IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot sa P273 milyon sa lalawigan ng Batangas dahil posibleng maging anyo ng pagbili ng boto. Sa desisyon ng Comelec en banc, may petsang 21 Abril 2025, sinuspinde nito ang exemption na ibinigay sa provincial government ng Batangas, na pinamumunuan ni Gov. Hermilando Mandanas, para magpamahagi …
Read More »Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas
IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang Local Pension Fund na magbibigay ng buwanang tulong pinansiyal sa mga senior citizen ng lungsod. Layunin ng inisyatibong ito na maibsan ang araw-araw na pasanin ng libo-libong matatanda na umaasa sa limitadong tulong mula sa pamahalaan. Sa kasalukuyan, tinatayang 11,000 sa mga senior citizen ng …
Read More »
Sa latest survey pabalik sa Senado
Pacquiao nangako, laban tuloy para sa mahihirap
DASMARIÑAS, CAVITE – Binasag ni Boxing legend at Senatorial bet Manny Pacquiao ang kanyang pananahimik nitong Huwebes matapos ilabas ang pinakabagong pambansang survey na nagpapakita ng kanyang pagpasok sa “Magic 12” para sa 2025 Midterm elections. Sa panayam ng mga mamamahayag, nagpasalamat si Pacquiao sa patuloy na tiwala ng mga Filipino. “Lubos akong nagpapasalamat at kasama tayo sa magic 12 …
Read More »Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit
Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its efforts in promoting science-based solutions for nutrition and technology transfer through commercialization through the formal signing of three Technology Licensing Agreements (TLAs) during the Ceremonial TLA Signing at the 2025 North Luzon Innovation and Technology Transfer Summit, held at the Newtown Plaza Convention Center. The …
Read More »
Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog
TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa lungsod ng Maynila, nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Abril. Unang naiulat ang sunog sa Brgy. 650, sa Port Area dakong 12:04 ng madaling araw. Madaling lumakas ang apoy, dahilan upang agad itaas ng mga awtoridad sa una at ikalawang alarma. Lumala ang sitwasyon na …
Read More »TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa
MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad ng safety adaptation plan na akma sa kani-kanilang industriya at operasyon dahil maaaring ikamatay ng mga manggagawa ang kasalukuyang temperatura. Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumalo na nga sa 50°C o “dangerous level” ng heat index ang temperatura …
Read More »Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal
MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si Vico Sotto ay nahaharap sa mga panawagan na gumawa ng mas matinding hakbang upang tugunan ang mga patuloy na isyu sa konseho ng lungsod. May mga residente ng Pasig na nag-aalala at humihiling na disiplinahin ang mga konsehal na diumano’y nagdudulot ng hindi kinakailangang kontrobersiya. …
Read More »Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors
LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa pagtatapos ng kanyang termino sa Kamara sa darating na Hunyo. Mga limang milyon sa naturang SCs ang mahirap. Nangangampanya siya ngayon sa muling pagka-gubernador ng Albay. Nitong nakaraang 2024, pinamunuan ni Salceda ang ‘joint House Ways and Means, …
Read More »
Sa gitna ng lumalalang trapiko sa Metro Manila
TRABAHO Partylist, nananawagan lumikha ng sustainable at maayos na pasahod sa mga probinsiya
NANAWAGAN ang TRABAHO Partylist para sa paglikha ng mga sustainable at may maayos na pasahod na trabaho sa mga probinsiya bilang tugon sa patuloy na problema ng matinding trapiko sa Metro Manila. Ibinahagi ng grupo ang panawagan kasunod ng obserbasyon nitong nakaraang Semana Santa, na bumaba ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan, isang patunay sa tindi ng karaniwang trapiko …
Read More »Pinaka-Wild na show ng taon darating sa ‘Pinas
SA kauna-unahang pagkakataon, ang electrifying WILD WILD After Party ay darating na sa Maynila. Kaya ihanda ang sarili para sa isang high energy concert ng isang all-male sexy group mula Korea. Tiyak na ang musical experience na ito ay hindi lamang para sa mga babae bagkus para rin sa lahat ng gustong maranasan ang kasiyahan ng “WILD WILD” na mapapanood sa Mayo …
Read More »Hajii Alejandro pumanaw matapos makipaglaban sa colon cancer
SUMAKABILANG-BUHAY na ang isa pang OPM icon na si Hajii Alejandro. Siya ay 70 taong gulang. Kinompirma ni Girlie Rodis, talent manager ng anak ni Hajji na si Rachel Alejandro ang balita ukol sa pagyao ng orihinal na Kilabot ng Kolehiyala. “It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito ‘Hajji’ T. Alejandro. At this time, …
Read More »Earth Day 2025: Panahon na para kumilos, hindi lang magdiwang
TAON-TAON, tuwing 22 Abril, ginugunita natin ang Earth Day — isang pandaigdigang kilusan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagharap sa lumalalang krisis sa klima. Ngunit sa taong ito, dala ng temang “Our Power, Our Planet”, mas pinalalim ang mensahe: hindi sapat ang kaalaman; panahon na para sa kongkretong pagkilos. “Our Power, Our Planet” panawagan ng panahon Ang tema ng …
Read More »ICTSI – Momentum Where it Matters (Earth Day)
Building from one-country operation at the Port of Manila in the Philippines, ICTSI has pressed forward across 35 years. On six continents, currently in 19 countries, we continue developing ports that deliver transformative benefits. All across our operations, we work closely with our business and government partners, with our clients and host communities: to keep building momentum where it matters, …
Read More »Pope Francis pumanaw, 88
HATAW News Team NANAWAGAN si Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nitong Lunes, 21 Abril, sa mga simbahan na patunugin ang kanilang mga kampana at magtipon ang mga mananampalataya upang manalangin sa pagpanaw ng Santo Papa. Kinompirma ng Vatican kahapon ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88 anyos. Siya ay nagsilbi …
Read More »
Patutsada kay Camille Villar
Serbisyo ng PrimeWater ayusin — Ogie Diaz
IMBES mangako ng pabahay sa bawat pamilyang Filipino, dapat unahin ni Las Piñas Rep. at senatorial candidate Camille Villar na ayusin ng serbisyo ng PrimeWater na pag-aari ng kanyang pamilya, ayon sa entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz. Base sa nakasaad sa Facebook post ni Diaz, “‘Wag ka na po mangako ng pabahay para sa bawat pamilyang …
Read More »TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte
NAKAKUHA ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City Mayor Dexter Uy. Si Uy ay kasalukuyang tumatakbong gobernador na may platapormang palakasin ang lokal na programang pangkabuhayan, turismo at pangkalusugan sa Zamboanga del Norte. Sa kanilang ginanap na Kuyog Ta! Grand Proclamation Rally ngayong buwan ng Abril, itinaas nila ang mga kamay ni TRABAHO …
Read More »Biro ni Gardo ‘di nagustuhan ng netizen
NAGBIBIRO man o hindi si Gardo Versoza sa kanyang post na larawan nila nina Cherie Gil at Nora Aunor sa kanyang social media account, hindi ito nagustuhan ng kanyang mga fan. Ang caption kasi sa larawan, “Mukhang Ako na ang next ah.” Namatay si Cherie noong Agosto 5, 2022, habang nagpaalam naman si Nora nitong Abril 16, 2025. Kuha ang litrato nilang tatlo mula sa seryeng Onanay ng …
Read More »Tragic reality, distorted truth
The brutal murder of Chinese Filipino businessman Anson Que has shocked our nation. Kidnapped in broad daylight and killed by a well-organized crime syndicate, his death is a chilling reminder of the lawlessness gripping our streets. Yet, what is equally alarming is the narrative being spun around this tragedy—a narrative that distorts facts for perceptions or to fit an agenda …
Read More »
Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog
TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas St., sa Brgy. 317, Sta. Cruz, sa lungsod ng Maynila, nitong Linggo ng Muling Pagkabuhay, 20 Abril. Itinaas ng mga awtoridad ang sunog sa ikalawang alarma na nirespondehan ng nasa 20 truck ng bombero. Pinaniniwalaan ng Manila Fire District na posibleng nagsimula ang apoy sa …
Read More »Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela
TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, sa lungsod ng Valenzuela, na nagsimula nitong Biyernes Santo, 18 Abril, at tuluyang naapula nitong Sabado de Gloria, 19 Abril. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 5:25 ng hapon noong Biyernes, na mabilis na itinaas sa ikalawang alarma dakong 5:37 …
Read More »
Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu
HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo at dalawang iba pa sa ikinasang buybust operation ng mga awtoridad sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado de Gloria, 19 Abril. Kinilala ng Rizal PPO ang mga suspek na sina alyas John John, 15 anyos; alyas Paula, 24 anyos, at alyas …
Read More »
Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin
NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, mula sa tumaob na sand carrier na MV Hong Hai 16, na ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Southern Tagalog District ay nananatiling nakalubog ang kalahtng bahagi sa dagat sa bayan ng Rizal, lalawigan ng Occidental Mindoro. Dahil dito, umabot sa siyam ang bilang ng …
Read More »
Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay
IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang indibiduwal sa prusisyon noong Biyernes Santos ng gabi, 18 Abril, sa Brgy. Alangilan, sa lungsod ng Bacolod. Kinilala ang mga biktimang sina Dionelo Solano, lider ng mga layko; Gilven Tanique, isang barangay tanod; at Daynah Plohinog, miyembro ng grupo ng kabataan, pawang mga parishioner ng …
Read More »
Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo
SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang buong suporta nito sa mga manggagawang patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng pista opisyal. Binigyang-diin ng grupo ang kahalagahan ng pagkilala at pagbibigay ng tamang kompensasyon sa mga empleyadong naglilingkod sa mga legal na holiday. “Mahalaga ang pagkilala sa sakripisyo ng ating mga manggagawa lalo …
Read More »Nora Aunor pumanaw na sa edad 71
PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 taon gulang. Ang pagpanaw ni Ate Guy ay kinompirma ng anak niyang si Ian de Leon sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Facebook account. “We love you Ma.. alam ng diyos kung gano ka namin ka mahal.. pahinga ka na po Ma.. nandito ka lang sa puso at …
Read More »