Sunday , December 22 2024

hataw tabloid

Sanggol, 2 bata sinakmal ng unggoy

BUTUAN CITY – Isinugod sa ospital ang isang sanggol at dalawang bata makaraang sakmalin nang nakawalang unggoy sa Brgy. Bayanihan, sa Lungsod ng Butuan kamakalawa ng gabi. Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Sarah, 13-anyos; Kim, isang taon gulang; at Ervin, 10-anyos, pawang nakaranas din ng trauma makaraan ang insidente. Napag-alaman, isang taon nang nakatali ang naturang unggoy na …

Read More »

Nasa pier ang balikbayan boxes

FYI Sir Jerry, walang nagpapadala ng Balikbayan box sa airport dahil mahal ang freight. Siraulo ‘yan mga nagpapakalat ng mapanirang text. Ang big time smuggling nasa Pier na sila rin ang tongpats. Gamit pa ang trucking nila. +63918288 – – – –  Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga …

Read More »

MULING namahagi si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ng libreng wheelchairs sa nangangailangang residente kagaya ng dalawang residente sa Tambunting, Sta.Cruz, Maynila, na sina Marq Glenn Virtudazo, 15-anyos at Danilo Dulay, 73, stroke victim (not in photo). Bago ito, namahagi rin ng tungkod sa elderly citizens mula sa fifth district ang dating alkalde. Katuwang niya sa pamamahagi si dating Manila …

Read More »

Poor na VP may P630M SALN

BUKOD sa pangangampanya, walang tigil ang mga banat ng kampo ni Vice President Jojo  Binay sa kanyang mga makakalaban sa eleksyon sa 2016. Sinabi ni UNA interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco, hindi dapat iboto ang mga elitista sa puwesto dahil baka malalaking negosyante lamang ang paboran nila. “It is important for a candidate not to be elitist, to …

Read More »

Overacting na preparasyon inupakan (Gobyerno isolated)

INIHAYAG ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na walang makapipigil sa malawakang protestang itatapat nila sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong Lunes. Idiniin ni Bayan secretary general Renato Reyes: “Layon po nating ipabatid sa mundo ‘yung tunay na kalagayan ng bansa na ibang-iba sa sinasabing State of the Nation ng Pangulo.” …

Read More »

Ka Eddie nanguna sa INC anniv

DUMALO ang punong ministrong si Eduardo Manalo sa aktibidad ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Philippine Arena sa Bulacan kaugnay ng pagtatapos ng kanilang ika-101 anibersaryo. Ito’y sa harap na rin ng pag-ugong ng isyu ng krisis sa INC kasunod nang pagtitiwalag sa ina at kapatid ng punong ministro na sina Ka Tenny at Ka Angel Manalo na naglabas ng …

Read More »

Isa pang ministro sa Amerika nagbitiw

BUNSOD na hindi kinaya ang epekto ng sigalot sa loob ng pamunuan ng simbahan, isa pang ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagbitiw sa puwesto sa Estados Unidos. Sa video na na-upload sa YouTube kahapon ng umaga, si INC minister Louie Cayabyab ng Fremont, California, ay nagbitiw habang kaharap ang kanyang kongregasyon kasabay ng ika-101 anibersaryo ng INC, sa …

Read More »

Galing sa reunion party, estudyante kritikal sa saksak

KRITIKAL ang kondisyon ng isang 21-anyos college student makaraan pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalakihan habang pauwi mula sa dinaluhang reunion party kahapon ng ma-daling-araw sa Paco, Maynila. Nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital ang biktimang si Michael Planada, ng 1181 Int. 30, Bo. Sta. Maria, Paco, Maynila, tinamaan ng saksak sa leeg at likurang bahagi ng katawan. Sa …

Read More »

Vigil sa bahay ng pamilya Manalo patuloy na dinaragsa

PATULOY ang pagdating ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo at itiniwalag na mga miyembro sa labas ng bahay ng pamilya Manalo sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Layon ng mga dumalo sa vigil na makisimpatya kina Tenny at Angel Manalo, ina at kapatid ng punong ministro ng INC na si Eduardo Manalo, natiwalag dahil sa isiwalat na sinasabing …

Read More »

Crackdown sa jueteng maigting na kampanya ni Marquez

TINIYAK ni PNP chief, Director General Ricardo Marquez, kasama sa pinaigting na kampanya sa ilegal na mga pasugalan ang paglaban kontra jueteng. Sinabi ni Marquez sa kanyang unang command conference sa mga opisyal ng PNP, kanyang iniatas ang pagpapaibayo sa kampanya sa lahat ng mga ilegal na aktibidad kasama ang patuloy pa ring pamamayagpag ng operasyon ng jueteng. Kung maaalala, …

Read More »

Epal si Bistek

GINULAT at hindi inakala ng marami na ang isang makapangyarihan at maimpluwensiyang relihiyon ng Iglesia ni Cristo (INC) ay magkagulo dahil sa mga akusasyon ng korupsiyon at iba pang iregularidad sa loob ng simbahan. Marami ang espekulasyon sa simula pero makalipas ang ilang araw, ang kontrobersiya ay luminaw.  Ang bangayan ay sa pagitan ng tinaguriang council of elders kontra sa …

Read More »

Binatilyo, 5 pa sugatan sa hit & run

NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang isang binatilyong papunta sa simbahan makaraan ma-hit and run ng isang owner type jeep sa Brgy. Sta. Cruz, Naga City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alfred Pimentel, 17-anyos. Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang humarurot ang owner type jeep at siya ay nahagip. Bunsod nito, nagpagulong-gulong ang biktima …

Read More »

Binatilyo, 5 pa sugatan sa hit & run

NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang isang binatilyong papunta sa simbahan makaraan ma-hit and run ng isang owner type jeep sa Brgy. Sta. Cruz, Naga City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alfred Pimentel, 17-anyos. Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang biglang humarurot ang owner type jeep at siya ay nahagip. Bunsod nito, nagpagulong-gulong ang biktima …

Read More »

5-anyos nahulog sa sasakyan, patay

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang 5 anyos batang babae makaraan mahulog mula sa isang izusu elf sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela kamakalawa. Ang biktimang kinilalang si Estefani Bassig ay kasama ang kanyang tiyahin na si Remedious Fontanilla at ilang kasamahan pauwi mula sa paglalaba sa ilog, sakay ng isuzu elf nang tumayo ang bata na naging dahilan para …

Read More »

3 batang mag-uutol minasaker sa Batangas

MINASAKER ang tatlong batang magkakapatid sa isang apartment sa Lipa City, Batangas at natagpuan ang kanilang bangkay dakong 8 a.m. kahapon. Ayon kay Lipa City police chief, Superintendent Carlos Barde, ang mga biktima na edad 10, 8, at 7 ay pinatay sa pamamagitan ng pagpalo ng matigas na bagay. Iniwan ang mga bata ng kanilang lola dakong 1:30 a.m. upang …

Read More »

Globe data analyst patay sa 2 holdaper (Ginawang panangga sa parak)

PATAY ang isang 24-anyos data analyst ng Globe Telecommunications, na ginawang panangga ng mga nanloob na akyat-bahay, nang mapalaban sa parak kahapon ng madaling-araw, sa Sampaloc, Maynila. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Jake Ryan Marayag, residente ng 17 Arenas St., Sampaloc, Maynila, sanhi ng tama ng bala sa katawan. Nabatid na kabilang sa …

Read More »

‘Arsenal’ ng INC iimbestigahan — Palasyo

INIHAYAG ng Malacañang na kasama sa iimbestigahan ng PNP at NBI ang napabalitang matataas na kalibre ng armas ng ilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na sinasabing pumigil o nang-hostage sa ilang ministro gaya ni  Isaias Samson Jr. Unang lumabas sa balita na siyam na INC ministers ang dinukot at mismong nanay at kapatid ni Ka Eduardo Manalo, executive …

Read More »

‘Anomalya’ sa INC inilantad ng utol ni Ka Eddie (Sa nalalapit na 101 anibersaryo)

MISMONG kapatid ng kasalukuyang punong ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Eduardo Manalo ang nagsiwalat ng katiwalian sa kapatiran.  Giit ni Felix Nathaniel “Angel” Manalo, anak ng yumaong INC executive minister Eraño Manalo, umusbong ang mga anomalya simula nang maupo ang kanyang kapatid bilang punong ministro ng simbahan noong 2009.  “Binabago nila ang aral e. Sa panahon po …

Read More »

Villar: NP-NPC walang alyansa para kay Chiz

IKINAGULAT kahapon ni Senadora Cynthia Villar ang lumabas na balitang may nabuo nang alyansa sa kanyang partidong Nacionalista at Nationalist People’s Coalition para suportahan ang sinasabing pagtakbo nina Senadora Grace Poe at Senador Chiz Escudero sa 2016. Lumutang ang balita sa isang press conference ni Rep. Giorgidi Aggabao na sinabing buo na ang alyansa ng NP at NPC.  “I do …

Read More »

Rollback sa bigas napipinto (Trending sa presyo bumababa)

PATULOY na ginigiba ng kasalukuyang presyohan ng bigas ang mga naitalang paggalaw sa presyo at patuloy ang pagbaba nito sa gitna ng tagtuyot at mababang ani sa bansa. Ito ay ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay sa isang panayam ngayong Miyerkoles kasabay ng pahayag na ang presyo ng bigas ay nasa pinakamababa ngayong taon, kahit pa nasa …

Read More »

Ina, kapatid ni Ka Eddie itiniwalag (Sa nalalapit na 101 anibersaryo)

ITINIWALAG ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) sina Tenny at Angel Manalo, ina at kapatid ng kasalukuyang punong ministro na si Eduardo Manalo.  Ito ang inihayag ni INC General Evangelist Bienvenido Santiago sa isang press conference makaraan maglabas ng video ang dalawa sa YouTube na sinabi nilang nasa panganib ang kanilang buhay.  Ani Ka Tenny sa naturang video, “Ako’y …

Read More »

Investment scam kaya bang sugpuin?

MARAMING Pinoy ang  patuloy pa ring naeengganyo na kumita sa pamamagitan ng “easy money.”  Ito ‘yung maglalagak nang malaking halaga ng pera sa paniwala na madaling tutubo kahit walang ginagawang pagbabanat ng buto dahil ang pera na mismo ang kikilos para sa paglago nito. Kaya nga hanggang ngayon marami pa rin ang mga naloloko ng mga investment scam mula sa …

Read More »

‘Isda’ nagwelga sa mesa (Sa fishing ban ng Malacañang)

LUMAHOK sa tinawag na “fish holiday” ang mga mangingisda at manggagawa sa Navotas Fish Port  bilang protesta sa nalalapit na pagpapatupad ng fishing ban sa Manila Bay sa nalalapit na Setyembre, sa taong ito. Ayon sa mga mangingisda, manininda at maliliit na manggagawa sa Market 3, 4, & 5, “Ang balakin ng gobyernong ito ay hindi makatao sapagkat libo-libong mamamayan …

Read More »

Oposisyon sa SONA no big deal — Palasyo

HINDI big deal sa Palasyo ang pagdalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga kilalang oposisyon, partikular ni Vice President Jejomar binay na ngayon ay kritiko ng administrasyon. “Ayon din ‘yan sa karapatan at katungkulan ng mga pangunahing opisyal ng ating bansa na dumalo sa kaganapang ito,” ani Communications Secretary Herminio Coloma …

Read More »

May-ari ng Kentex Gatchalian kasuhan — DoJ (Sa sunog sa pabrika)

INIREKOMENDA ng Department of Justice na sampahan na ng kasong administratibo at kriminal ang mga may-ari ng Kentex Manufacturing Corporation at ilang opisyal ng Valenzuela kaugnay sa sunog noong Mayo 13. Pinakakasuhan na rin ang mga empleyado ng Ace Shutter Corp., ang kompanyang responsable sa isinagawang welding sa nasunog na pabrika ng tsinelas na mahigit 70 ang namatay. Kabilang sa …

Read More »