Wednesday , September 27 2023

P5-M shabu, baril kompiskado sa Sariaya OPS

0924 FRONTNAGA CITY – Aabot sa mahigit P5 milyong halaga ng shabu at iba’t ibang uri ng baril at bala ang nakompiska sa tatlong lalaki sa operasyon ng mga pulis sa Brgy. GuisGuis Talon, Sariaya, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Reysol Paderon, Roderick Remo, 42-anyos, at Francia Concepcion, 24-anyos.

Ayon sa ulat, naaktohang sumisinghot ng shabu ang mga suspek sa bahay ni Paderon.

Hindi nakapalag pa ang tatlo nang dumating ang mga awtoridad.

Nakuha mula sa kanila ang 219 piraso ng shabu na may timbang na 476 gramo at may street value na P5,236,000.

Bukod sa droga, nakuha rin mula sa sa pag-iingat ng mga suspek ang isang calibre-45, walong magazine, 92 bala ng caliber-45, 33 bala ng caliber-38, drug paraphernalia at perang nagkakahalaga ng P234,000.

Sinasabing matagal nang under surveillance ang tatlo at sa pagkakataong ito ay tuluyan nang napasakamay ng pulisya.

Nakakulong na sa Sariaya Municipal Jail ang tatlo at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 12 at 15 ng RA 9165.

About Hataw News Team

Check Also

MTRCB

MTRCB aaksiyonan panawagan ng netizens laban kay Joey

MA at PAni Rommel Placente TRENDING ngayon sa social media si Joey de Leon. Ito ay …

SM Foundation SMFI KSK-SAP

New batch of farmers begins agri training in Cebu

SM Foundation Inc. (SMFI), the social good arm of the SM group, launched its Kabalikat …

LA Santos Maricel Soriano Roderick Paulate

LA Santos nag-workshop para sa pelikula nila nina Maricel at Dick

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang teaser ng pelikulang In His Mother’s Eyes mula …

Robin Padilla

Sen Robin ‘di iiwan ang Senado

HATAWANni Ed de Leon PINAGRE-RESIGN din ng mga social media hacker si Sen. Robin Padilla dahil daw …

SM Foundation Health Medical Mission Butuan Davao Feat

SM Foundation naghatid ng tulong medikal sa Mindanao

Mahigit 1,000 benepisyaro mula sa Butuan at Davao City ang nakatanggap ng libreng medical at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *