Sunday , December 22 2024

Hataw News Team

Robin Padilla magpapabitay kay Duterte kapag totoo (Dating bahay shabu lab)

NAPIKON ang aktor na si Robin Padilla sa pagkakadawit ng kanyang pangalan kaugnay sa big time drug bust operation na nagresulta sa pagkakakompiska sa mahigit P1 bilyong halaga ng liquid shabu. Una rito, iniulat ng TV station GMA at online website ng pahayagang Inquirer, na dating pagmamay-ari ni Robin ang nasabing bahay na naging shabu laboratory sa isang residential property …

Read More »

Ex-PDEA Officer Marcelino pinayagan magpiyansa

PANSAMANTALANG makalalaya si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino makaraan maglagak ng piyansa sa Quezon City Regional Trial Court. Sa 29-pahinang resolusyon, sinabi ni Judge Lyn Ebora Cacha, walang sapat na ebidensiyang naipresenta sa kanila para tanggihan ang kahilingan ni Marcelino na makapagpiyansa. “The court finds no strong evidence against Lt. Col. Marcelino for several reasons. The petitioner Marcelino was found …

Read More »

Gatchalians, Pichay idiniin sa P80-M irregular bank deal

IPINATUTULOY ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mga kaso laban sa mga personalidad sa likod ng kuwestyonableng pagbili sa local thrift bank sa Laguna. Ayon sa resolusyon ng anti-graft body, may nakitang probable cause para tuluyang kasuhan sa Sandiganbayan ang mga dating opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at …

Read More »

‘Di ako aasa sa Amerika — Duterte

INIHAYAG ni President-elect Rodrigo Duterte, hindi aasa ang Filipinas sa kaalyadong bansang Amerika, sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Ayon kay Duterte, bagama’t may kasunduan at malalim ang relasyon ng Filipinas sa Western allies kagaya ng US, gagawa nang sariling landas na tatahakin ang Filipinas. Ngunit nilinaw na hindi ibig sabihin nito ay nais niyang paboran ang ibang bansa na hindi …

Read More »

I don’t want to hurt Bongbong — Digong (Kaya no cabinet position kay Leni)

marcos duterte

IPINALIWANAG ni President-elect Rodrigo Duterte kung bakit hindi niya bibig-yan ng cabinet position si Vice President-elect Leni Robredo. Ayon kay Duterte, ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Sen. Bongbong Marcos na itinuturing niyang isang kaibigan. Nilinaw rin niyang walang rason para ilagay si Robredo sa gabinete dahil galing ang kongresista sa kabilang partido noong halalan. Kabilang sa inihalimbawa ni Duterte …

Read More »

‘Open Season’ sa media killings pinalagan ng NUJP

UMALMA ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa katuwiran ni President-elect Rodrigo Duterte na kaya may nagaganap na media killings dahil corrupt at bias ang pinapaslang na mga mamamahayag. “Just because you’re a journalist doesn’t mean you’re exempted from assassination if you’re a son of a bitch. Freedom of expression won’t save you. The Constitution cannot help …

Read More »

Bahay ng drug pusher ni-raid ng NPA

BUTUAN CITY – Pinasok nang nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang bahay ng isang hinihinalang drug pusher sa Brgy. Pianing sa lungsod ng Butuan kamakalawa. Iginiit nang nagpakilalang amasona na si Ka Sandara, mula sa tinaguriang Guerilla Front Committee 21 ng NPA, ni-raid nila ang bahay ng isang kilalang drug pusher sa Brgy. Pianing sa lungsod ng …

Read More »

MMDA at QC gov’t kinalampag sa makitid na sidewalk  

  MARIING kinalampag ng mga re-sidente at pedestrian na nagdaraan sa sidewalk sa EDSA malapit sa kanto ng Aurora Blvd., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at ang QC government dahil sa kabiguan na maalis ang naghambalang na illegal vendors at ang board up (bakod) ng ginagawang gusali sa lugar na sanho …

Read More »

Magsasaka patay sa tama ng kidlat

KALIBO, AKLAN – Patay ang isang magsasaka makaraan tamaan ng kidlat sa Brgy. Alfonso XII, Libacao , Aklan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Leny Zonio, 40, at residente ng naturang lugar. Sa ulat, naglalakad ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang biglang dumilim ang kalangitan na sinundan ng kulog at kidlat. Si Zonio ang ikalawang namatay habang apat na iba …

Read More »

Aktres, nag-disguise habang kasama si bigtime gambler

blind item woman man

HINDI naitago ang tunay na pagkikilanlan ng aktres nang makita itong kasama ng isang bigtime gambler sa isang event, ang World Slasher. Bagamat nakasumbrero, nakilala pa rin ang aktres ng mga naroon din sa event sa Araneta Coliseum. Anang nakakita sa aktres, hinihimas-himas pa ni bigtime gambler ang likod ni aktres habang masayang nanonood. Actually, hindi ito ang unang pagkakataong …

Read More »

Digong bad trip sa pila (Red tape inupakan)

TUTULDUKAN ni president-elect Rodrigo Duterte ang red tape sa gobyerno na nagdudulot nang malaking prehuwisyo sa publiko. Sa press conference sa Davao City kagabi, inihayag ni Duterte na ipagbabawal niya sa mga tanggapan ng gobyerno ang mahabang pila ng mga taong may transaksiyon at nagihintay ng mga dokumento. Uutusan ni Duterte ang  lahat ng  kawani at  opisyal ng  gobyerno na  …

Read More »

Drastic reform ipatutupad sa BuCor

TINIYAK ni incoming justice secretary Vitaliano Aguirre II, hindi magugustuhan ng mga nasa Bureau of Corrections (BuCor) ang kanyang ipatutupad na reporma sa pamamahala ng mga kulungan. Sinabi ni Aguirre, sa basbas ni incoming President Rodrigo Duterte, magsasagawa siya ng mga ‘drastic’ na pagbabago at tatamaan ang lahat ng mga nasa BuCor. Ayon kay Aguirre, hindi na maaaring umubra ang …

Read More »

Virtrual farming bagong modus sa investment scam — SEC

scam alert

NAGA CITY – May kumakalat na namang bagong modus ng investment scam at sangkot dito ang internet. Kaugnay nito, nagpalabas ng abiso ang Securities and Exchange Commission (SEC) central office bilang paalala sa publiko na huwag sumali sa organisasyon na tinatawag na “Farm on Agricultural Production.” Modus ng kompanyang ito na hikayatin ang publiko na mag-invest sa pamamagitan ng kanilang …

Read More »

Mangingisda sa Norte natuwa sa mabait na Chinese sa Scarborough

DAGUPAN CITY – Umaasa ang mga mangingisda mula sa lalawigan ng Pangasinan na magtuloy-tuloy ang magandang pakikitungo sa kanila ng Chinese Coast Guard na hindi na nangha-harass sa kanila sa pagtungo sa Scarborough Shoal. Ayon sa ilang mangingisda mula sa bayan ng Infanta, nitong nakaraang buwan ay hindi na sila binu-bully ng mga Chinese coast guard sa pagtungo nila sa …

Read More »

Lola kritikal sa taga ni lolo dahil sa selos

KORONADAL CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang lola makaraan pagtatagain ng kanyang mister sa bayan ng Banga, South Cotabato dakong 10:30 p.m. kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Carmen Gonzales, 66, habang ang suspek ay si Abraham Gonzales, 73, kapwa residente sa Purok Daisy, Brgy. Malaya, Banga, South Cotabato. Ayon kay Jomar Gonzales, apo ng mag-asawa, nagselos si Lolo …

Read More »

4 sugatan sa taxi vs kuliglig, SUV nadamay

APAT ang sugatan makaraan magbanggaan ang isang taxi at kuliglig sa Roxas Boulevard sa Maynila, nitong Martes ng madaling-araw. Habang nadamay ang isang sports utility vehicle (SUV) na umiwas lang sa nakahambalang na mga sasakyan. Depensa ng driver ng taxi na si Manuel Guerrero, marahan ang kanyang pagmamaneho nang magulat siya sa isang nakaparadang kuliglig. Sinubukan ng driver na umiwas …

Read More »

Kelot pinatay ng 2 anak ng live-in partner

PATAY ang isang lalaki makasaan saksakin ng mga anak ng kanyang kinakasama sa Dontogan, Baguio City nitong Lunes. Sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-away ang mag-live-in partner na sina Reynaldo Furto at alyas “Joy” dahil madaling-araw nang umuwi ang lalaki. Sinakal ni Furto si Joy dahilan para makialam ang mga anak na sina Bonjovi at Kervin Jovellana. Pinagtulungan ng dalawa …

Read More »

Krimen, transport uunahin ni Digong

DAVAO CITY – Nais ni incoming president Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tutukan ang problema sa transportasyon at krimen. Idedeklara raw niya ang giyera laban sa krisis na magsisimula sa EDSA at ang isa pang krisis na paglaganap ng droga sa bansa. “I have to declare a crisis in the war against crime and on the part of commuter …

Read More »

P7-M cash, armas, shabu kompiskado sa bahay ng NCRPO cop (Sa Maynila)

NALANTAD sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P7 milyong salapi, kilo-kilong shabu at sandamakmak na mahahaba at maiikling baril nang salakayin ang bahay ng isang pulis sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila kamakalawa. Halos limang oras bago nabuksan ng mga awtoridad ang vault ni PO2 Jolly Aliangan, dating miyembro ng Manila Police District (MPD) at ngayon ay …

Read More »

2,000 ecstasy tablets nakompiska sa ginang

NAKOMPISKA ang 2,000 tableta ng pink ecstasy mula sa isang ginang sa raid sa Pandacan, Maynila nitong Martes. Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon makaraan makatanggap ng impormasyon ukol sa droga na nakasilid sa loob ng isang puzzle box. Tinatayang nagkakahalaga ng P4 milyon hanggang P6 milyon ang nakompiskang droga. Ayon kay PDEA Regional Director Edwin Ogario, …

Read More »

Thanksgiving Party ni Digong itinakda na

DAVAO – Naka-hightened alert ang buong lungsod ng Davao lalo na’t mahigit isang linggo na lang ay isasagawa na ang isa sa pinakamalaking event dito sa lungsod. Sa ngayon, handa na ang organizers sa isasagawang “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party,” sa Hunyo 4 na isasagawa sa tatlong lugar sa Davao nang sabay-sabay. Ang main venue nito ay sa …

Read More »

Palasyo handa sa Duterte admin probe vs DAP

NAKAHANDA ang Malacañang sa binabalak ng Duterte administration na imbestigahan ang kontrobersiyal na Disbursement Accelaration Program (DAP). Sinasabing ang pondo ay ipinamahagi sa mga senador na bumoto pabor sa impeachment laban kay dating Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng soft at hard projects. Ilang bahagi ng DAP ang idineklarang ilegal ng Korte Suprema partikular ang pag-withdraw ng mga hindi …

Read More »

6-anyos nene nalunod sa family outing

NAGA CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang 6-anyos batang babae makaraan malunod sa isang resort sa Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Mary Angela Marmol. Napag-alaman, nagtungo sa Niogan Garden Resort ang biktima kasama ang kanyang pamilya upang mag-outing. Ngunit hindi napansin ng mga kaanak na nahulog sa swimming pool ang biktima kasama …

Read More »

15 bagets bagansiya sa riot

DINAMPOT ng mga awtoridad ang 15 kabataan makaraan magrambulan sa Recto Avenue sa Maynila nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Napag-alaman, nagbatuhan ng mga bote at nagpang-abot ang magkalabang grupo. Ilan sa mga menor de edad ay may dalang pamalong kahoy. Nagpulasan ang mga kabatan nang magresponde ang mga barangay tanod. Ngunit may ilang naglakas-loob pa na tumambay hangga’t hindi pa sila …

Read More »

Pinoy seaman nakauwi na (Pitong taon nakulong sa Saudi)

NASA bansa na ang dating Filipino seaman na nakulong ng pitong taon makaraan saksakin ang kababayan noong 2008 sa Saudi Arabia. Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at sinalubong si Jonard Langamin ng kanyang mga magulang na sina Editha at Clemente Langamin, kapwa sweet corn vendor, dakong 10 a.m. nitong Martes. Hinatulan ng kamatayan si Langamin makaraan …

Read More »