bayan ng Bacarra. Habang kinilala ang …

Read More »

Hamon ni PNoy sa kritiko maglabas ng pruweba (Mambabatas ‘di raw nagtatrabaho)

MAGHANAP ka ng pruweba na hindi nagtatrabaho ang mga mambabatas. Ito ang hamon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pinakamatinding kritiko na bagama’t hindi pinangalanan ay sinasabing si Vice President Jejomar Binay na todo ang pagbatikos sa administrasyon mula nang kumalas sa gabinete. Sa kanyang mga pahayag, tinawag ni Binay ang administrasyong Aquino na inutil at teka-teka. “Magpapasalamat ako …

Read More »

Si Ate Vi ang tatalo kay Chiz

SINO ang nagsasabi na walang tatalo kay Sen. Chiz Escudero sa sandaling tumakbo bilang pangalawang pangulo ni Sen. Grace Poe? Hindi ito totoo.  Hindi nangangahulugan na ang boto ni Grace ay boto rin ni Chiz. At lalong delikado si Chiz kung ang star for all seasons na si Batangas Governor Vilma Santos ang kanyang maka-kabangga sa darating na 2016 elections. …

Read More »

300 residente naospital sa kontaminadong tubig (Sa Sarangani)

GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na tinututukan ng Municipal Health Office ng Alabel, Sarangani Province, ang Brgy. Pag-asa sa nasabing munisipyo dahil sa naitalang diarrhea outbreak. Ito’y nang umabot sa 300 tao ang dinala sa ospital sa Lungsod ng Heneral Santos dahil sa nararanasang pagtatae. Ayon kay Dr. Honorato Fabio, municipal health officer ng Alabel, nasa pitong purok na sa …

Read More »

Basura ng Canada ‘di pwede sa Tarlac (Sabi ni Mayor)

MALINAW na may paglabag na ginawa ang presidente ng Metro Clark Waste Management Corp. (MCWMC) sa pagpayag na maitapon ang tambak-tambak na basura ng Canada sa Tarlac City. Ayon kay Tarlac City Mayor Antonio C. Rodriguez Jr., may kasunduang pinirmahan ang MCWMC, kasama ang probinsiya ng Tarlac at ang Clark Development Corp. na pumapayag lang sa iilang lugar na makapagtapon …

Read More »

Misis ginilitan ni mister (Sinisi sa pagbubuntis ng anak)

GENERAL SANTOS CITY – Agad binawian ng buhay ang isang misis makaraan gilitan sa leeg ng kanyang mister sa loob mismo ng kanilang bahay sa Prk. Kulasi, Brgy. Labangal sa Lungsod ng General Santos kahapon. Kinilala ang namatay na si Jovelyn Ola, 36, at nang magbalik-Islam ay naging Fatima Ola ang pangalan, habang ang mister ay si Abdul Javier Ola, …

Read More »

Angat Dam kompirmadong nasa ibabaw ng West Falley Fault

NAKOMPIRMANG nasa ibabaw at malapit sa West Valley Fault ang ilang bahagi ng kinatatayuan ng Angat Dam na matatagpuan sa Hilltop, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan. Dahil dito, nabatid na delikado sa pinangangam­bahang 7.2 intensity na lindol kaya sinisimulan na ang rehabilitasyon ng water reservoir para patatagin ito. Ito ang ipinahaya­g ni Engr. Russel Rigor, Senior Dam Operation Engineer ng …

Read More »

Kelot nabaril ng kapitbahay habang umiihi

NAGA CITY – Sugatan ang isang magsasaka nang mabaril ng kanyang kapitbahay habang umiihi sa Brgy. Dalahican, Lucena City kamakalawa.  Kinilala ang biktimang si Crispin Adeser, 49-anyos.  Sa nakalap na impormasyon, nakikipag-inoman ang biktima ngunit sandaling tumayo upang umihi.  Sa pagkakataong iyon, nasa labas din ang isang kapitbahay at aksidenteng naiputok ang improvised firearm at tumama sa binti ng biktima. …

Read More »