Monday , November 18 2024

hataw tabloid

Walang equal protection sa same-sex marriage

HINDI discriminatory sa same-sex marriage ang Family Code ng Saligang Batas, ayon sa isang law expert. Paglilinaw ni Atty. Ma. Soledad Mawis, dekano ng College of Law ng Lyceum of the Philippines University, nakasaad sa batas na babae at lalaki lang ang maaaring ikasal sa bansa. “Sa akin pong pananaw, ‘yung batas na umiiral ngayon ay hindi ho discriminatory kasi …

Read More »

DFA chief richest, Luistro poorest (Sa Cabinet SALN)

NAPANATILI ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang record na pinakamayamang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, habang si Education Sec. Armin Luistro ang pinakamahirap. Batay sa isinumiteng 2014 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Del Rosario, nagdeklara siya ng kabuuang P838,809,918.82 habang P471,064.46 kay Luistro. Pumapangalawa sa pinakamayamang Cabinet member si Finance …

Read More »

Fire law, pag-aralan; at Kentex, tapat sa pagtulong

HINDI talaga maiiwasan ang magsisihan sa nangyari kamakailan sa Kentex, isang pagawaan ng tsinelas, na nasunog at kumitil ng 72 katao, kabilang na rito ang anak ng isa sa mga may-ari. Kaliwa’t kanan ang sisihan o turuan kung sino ang dapat managot. Nandiyan daw na maysala ang may-ari at nandiyan ‘yong pagtuturong may sala ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela. …

Read More »

4 residente inatake ng aswang sa Cotabato

PINANINIWALAANG inatake ng hinihinalang aswang ang apat residente ng Aleosan, Cotabato kabilang ang isang 4-anyos paslit nitong Lunes ng gabi. Mula sa sentro ng kabayanan, kailangan pang bumiyahe ng 15 kilometro bago marating ang Sitio Upper Tapudok, Brgy. Tapudok kung saan sinasabing kinagat ang apat ng isang malaking itim na pusa na pinaniniwalaang aswang. Ayon kay Datu Ali Alamada, 15-anyos, …

Read More »

Para kay dating DILG secretary Raffy Alunan, sinalaula ng BBL ang ating Konstitusyon

NITONG Linggo (Mayo 24), pinangunahan ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael “Raffy” Alunan III ang prayer rally laban sa kontrobersiyal na BangsaMoro Basic Law na itinutulak ng pamahalaang Aquino. Para kay Alunan, kawawa ang mga ordinaryong sibilyan sa Mindanao. Ang daming banta na nanggagaling sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa mga sektor na inetsapuwera …

Read More »

6-anyos kritikal sa dos por dos

GENERAL SANTOS CITY – Kritikal sa General Santos City Hospital ang 6-anyos batang lalaki makaraan hampasin ng  dos-por-dos ng kanilang kapitbahay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si alyas Dodong, taga Saeg, Brgy. Calumpang sa lungsod, habang ang suspek ay si Josephine Alaman, 40-anyos. Sa impormasyon mula sa lola ng biktima, tinawag ng suspek ang kanyang apo at nang lumapit ang bata …

Read More »

1,288 OFWs nakakulong sa droga

LUMOBO na sa 1,288 ang bilang ng mga Filipino na nakakulong sa iba’t ibang bansa dahil sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga. Ito ang naging ulat ng DFA sa kanilang pagharap sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs, partikular na sa usapin ng kaso ni Mary Jane Veloso. Lumalabas na sa mahigit 1,000 drug rela-ted cases, …

Read More »

Police security ng politico babawiin sa eleksiyon

AALISAN ng mga police security ang mga politikong tatakbo sa 2016 elections sa loob ng election period, ayon sa Police Security and Protection Group (PSPG).  Sabi ni Supt. Rogelio Simon, tagapagsalita ng PSPG, lahat ng electoral candidates na may PNP Security detail, maging ang incumbent government officials, ay aalisan ng security sa oras na maghain sila ng certificate of candidacy.  …

Read More »

Blackmail ‘di estilo ng Aquino admin — Palasyo (Para sa BBL)

HINDI estilo ng administrasyong Aquino ang mam-blackmail para makuha ang gusto, kahit na halos kasabay ng pagpupunyaging makalusot sa Senado ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ang pagsasampa ng kaso ng Department of Justice (DoJ) laban sa third batch ng mga mambabatas na sabit sa pork barrel scam, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagkataon …

Read More »

BBL may nilalabag sa Konstitusyon — 12 senators

UMABOT sa 12 senador ang kombinsidong may mga probisyong labag sa Saligang Batas sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL).  Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, 12 sa 14 miyembro ng pinamumunuan niyang Senate committee on constitutional amendment and revision, ang pumirma sa report na nagsasabing dapat rebisahin ang ilang bahagi ng panukalang batas.  Bukod kay Santiago, kasamang pumirma sa committee report …

Read More »

Resto owner sa Davao arestado (Senior citizen hindi binigyan ng discount)

ARESTADO ang may-ari ng isang restaurant sa Davao City nitong Lunes nang hindi magkaloob ng discount sa isang senior citizen. Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Richard Tuason base sa reklamo ng senior citizen na si Renato Hidalgo. Sinabi ni Hidalgo, kinasuhan niya ang nasabing establisimento makaraan siyang kumain at hindi pinagkalooban ng senior citizen’s …

Read More »

LGU officials suportado si PNoy at Mar

ILANG araw pagkatapos iha-yag ni Pangulong Noynoy Aquino na personal niyang pambato sa nalalapit na halalan si DILG Secretary Mar Roxas ay tila bumubuhos na ang suporta para sa pagtakbo nito, kahit pa sa katapusan pa ng Hulyo gagawin ang opisyal na pag-eendorso. Nanguna rito si Senate Pre-sident Franklin Drilon, isa sa mga haligi ng Liberal Party. “Mar Ro-xas can …

Read More »

Kawatan nangisay sa koryente (Gasoline station pinasok)

PATAY ang isang  jeepner barker na nagtangkang nakawan ang isang gasolinahan nang mahawakan ang live wire sa loob ng cashier’s booth sa Caloocan City, kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Nelcar Enate, 20, ng Sarimburao St., Brgy. 8, ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SPO2 Joselito Barredo, dakong 9 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng cashiers …

Read More »

3-anyos paslit todas sa kape

HINIHINALANG namatay ang isang 3-anyos paslit sa Bacolod bunsod nang labis na pag-inom ng kape. Ayon sa mga magulang ng biktima, nakita na lang nilang wala nang buhay ang paslit isang umaga. Itinakbo pa nila ang paslit sa ospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival. Banggit ng mga doktor, nagkaroon ng irregular heartbeat ang bata na posibleng makuha sa pag-inom ng maraming …

Read More »

Nawalan ng trabaho buntis naglason

UMINOM ng lason bunsod ng depresyon ang isang buntis makaraan masibak sa trabaho bilang kasambahay kamakalawa ng umaga sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Rosalinda Cortan, 30, ng Gulayan, Brgy. Catmon ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni Chief Insp. Rey Medina, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon …

Read More »

Mas dumami ang fans ni Mayor Duterte

NANG sabihin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa media interview na kapag siya’y naging presidente sa 2016, malamang na maubos ang mga criminal, nag-trending agad ito sa social media. Umani ng maraming “Likes” pero marami rin ang naunsiyame sa inasal ng alkalde. “Yang 1,000 na pinatay, baka maging 50,000 hanggang 100,000 ‘yan. Kaya ‘wag n’yo akong iboto na presidente!” …

Read More »

Babaeng preso inilalabas sa gabi ng chief warden

INIIIMBESTIGAHAN ng pamunuan ng Manila Police District General Assignment Section ang hinggil sa lumabas na artikulo sa isang pahayagan na sinibak ang isang opisyal ng MPD Integrated Jail dahil sa nakitang record sa Close Circuit Television (CCTV) na inilalabas ang isang presong babae. Pansamantalang tinanggal muna sa puwesto si Insp. Manuel Madlangbayan at posibleng ilipat sa MPD District Support Headquarters …

Read More »

Rep. Singson: “guilty but proven influential”

MAY ‘chilling effect’ sa “peace loving citizens” at anti-illegal drugs advocates ang desisyon ng Korte Suprema na hindi immoral ang kasong illegal possession of prohi-bited substance na convicted si Ilocos Sur Gov. Ronald Singson sa Hong Kong. Idinulog sa Korte Suprema ang disqualification case laban kay Singson ni Atty. Bernard Baterina dahil pinaboran ng House Electoral Tribunal (HRET) at Commission …

Read More »

Anti-poor ang Ecowaste Coalition

ISA sa mga aktibong grupong madalas na magbabala sa mga magulang ang Ecowaste Coalition. Sa tuwing darating ang pasukan, madalas itong magpaalala sa kung ano ang nararapat at ‘di nararapat na bilhing gamit pang-eskwela o school supplies para sa mga mag-aaral. Halos taon-taon, ang grupong ito ay umiikot sa Divisoria at sinasabi na ang karamihan sa mga school supplies na …

Read More »

Pulis binaril sa demolisyon (2 pang parak sugatan)

TATLONG pulis ang sugatan kabilang ang isang tinamaan ng bala ng baril, nang lumaban ang mga residente sa isinagawang demolisyon sa isang compound sa Caloocan City kahapon ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Manila Central University (MCU) Hospital si PO1 Virgilio Cabangis, Jr., nakatalaga sa Northern Police District (NPD), sanhi ng isang tama ng kalibre .38 sa kaliwang pigi. Sugatan …

Read More »

Bangsamoro Bill lusot sa House Ways & Means Committee

MABILIS na lumusot sa House Ways and Means Committee ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR). Nagkaroon lang ito ng apat minor ammendments ngunit hindi naapektohan ang kabuuan ng panukala. Nabatid na hindi ito dumaan sa normal na botohan kundi nagmosyon na lang si Batangas Rep. Raneo Abu habang ang iba niyang kasamahan ang nag-second the motion. Magkahiwalay …

Read More »

Sarangani ‘wag isama sa Bangsamoro – Pacman

TINUTULAN ni Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao na mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region ang kanilang probinsya. Sa inilabas na pahayag ni Pacquiao, sinabi niyang hindi na kailangang isama ang Sarangani sa mga lugar na may isinusulong na kapayapaan dahil tahimik at maayos na ngayon ang kanilang probinsya. Lumabas ang reaksyon ng Sarangani solon makaraan sabihin ng ilang eksperto na maaaring …

Read More »

Suhulan posible sa pulong ni PNoy sa senators – Osmeña (Kaugnay sa BBL)

INIHAYAG ni Senador Sergio Osmeña III na posibleng may maganap na suhulan sa planong pakikipagpulong ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga senador para pag-usapan ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Ayon kay Osmeña, gagawin ang lahat  ni Pangulong Aquino matiyak lamang na lumusot ang bersiyon ng BBL na kanilang isinumite sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Wala rin balak …

Read More »

NAIA security check sisimulan ngayon ng TSA

SASAILALIM sa security assessment ng United States-Transportation Security Administration (TSA) ang pangunahing paliparan ng bansa, mula ngayong araw. Umaasa ang Manila International Airport Authority (MIAA), ang operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na magiging positibo ang resulta at makapapasa sa pagsusuri ng US TSA. Sisilipin sa sa assessment kung sinusunod ng NAIA ang safety standards na regulasyon ng International …

Read More »

Litsonero nasagip sa tangkang suicide (Umakyat sa tuktok ng krus)

CEBU CITY – Nabulabog ang mga residente ng Brgy. Pajac, lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu nang umakyat sa tuktok ng krus ng simbahan ang isang lalaki pasado 8 a.m. kahapon. Kinilala ang biktimang si Eric Bulay-og, 27, isang litsonero, at residente sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na may tumawag sa kanilang himpilan kaugnay sa nasabing insidente. Agad …

Read More »