NAGA CITY – Aabot sa mahigit P5 milyong halaga ng shabu at iba’t ibang uri ng baril at bala ang nakompiska sa tatlong lalaki sa operasyon ng mga pulis sa Brgy. GuisGuis Talon, Sariaya, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Reysol Paderon, Roderick Remo, 42-anyos, at Francia Concepcion, 24-anyos. Ayon sa ulat, naaktohang sumisinghot ng shabu ang mga …
Read More »Mar nahabol na si Poe at VP
LALONG uminit ang karerang pampanguluhan sa bagong resulta ng pre-election survey ng Social Weather Stations o SWS. Sa survey na pinondohan ng pahayagang Business World na sumakop ng 1,200 respondents na ginanap nitong Setyembre 2 – Setyembre 6, tinanong ang mga na-survey kung sino ang iboboto nila para maging pangulo kung sakaling araw na ng halalan. Pinapili ang mga respondent …
Read More »School district supervisor utas sa ratrat
Patay ang isang district supervisor ng paaralan sa Brgy. Tambak, Bayambang, Pangasinan makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng umaga. Ayon kay Senior Supt. Bingo de Asis ng Pangasinan-PNP, district supervisor ng Bayambang St. Francis School ang biktimang si Henry Dela Cruz. Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek habang inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa …
Read More »No VIP treatment sa Reyes bros (Tiniyak ni De Lima)
TINIYAK ni Justice Seretary Leila de Lima sa pamilya Ortega na walang special treatment na ibibigay kay dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid na si dating Coron Mayor Mario Reyes. Sinabi ni de Lima, darating sa bansa ang Reyes brothers na nakaposas. Ang magkapatid na Reyes ay suspek sa pagpaslang sa environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega. …
Read More »Magulo ang utak ni Duterte
HINDI na talaga dapat paniwalaan pa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Lamalabas kasi na parang niloloko na lang ng grupo ni Duterte ang taumbayan. Hindi maintindihan ang takbo ng utak, at pabago-bago sa kanyang plano kung tatakbo ba siya o hindi bilang pangulo sa darating na halalan. Parang babae si Duterte. Akala ko ba barako siya? Nakapipikon na, para …
Read More »Singson kalaban ninyo ‘di kami — Sekyu ni Chavit (Sinabi sa Vargas couple bago napatay)
ITO ang pahayag ng isang security guard na kinilalang si Rogelio Mariano alyas Kamatis, sinasabing tauhan ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson, sa uploaded video sa YouTube, na kuha bago ang naganap na extra-judicial killing nitong Sabado sa mag-asawang sina Roger at Lucila Vargas, kapwa lider-magsasaka ng San Jose Del Monte, Bulacan. “It is obvious that the security …
Read More »Sanggol, ina 1 pang paslit pinatay ng ama
NAGTANGKANG magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili ang isang padre de pamilya makaraang pagsasaksakin ang kanyang asawa at apat na anak na ikinamatay ng tatlo sa kanila sa Sitio Bukid, Brgy. Riverside, San Pedro, Laguna. Ayon kay San Pedro, Laguna Chief of Police, Supt. Cecilio Ison, kinilala ang suspek na si Ruel de Castro Maraña, 31, talunan sa sugal …
Read More »Bigtime tulak sa Visayas nakatakas sa parak
CEBU CITY – Nagpalabas na ng direktiba ang direktor ng Police Regional Office (PRO-7) sa Cebu City Intelligence Branch (CIB) na magsagawa ng imbestigasyon sa hinggil sa sinasabing ‘leakage’ na nangyari sa operasyon laban sa tinaguriang pangalawang biggest drug lord sa Central Visayas. Malaki ang paniniwala ni PRO-7 Director C/Supt. Prudencio Tom Bañas na isang pulis na kabilang sa nasabing …
Read More »Oral arguments sinimulan na ng SET (Sa DQ case vs Sen. Poe)
SINIMULAN na ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang oral arguments sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe na isinampa nang natalong senatorial candidate na si Rizalito David. Hindi dumalo ang senadora sa closed-door hearing sa Korte Suprema. Tanging ang abogado lang ni Poe na si Atty. Alex Poblador ang kumatawan sa senadora. Habang dumalo si David sa oral argument. …
Read More »Ex-Iloilo Gov. Niel Tupas Sr., arestohin (Utos ng Sandiganbayan)
INIUTOS ng Sandiganbayan Fifth Division ang pag-aresto kay dating Iloilo Governor Niel Tupas Sr. at tatlo pa niyang kapwa akusado sa kasong graft dahil sa maanolmalyang pagbayad ng P4 milyon para sa koryente na hindi naman nagamit ng Iloilo. Ayon sa Sandiganbayan, may probable cause ang kasong isinampa laban kay Tupas. “After a careful assessment of the records, the documents …
Read More »5 sundalo sugatan sa IED explosion
CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang limang sundalo makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Brgy. Pagan, Kitaotao, Bukidnon kamakalawa. Ito’y makaraang magsagawa ng normal combat operations ang tropa ng 403rd IB, Philippine Army, sa nasabing lalawigan. Inihayag ni 403rd IB commander Lt. Col. Jesse Alvarez, madaling naka-manuever ang kanilang puwersa laban sa hindi matukoy na bilang ng …
Read More »Anak ni Jawo kinasuhan na
KASONG attempted murder, direct assault at illegal possession of fire arms and ammunition ang isinampa ng pulisya sa Makati City Prosecutors Office laban sa anak ni basketball living legend at dating Senador Robert Jaworski at sa driver na nakipagbarilan sa mga pulis at nahulihan ng mga armas at bala nitong Sabado, Setyembre 19, ng madaling araw sa nasabing lungsod. Kamakalawa …
Read More »Lady ring boss, bangag timbog sa P7.2-M shabu
ARESTADO sa mga awtoridad ang isang babaeng lider ng Amalie drug group at nakompiskahan ng P2.2 milyong halaga ng shabu sa Quezon City habang nakompiskahan ng P5 milyong halaga ng parehong droga ang isang bigtime drug pusher na kumanta habang bangag sa droga sa Valenzuela City. Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Quezon City Police District, District Anti-Illegal Drugs …
Read More »Roxas anti-Bicol (Sa alok na VP kay Leni)
DESPERADO, mababaw, makasarili, salat sa malasakit para sa Bicol. Ito ang deretsahang paglalarawan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., sa pinakahuling hakbang-pampolitika ng Liberal Party (LP) presidential aspirant na si Mar Roxas na kombinsihin ang kaprobinsyang mambabatas mula sa Camarines Sur na si Leni Robredo upang maging vice presidential candidate ng LP sa 2016. “Sa pagtakbo ni Cong. Leni …
Read More »Roxas-Robredo 2016 takes off
“RORO” para sa “Roxas-Robredo” ang naging bansag sa umuugong na tandem ni Mar Roxas at Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo, na pormal nang inalok maging vice presidential candidate ng Daang Matuwid ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa darating na Halalan 2016. Nagtungo sa Naga City si Roxas upang pormal na kausapin si Robredo, na sa ngayon ay pag-iisipan pa ang …
Read More »Hamon kay De Lima sa Ortega murder: Reyes Usigin
TAHASANG hinamon si Justice Secretary Leila de Lima na isulong ang prosekusyon laban kina dating Palawan governor Joel Reyes at sa kanyang kapatid na si dating Coron mayor Mario Reyes, kapwa akusado bilang utak sa pagpatay kay environmentalist-mediaman Dr. Gerry Ortega noong 2011. Pirmado ng mahigit 32,000 tagasuporta ang petisyon ng pamilya Ortega para resolbahin ni De Lima ang pagdinig …
Read More »Serg inggit na inggit kay Chiz
TINAWAG ni Sen. Serg Osmeña na isang uri ng gimik ang sinabi ni Sen. Chiz Escudero na ang kanilang partido ni Sen. Grace Poe para 2016 presidential elections ay tatawaging “Partido Pilipinas.” Kung titingnan mong mabuti, may punto naman talaga si Osmena sa kanyang puna kay Chiz dahil wala naman talagang matatawag na “Partido Pilipinas” maliban sa LP, NP, UNA, …
Read More »Mahinang pressure ng Manila Water sinimulan na
MULING ipinaalala ng Manila Water sa kanilang mga kustomer sa Metro Manila at bahagi ng Rizal na makararanas ng pitong oras na mahinang water pressure simula ngayong araw Setyembre 21, kaugnay ng El Niño weather phenomenon. Sa advisory ng Manila Water, mararanasan ang mahinang water supply mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. simula sa nabanggit na petsa. Aabot sa 155 …
Read More »Binay at Grace ang maglalaban
NGAYONG pormal na nagdeklara si Sen. Grace Poe ng intensiyon na tumakbo bilang pangulo ng bansa, maliwanag na si Vice President Jojo Binay ang mahigpit niyang makakalaban sa darating na 2016 elections. Sa kabila ng sinasabing malawak na organisasyon at makinarya ang Liberal Party, mananatiling nasa pangatlong puwesto lamang si Interior Sec. Mar Roxas sa mangyayaring presidential derby ng tatlong …
Read More »Sept. 25 Eid’l Adha regular holiday
PORMAL nang inianunsyo kahapon ng Malacañang na regular holiday ang Setyembre 25 bilang selebrasyon ng Eid’IAdha. Nakapaloob ito sa Proclamation 1128 na nilagdaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Magugunitang ang Eid’l Adha ang isa sa pinakamahalagang pista ng mga Muslim o tagasunod ng Islam. Unang naideklara ang Setyembre 24 bilang holiday ngunit inaamyendahan na ito nang kalalabas na proklamasyon.
Read More »School bldgs. bubuhusan ng pondo ng DepED
PLANO ng Department of Education (DepEd) na buhusan ng pondong aabot sa P100 bilyon ang pagpapatayo ng school buildings mula sa budget nila para sa 2014 at 2015. “We are happy to mention that, for the 2014 and 2015 budgets, as of this quarter, we have already identified the school buildings. And as we speak, we are starting documentation of …
Read More »3 sundalong rapist ng Lumad isasalang sa court martial
INIREKOMENDA ng Civil Military Office ng 10th Infantry Battalion na isailalim sa court martial proceedings ang tatlong sundalo na gumahasa ng isang 14-anyos dalagitang Lumad sa Davao del Norte. Pinatawan na rin ng preventive suspension ang tatlong sundalo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Una rito, nagsumbong ang biktima sa mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsagawa …
Read More »Walang garahe ‘di bebentahan ng sasakyan (Pinaboran ng Palasyo)
PABOR ang Palasyo sa panukalang hindi dapat pagbentahan ng sasakyan ang mamamayan na walang garahe. “Ang panukala ay naglalayong pigilin ang pagdami ng sasakyang ipinaparada sa kalsada dahil walang garahe. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pagsikip ng kalsada upang bumilis ang daloy ng trapik. Karapat dapat na bigyan ito nang seryosong pag-aaral,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Magugunitang …
Read More »Manyakis na madrasto arestado (11-anyos pinasubo ng ari)
KULONG ang isang manyakis na stepfather makaraang ipasubo ang kanyang ari sa 11-anyos dalagitang kanyang anak-anakan kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Kinilala ang suspek na si Renwold Alvarez Panhilason, 50, pintor, residente ng Block 33, Lot 22, Phase 2, Area 2, North Bay Boulevard South, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse). Batay sa ulat ni SPO2 …
Read More »Branch manager ng Koop naglason bago nagbigti
VIGAN CITY – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang branch manager ng kooperatiba na uminom ng insecticide bago nagbigti sa probinsiya ng Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Raymond Manzano, 30, residente ng Sitio Bariquir, Brgy. Balingaoan, Candon City, branch manager ng Sacret Heart Savings Cooperative na nakabase sa San Nicolas, Ilocos Norte. Ayon kay Supt. …
Read More »