Sunday , December 22 2024

hataw tabloid

Tag-ulan idineklara

OPISYAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tag-ulan. Kinompirma ito ni PAGASA administrator Dr. Vicente Malano nitong Lunes, ayon kay state weather forecaster Benison Estareja. “Asahan po for the coming days na magkaroon ng pag-ulan sa western section ng Luzon gaya sa Ilocos Region, Bataan even Metro Manila po maaaring magkaroon nang mas malakas …

Read More »

Political dynasty nagpabagal sa kaunlaran ng bansa — Alunan

IkinadEsmaya ni dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III ang kabiguan ng Kongreso na maipasa sa ikalawang pagbasa ang Anti-Dynasty Bill dahil sa paniniwalang higit pang babagal ang pag-unlad ng bansa kung mananatiling walang kumokontrol sa dinastiya ng mga pamilyang politiko. “Ang dynasty kasi natin ay extension ng ating feudalistic practices. At ang feudalismo ay nag-setback …

Read More »

Binay kumalas na  sa ‘daang matuwid’

NAGBITIW na si Vice President Jejomar Binay bilang miyembro ng Ga-binete ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon. Nagtungo dakong 3:55 p.m. sa tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., si Makati City Rep. Abigail Binay para ibigay ang “irrevocable resignation letter” ng kanyang ama para kay Pangulong Benigno Aquino III. Wala pang opisyal na pahayag ang Palasyo hinggil sa pagkalas …

Read More »

Police asset patay, stud sugatan sa boga

PATAY ang isang police asset habang sugatan ang isang estudyante sa insidente ng pamamaril sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Victor Pagulayan, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, ang napatay na si Antonio Bautista, 38, ng 45 Pook Dela Paz, Brgy. Old Balara, Quezon City, pinaniniwalaang isang police asset. Si Bautista ay isinugod  sa General Malvar Hospital ngunit idineklarang …

Read More »

Tatak ng Pagdilao tatak ng Sinserong Paglilingkod

OLAN Bola, isa siyang radio reporter ng GMA 7- DzBB. Magaling at masipag na reporter ang nasabing family man. Belated Happy Father’s Day pala sa iyo bro. Simula nang makilala ko si Bola – may 10 taon na rin ang nakararaan – — hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami sa QCPD Press Corps, isa kami sa mga unang miyembro …

Read More »

Senado babalasahin para sa BBL?

INUTUSAN umano ni President Noynoy Aquino si Senate President Franklin Drilon na i-reorganize o balasahin ang Senado upang mabilis na makapasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na binuo ng Palasyo. Ito ang ibinunyag ni Senator Bongbong Marcos sa mga mamamahayag kung matutuloy ay maaaring mawala sa kanya ang pagiging chairman ng committee on local government na bumubusisi sa mga nilalaman …

Read More »

Administrator ng Pasay Cemetery, nahaharap sa patong-patong na kaso? (PART 2)

POSIBLENG kasuhan ng mga kamag-anakan ng mga nakalibing na patay sa Sarhento Mariano Public Cemetery sa Pasay City si Ms. Remy Garcia, administrator ng naturang libingan kung mabibigong ipaliwanag nito kung bakit basta na lamang giniba nang walang abiso ang mahigit 50 nitso sa loob ng nasabing libingan. Mga kasong kriminal, sibil at administratibo ang handang isampa laban kay Garcia …

Read More »

P27-B block grant ng Bangsamoro ibibili ng armas?

NABABAHALA si House National Defense and Security Committee vice chairman at Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na gamitin ang P27 bilyong block grant ng Bangsamoro sa pagbili ng armas. Paliwanag ni Alejano, “ang tingin po natin diyan ay automatic na ire-release ng gobyerno [ang P27-bilyong block grant] na hindi dapat i-itemize.” “Ang block grant ay naa-ayon sa allocation ng Bangsamoro …

Read More »

Lady cop todas sa salpok ng bus

PATAY ang isang policewoman makaraan salpukin ang minamaneho niyang motorsiklo ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Caloocan City . Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si PO1 Annabel Teel, 33, nakatalaga sa follow-up unit ng Malabon City Police. Habang nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police ang driver ng bus …

Read More »

 ‘I-boycott mga China products’ —dating Congressman Golez

ANANAWAGAN si dating Parañaque representative Roilo Golez sa sambayanang Filipino na i-boycott ang mga produktong gawang Tsina bilang tugon sa pambu-‘bully’ ng Tsina sa Filipinas kaugnay ng pinag-aagawang Spratly’s islands at iba pang mga territorial claim sa West Philippine Sea. Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, binigyang-diin ng dating kongresista ang halaga ng pagtugon sa problemang kinahaharap ng bansa ukol …

Read More »

Mayorya ng Kentex fire victims nakipag-areglo na

PUMAYAG nang maki-pag-areglo sa mga may-ari ng nasunog na pabrika sa Valenzuela City ang mayorya ng mga pamilya ng mga namatay sa insidente. Ayon kay Atty. Renato Paraiso, legal counsel ng Kentex Manufacturing Corporation, 57 pamilya na ang pumayag sa amicable settlement. Inaasahang aabot pa sa 60 ang mapapapayag nila ngayong linggo. Higit P150,000 ang iniaabot nilang tulong pinansyal kabilang …

Read More »

Prestihiyosong gawad ng ulirang guro sa Filipino, bukas na

Muling tumatanggap ng nominasyon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa prestihiyong Gawad Ulirang Guro sa Filipino sa taong 2015. Nasa ikalawang taon na ang gawad na kumikilala sa ambag ng mga guro sa Filipino o gumagamit ng Filipino sa pagtuturo sa kani-kanilang larang o disiplina at iba pang gawain.  Naniniwala ang KWF na mahalaga ang tungkulin ng mga …

Read More »

Agri-tourism best practices pag-aaralan ni Villar sa Taiwan

PATUNGONG Taiwan si Sen. Cynthia Villar para kumuha ng kaalaman kaugnay ng kanyang panukalang batas na nagsusulong sa farm tourism sa bansa. Naatasan si Villar, chair ng Senate Committee on Agriculture and Food, na pangunahan ang study tour sa pinakamagagaling na agri-tourism sites sa Taiwan simula Hunyo 21 hanggang Hunyo 25. “Agriculture-tourism can be considered as the ‘sunshine industry’ in the agriculture sector. We believe in its potential …

Read More »

Pilit ginigiba si  Dellosa

MAY ilang opisyal sa Malacañang na tila baga pilit ginigiba si Customs Deputy Commissioner Jessie Dellosa ng Intelligence Group na sa tingin nang marami sa Customs ay may kinalaman sa kanyang pinaiigting na kampanya laban sa pesteng smuggling. Sa ating analysis, may kinalaman lahat ito sa 20l6 presidential elections na nakataya ang credibility at tila gustong buhusan ng pera ni …

Read More »

DPWH modelong kagawaran — PNoy

MULA sa pagiging pinakatiwaling ahensiya ng pamahalaan ay naging modelong kagawaran na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panahon ng administrasyong Aquino. Ito ang papuri ni Pangulong Benigno Aquino III sa DPWH sa ika-117 anibersaryo ng kagawaran kahapon. “Kung may ahensiya sa gobyerno na dapat tularan sa pagpapaginhawa sa kalagayan ng taumbayan, DPWH iyan. Ang dating poster …

Read More »

Dentista: 70,000 mag-aaral — Recto (DoH, DepEd, DILG sanib-pwersa)

BINABALANGKAS na ang memorandum of agreement ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa ipatutupad na dental program simula sa susunod na taon. Ito ang pahayag ng Palasyo makaraan isiwalat ni Sen. Ralph Recto na siyam sa sampung Filipino ang may bulok na ngipin dahil hindi naglalaan ang administrasyong …

Read More »

10-anyos nalunod, 2 kapatid 1 pa ligtas sa tumaob na bangka

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 10-anyos batang babae habang nakaligtas ang dalawa niyang kapatid at isa pang kalaro nang tumaob ang sinasakyan nilang rubber boat sa karagatang sakop ng Dipolog City kamakalawa. Batay sa ulat mula sa Dipolog City police station, pumunta sa dalampasigan para maligo ang magkakapatid na sina Angelica Guaduario Ubando, 10; Andrea Guaduario Ubando, 9; Angela …

Read More »

Unit buyers ng Torre de Manila ‘di makakukuha ng full refund (Ayon sa HLURB)

WALANG full refund na makukuha ang unit buyers ng Torre De Manila na nais nang umatras. Matatandaan, ipinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatayo ng kinilalang “Pambansang Photobomber” ng Rizal Monument. Ayon sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), 50% na lang nang naibayad nila ang mababawi ng mga may-ari ng unit dahil nakabinbin pa ang usapin sa Korte. Hindi …

Read More »

Ambulansiya puno ng bala’t baril nasabat sa Bulacan

NASABAT ng pulisya na nagmamando sa checkpoint, ang isang ambulansiya na may kargang iba’t ibang uri bala at malalakas na kalibre ng baril sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, ang pagkakasabat sa ambulansiya ay bahagi ng ipinatutupad nilang ‘Oplan Lambat-Sibat’ at ito ay naganap sa M. Valte Highway, Brgy. …

Read More »

4.3-M voters walang biometrics – Comelec

NAGPASAKLOLO na ang Commission on Elections (Comelec) sa taong bayan upang mapaangat ang bilang ng mga sumailalim sa biometrics para makaboto sa darating na 2016 presidential elections. Ayon sa Comelec, umaabot pa ng 4.3 million registered voters ang hindi pa naisailalim sa biometrics. Binigyang-diin ni Comelec Chairman Andres Bautista, nanganganib na ma-disenfranchise ang botante kung hindi sumalang sa biometrics o …

Read More »

Problema nina Sec. Roxas at VP Binay

KAPWA may problema ngayon sa kanilang pagtakbong presidente sa 2016 sina DILG Secretary Mar Roxas at Vice President Jojo Binay. Problema ni Roxas ang kanyang imahe kung paano idikit sa masa. Kasi nga mula siya sa angkan ng mayayaman. Iniisip ng mga maralita na wala siyang damdamin sa mahihirap, hindi alam ang nararamdaman at pangangailangan ng mga taong isang kahig-isang …

Read More »

Mikey Arroyo nakalusot kay Mison (Kahit walang ADO)

SA GITNA ng mga reklamong korupsiyon sa Tanggapan ng Ombudsman, nagpahayag ng pagdududa ang ilan sa mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa katapatan ni Immigration commissioner Siegfred Mison kaugnay na ng sinasabing VIP treatment na ibinigay sa anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).  Sa isang panayam, sinabi ng …

Read More »

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (3)

ANG hindi pantay na ugnayang ito rin ang dahilan kung bakit nilululon natin ang mga anti-mamamayang panukala ng International Monetary Fund at World Bank. Ang mga institusyong ito ang naglulubog sa atin sa utang at nagpapalaganap sa privatization ng mga pampublikong institusyon. Malinaw na ngayon na ang privatization ang nag-aalis sa responsibilidad ng pamahalaan na kalingain ang mga mamamayan na …

Read More »

LGU dapat magpasa ng cultural properties– NCCA

IPINAALALA ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga lokal na pamahalaan ang atas na ilista ang lahat ng cultural properties sa kanilang nasasakupan upang maiwasang masira ito ng ano mang proyekto ng pribadong sektor. Ito’y kasunod ng pagpapatigil ng Korte Suprema sa kontrobersyal na Torre de Manila, tinaguriang ‘photo bomber’ ng bantayog ni Dr. Jose Rizal …

Read More »

PNoy ‘bukas’ sa pagbabalik ng peacetalk sa CPP-NPA (Matapos upakan)

BUKAS pa rin ang administrasyong Aquino na buhayin ang naunsyaming negosasyong pangkapayapaan sa komunistang grupo, ayon sa Palasyo. “Ang ating pamahalaan po ay nais isulong ‘yung prosesong pangkapayapaan at patuloy pang sinusuri ang iba pang posibilidad para sa pormal na pagpapanumbalik o resumption ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF,” pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. …

Read More »