Sunday , December 22 2024

Hataw News Team

Mag-ama patay sa baril nang mag-alitan

PATAY ang isang mag-ama nang magkaalitan sa loob ng kanilang bahay sa Paoay, Ilocos Norte kamakalawa. Agad namatay ang 32-anyos na si Rex Blanco nang barilin ng kanyang amang si Hermogenes. Base sa imbestigasyon, pinagalitan ng biktimang si Rex ang kanyang anak bago nangyari ang insidente. Ngunit hindi nagustuhan ng suspek, na lolo ng bata, ang pamamaraan kung paano pinagalitan …

Read More »

NPA Honcho may P2-M patong sa ulo arestado

BUTUAN CITY – Mahigpit ang seguridad ng pulisya sa naarestong top leader ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Claver, Surigao del Norte kamakalawa. Naaresto mula sa kanyang inuupahang bahay si Jonathan Cadaan Peñaflor alyas Jojo Peñaflor o alyas Lurkan at Albert, sa Purok 7, Brgy. Ladgaran sa nasabing bayan dakong 2 p.m. kamakalawa. Si Peñaflor ay may patong …

Read More »

No media coverage tinindigan ni Duterte

DAVAO CITY – Sineryoso ni incoming President Rodrigo Duterte ang kanyang banta na siya ang magbo-boycott sa media at hindi na magpapatawag ng press conference. Pinatunayan ng president-elect ang kanyang banta sa media na hindi pinansin at hindi pinapasok sa tinaguriang ‘Malacañang in the South’ sa Panacan depot sa lungsod ng Davao. Hindi rin hinayaan ng alkalde na maka-cover ang …

Read More »

4 Malaysians pinalaya na ng Abu Sayyaf

KUALA LUMPUR – Pinalaya na ng Abu Sayyaf ang apat na Malaysians na kanilang dinukot noong Abril sa Sabah. Ayon sa Malaysia, nakabalik na sa Sabah ang mga biktimang magkapatid na sina Wong Teck Kang at Wong Teck Chii, kanilang pinsan na si Johnny Lau Jung Hien at Wong Hung Sing kahapon ng umaga. Nagtagumpay umnao ang Malaysian at Filipino …

Read More »

‘Drug lord’ sa Region 12 patay sa raid

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang No. 1 most wanted sa watchlist ng Regional Special Investigation and Detection Team (RSIDT-12) makaraan lumaban sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Brgy. Sinawal, General Santos City kamakalawa. Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Oscar Noel Jr. ng RTC 11 Branch 35, sinalakay nang pinagsamang puwersa ng pulisya sa pangunguna …

Read More »

Inagurasyon ni Duterte, Palasyo walang paki

DUMISTANSIYA ang Malacañang sa preparasyon para sa inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte sa Hunyo 30. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, labas na rito ang Aquino administration dahil okasyon na ito ni incoming President Duterte. Ayon kay Coloma, naibigay na nila sa transition team ni Duterte ang kinauukulang mga dokumento at records ng pamahalaan para mapag-aralan. Tiwala rin si Coloma …

Read More »

Cebu mayor kinasuhan sa kontrata pabor sa misis?

SINAMPAHAN ng graft charges ng Office of the Ombudsman si incumbent mayor Ronald Allan Cesante ng Dalaguete, Cebu makaraan aprubahan ang ‘contract of lease’ ng apat na commercial units para sa kapakinabangan ng kanyang asawa. Batay sa pitong pahinang kautusan, kinatigan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang probable cause para idiin si Cesante sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act …

Read More »

Arkitekto pinatay ng abogado

TACLOBAN CITY – Pinaniniwalaang ‘crime of passion’ ang sanhi ng pagpatay ng isang abogado sa architect sa Leyte Normal University sa Tacloban City. Ayon kay Chief Supt. Domingo Say Cabillan, Tacloban City director, may lumutang na isyu na posibleng nagselos ang abogadong suspek sa biktima. Kinilala na ang suspek ngunit hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad habang patuloy ang imbestigasyon. …

Read More »

PNP low morale sa 3 heneral na sangkot sa illegal drug trade

CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng pamunuan ng PNP Northern Mindanao, makapagdudulot din nang low morale ang ginawang controversial na expose’ ni President-elect Rodrigo Duterte na tatlong police generals ang sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Inihayag ni PNP regional spokesperson Supt. Surki Sereñas, umaasa silang hindi totoo ang banat ni Duterte sa tatlong hindi pinangalanang police generals. …

Read More »

3 sakay ng motorsiklo nakaladkad ng bus

road traffic accident

NABUNDOL at nakaladkad ng bus ang tatlong sakay ng isang motorsiklo sa kanto ng Araneta at E. Rodriguez Avenues sa Quezon City nitong Martes. Ayon sa mga saksi, humaharurot ang Florida bus sa E. Rodriguez kahit pula na ang traffic light. Habang hinabol ng motorsiklo ang huling segundo ng green traffic light sa Araneta. Dahil dito, sumalpok ang bus sa …

Read More »

Retiradong parak, patay nang mahagip ng kaanak ni Pacman

GENERAL SANTOS CITY – Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang isa sa kamag-anak ni Senator-elect Manny Pacquiao makaraan mapatay sa bundol ang isang retiradong pulis sa minaneho niyang motorsiklo. Kinilala ang biktimang si retired SPO4 Angel Clerino, residente ng Lanton, Apopong, habang ang suspek ay si Marcelo Pacquiao. Sa imbestigasyon ng Makar Police station, nagkasalubong ang dalawang kapwa …

Read More »

Media maging matapang sa pagharap  sa bagong admin — ALAM (Maging kritikal at ‘wag matakot!)

NANAWAGAN ngayon si Alab ng Mamamahayag (ALAM) President Jerry Yap sa hanay ng media partikular sa mga nagko-cover kay incoming President Rodrigo “Digong” Duterte na maging kritikal sa pagkuha ng balita na may kaugnayan sa bagong administrasyon. “Hindi dapat magpa-bully ang mga reporter na nagko- cover kay Digong! Hindi dapat matakot, ang kailangan ay magtanong tayo nang higit na maayos, …

Read More »

Duterte iwas muna sa media interview

DAVAO CITY – Ayaw munang magpa-interview ni President-elect Rodrigo Dutete bilang sagot sa panawagang boykot sa kanyang press conference hangga’t hindi siya humihingi ng paumanhin kaugnay sa kanyang pahayag hinggil sa media killings, ayon sa kanyang spokesman kahapon. “Unang-una, yun naman yung hiningi ng media,” pahayag ni Salvador Panelo. Idinagdag niyang ang mga pahayag ni Duterte ay hindi lumalabas “as …

Read More »

3 turista missing sa Laguna flashflood

TATLO ang nawawala makaraan tangayin ng flashflood sa ilog sa Majayjay, Laguna nitong Linggo. Nabatid sa paunang imbestigasyon, pawang mga turista ang mga biktimang nagbakasyon sa isang resort na kalapit ng ilog sa Brgy. Ilayang Banga. Nahirapan ang mga rescuer sa paghahanap sa mga biktima dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Read More »

SSS pension hike veto override idudulog kay Duterte

NANAWAGAN sina Bayan Muna party-list Reps. Neri Colmenares at Isagani Zarate kay President-elect Rodrigo Duterte na magdeklara ng suporta sa override resolution para maisantabi ng Kongreso ang veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa SSS Pension Hike Bill. Ayon sa dalawang mambabatas, nagpapasalamat sila sa pagpabor ni Duterte sa dagdag SSS pension dahil nagpapakita nang pagkakaiba kay Pangulong Aquino. Sinabi …

Read More »

Bading patay, dyowa sugatan sa sunog sa CDO

CAGAYAN DE ORO CITY – Namatay ang isang bading nang ma-trap sa nasusunog nilang inuupahanag kuwarto habang sugatan ang kanyang live-in partner sa Block 3, Lot 25, Villa Trinitas Subd., Brgy. Bugo sa Cagayan de Oro City kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Richie Gonzales, habang sugatan si Rene Micabalo, kapwa ng Koronadal City. Inihayag ni Bureau of Fire Protection …

Read More »

Aguirre sa DOJ tinuligsa (Inakusahang nangamkam ng lupa at pananakot)

MAHIGPIT na tinuligsa at tinutulan ng mahihirap na magsasakang mismong mga kababayan ni incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Mulanay, Quezon ang ginawang pagnombra sa kanya ng bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte para mamuno sa Kagawaran ng Katarungan. Sa isang liham para kay Duterte na nilagdaan ni Carlos Icaro, pangulo ng Hacienda Tulungan Farmers and Settlers Association (HTFSA) …

Read More »

Lim naghain ng suspensiyon, DQ vs Erap

HINILING ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Commission on Elections (Comelec) ang pagsuspinde sa proklamasyon kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang alkalde ng Maynila, ideklara siyang diskuwalipikado at magbuo ng special board of canvassers para sa pagsasagawa ng recanvassing sa resulta ng bilangan sa mayoralty race sa May 9 elections sa lungsod. Sa ‘urgent motion to suspend’ sa …

Read More »

Big mining firms inutusan magsara ni Duterte (3 PNP general pinagre-resign)

DAVAO CITY – Kabilang ang malalaking kompanya ng minahan sa mga pinuntirya ni incoming President Rodrigo Duterte sa kanyang speech sa isinagawang thanksgiving party sa Davao. Pinaalalahanan ni Duterte ang malalaking kompanya ng minahan, partikular sa Surigao del Norte, na mas magandang magsara na lalo’t nagdudulot ng problema sa kalikasan. Ito rin aniya ang rason kung bakit hindi niya ibinigay …

Read More »

26 indibidwal positibo sa HIV/AIDS (Sa Eastern Visayas)

 NABABAHALA ang Department of Health (DoH) sa Eastern Visayas dahil sa nakaaalarmang paglobo ng mga may sakit na HIV/AIDS sa rehiyon. Ayon kay Boyd Cerro, regional epidemiology unit chief ng DoH, nitong Marso lamang, umabot na sa 26 katao ang naitalang positibo sa HIV/AIDS. Karamihan aniya o nasa 80 porsiyento ng HIV/AIDS cases sa nasabing rehiyon ay dahil sa pakikipagtalik …

Read More »

Kita sa PAGCOR ilalaan sa health, education sector

ANG health at education sector ang makikinabang nang malaki sa malilikom na kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Ito ang inihayag ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga dumalo sa kanyang thanksgiving party sa Davao City kamakalawa ng gabi. Ayon sa incoming president, gagamiting pambili ng mga gamot at karagdagang kagamitan sa ospital at mga paaralan ang perang malilikom …

Read More »

Media iboboykot ni Digong

IBOBOYKOT ni President-elect Rodrigo Duterte ang media, pahayag ng kanyang closed aide kahapon. “Kung ayaw n’yo raw mag-boycott sa kanya, siya raw mag-boycott sa inyo,” pahayag ni Bong Go, executive assistant ni Duterte, sa mga miyembro ng media sa text message. Dagdag ni Go sa kanyang text message: “[Anyway], mayor pa naman siya and si PNoy ang pres[idente].” Si Outgoing …

Read More »

Umatake at hamunin si Duterte — CMFR (Payo asa media tuwing coverage)

KASUNOD ng pahayag mula kay President-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa media killings, hinikayat ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) ang mga journalist  na laruin ang papel nang pagiging mapaghamon sa pag-cover sa kanya. “We should not be defensive at all, we should be adversarial. That’s a basic aspect in the terms of engagement between a news subject and …

Read More »

Press Con ni Duterte iboykot — RSF (Local media hinikayat)

NANAWAGAN ang Reporters Without Boarders (RSF), international media welfare and press freedom advocate, sa mediamen na i-boycott  ang mga press conference ni incoming President Rodrigo Duterte hangga’t hindi humihingi ng public apology sa naging pahayag hinggil sa media killings. “Not only are these statements unworthy of a president but they could also be regarded as violations of the law on …

Read More »

INC sumaklolo sa Mindanao (Kapatiran kontra kahirapan)

TUMAYONG simbolo ng lalo pang pagpapaigting ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa ideneklarang laban upang sugpuin ang kahirapan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pagpapasinaya sa mga proyektong pabahay, eco-farming at lingap-pangkabuhayan na naglalayong iangat ang buhay ng mga katutubong Filipino (indigenous peoples o IP) sa Mindanao. Sa pagtatapos ng nagdaang linggo, pinasinayaan ng Iglesia ang 500 housing units …

Read More »