Sunday , December 22 2024

Hataw News Team

Aktor, nahuling nagbibigay ng pill sa kaibigang nakasama sa bahay

NAKAGUGULAT at nakadedesmaya ang ibinalita sa amin ng aming kaibigang concert goer ukol sa hinahangaan at pinagkakaguluhan ngayong  actor. Nangyari ito sa concert ng isang foreign singer kamakailan. Umano’y kitang-kita niya ang pagbibigay o pagsubo ng ecstacy sa kaibigan niyang dating nakasama sa bahay. Kasabay siyempre ng pag-inom ng nasabing pill ay ang paglaklak ng alak na ginawa nila sa …

Read More »

Hilaw pa si Leni (Hindi handa sa mataas na posisyon)

BIGO ang maraming ta-gamasid-politika sa ipinamalas ni Liberal Party (LP) vice presidential bet Rep. Leni Robredo noong Linggo sa PiliPinas Debates 2016 na nagpatunay lamang sa kababawan ng kanyang alam sa mga usaping pambansa – gaya sa West Philippine Sea, sa Freedom of Information (FOI) bill at sa sin tax – malayo sa galing ng kanyang mga bihasang karibal sa …

Read More »

Duterte kapag dukha kayang itumba — Binay

SI Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay isang “berdugo” na mahihirap lang ang kayang patayin, ayon kay Vice President Jejomar Binay.  “Mister Berdugo, ako ay pro-life at ang aking ginagawa ay para gumanda ang buhay ng mahihirap, ikaw naman, pumapatay ng mahihirap,” ayon kay Binay.  “Pumapatay ka nang walang pakundangan, ng mga bata at magkakapatid. Sanay kang pumatay nang mahirap …

Read More »

Camp Crame nasunog

SUMUGOD ang mahigit 20 firetruck sa loob ng Camp Crame, Linggo ng gabi nang masunog ang isang officer’s quarter. Binalot nang makapal na usok ang 10 Alpabeto Street nang masunog ang isa sa mga kuwarto rito at kumalat ang apoy sa buong bahay. Napag-alaman, ang lugar ay tinutuluyan ni Police Director Napoleon Taas ng PNP Information and Communications Technology Management. …

Read More »

St. Benedict Medallion iniregalo ng ‘sekyu’ para proteksiyon

PINAGKALOOBAN si vice pre-sidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng medalyon ni St. Benedict of Nursia ng isang security detail bago ang Commission on Elections-sponsored vice presidential  PiliPinas Debates 2016 sa University of Santo Tomas sa Manila nitong Linggo. Bago pumasok si Marcos sa holding room ng UST, iniabot sa kanya ng security officer na si James Simon …

Read More »

2 patay, 1 sugatan sa kapwa parak (Sa loob ng police station)

VIGAN CITY – Dalawa ang patay at isa ang sugatan makaraan silang barilin ng kapwa pulis habang kumakain sa loob mismo ng police station sa Poblacion Sigay, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina SPO2 Leborio Dangalen at NUP member Mark Jay Barrientes, habang sugatan si SPO2 Gilbertt Rabang. Natukoy ang suspek na si PO1 Roel Parragas, miyembro …

Read More »

‘Regalo’ sa Senior Citizens kinupitan ni Malapitan

KUNG sa Lungsod ng Makati ay pinagkakakitaan ang birthday cake para sa matatandang residente, mas masahol umano ang ginagawa ng mga nakaupo ngayon sa Caloocan City sa pangunguna ni Mayor Oscar Malapitan dahil sobrang nilapastangan ang mga nakatatanda matapos pagkakitaan ng mahigit P600 milyon ang birthday gift package na inireregalo sa kanila. Ayon sa Federation of Senior Citizens of Bagong …

Read More »

Grace-Chiz ‘di patitinag – Sen. Poe

MULING iginiit ng independent presidential candidate na si Sen. Grace Poe ang matagal nilang pinagsamahan at katapatan ng kanyang katambal sa yumaong si Fernando Poe, Jr., at sa pamilya Poe kasabay ng pahayag na ang kanyang “partnership” at pakikipagkaibigan sa katambal na Sen. Chiz Escudero ay nananatiling matatag sa gitna ng hirap at hamon ng kampanyang sumampa na sa huling …

Read More »

Bingbong Crisologo ‘nakalusot’ sa PDAF Scam

KINUWESTIYON ng anti-corruption group ang umano’y kawalan ng aksiyon ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of the Ombudsman sa iba pang personalidad na sangkot sa Pork Barrel Scam. Ayon sa Alliance of Good Governance (AGG), karamihan sa mga sangkot sa pork barrel scam ay tumatakbo ngayon sa halalan, isang hindi magandang batayan at nagpapamalas lang na ang kampanya …

Read More »

Tubero todas sa ambush

TODAS ang isang tubero makaraan pagbabarilin ng isang lalaki sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ang biktimang si Benjie Escober, 24, ng Block 38, Lot 3, Sabalo St., Brgy. 12 ng nasabing lungsod. Habang patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad upang maaresto …

Read More »

Baby idinamay ng tatay na nagbitay (Nanay bumalik sa unang pamilya)

NAGA CITY – Natagpuang nakabigti ang isang 22-anyos lalaki at kanyang apat buwan gulang na sanggol sa bayan ng Basud, Camarines Norte, kamakalawa. Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rojelyn Calandria, hepe ng Basud PNP, iniwan ng live-in partner niya si Don-Don Ebdani, dahil sa problemang pinansiyal. Hindi matanggap ni Ebdani na nakikipaghiwalay sa kanya ang kanyang kinakasama na nagpasyang …

Read More »

Beterano ‘di na kukupitan (PNoy nangako sa Araw ng Kagitingan)

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi na kukupitan ang kanilang mga pensiyon at benepisyong inilalaan sa kanila. Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Mt. Samat, Bataan. Sinabi ng Pangulong Aquino, naayos na nila ang listahan ng mga tunay na beterano at nagkaroon na …

Read More »

Japan envoy nakayukong nag-sorry sa war victims

MULING ipinaabot ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa ang paghingi ng paumanhin sa karahasang nagawa sa mga Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan sa Bataan kahapon, nakayukong sinabi ni Amb. Ishikawa, buong pagpapakumbaba at taos sa puso ang kanilang paghingi ng paumanhin sa ano mang sakit na naidulot ng kanilang pagsakop sa Filipinas. …

Read More »

Ex ni Alma Moreno, driver sugatan sa ambush sa CDO

CAGAYAN DE ORO – Sugatan si Marawi City Mayor Fahad “Pre” Salic, dating asawa ng aktres senatorial  candidate na si Alma Moreno, at ang kanyang driver nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan ang kanilang sasakyan sa Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City dakong 2 a.m. nitong Sabado. Si Salic at ang kanyang driver ay lulan ng kanilang sasakyan malapit sa Pryce …

Read More »

Egay Erice kalaboso (Panibagong plunder case nakaamba)

SA kulungan posibleng masadlak si Caloocan City Representative Edgar ‘Egay’ Erice sa dami ng kaso na kanyang kinakaharap sa Office of the Ombusdman gaya ng pagbubulsa umano ng halos isang bilyon royalty share at sinabing ‘pagnanakaw’ ng mineral ore sa operasyon ng mining sa Agusan Del Norte. Nabatid na si Erice ang tumatayong presidente ng SR Metal Mining Inc. (SMRI) …

Read More »

Gatchalian landslide sa Vale City (Base sa survey ng Probe: Rex-82.3%; Magi-12.7%)

INAASAHAN ang landslide win ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa May 9 elections matapos makakuha ang alkalde ng mahigit 80 porsiyento ng mga botante sa isinagawang survey ng grupong Probe noong Marso 7-12. Umabot sa 600 ang kabuuang respondent ng Probe survey na tig-300 respondents ang kinuha sa District 1 at District 2 at sumailalim sa face-to-face personal interviews. …

Read More »

Gawa hindi ngawa — Chiz (Marcos panagutin sa martial law)

“Higit sa salita, aksyon ang mas mahalaga.” Ito ang iginiit ng  independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero nitong Lunes kasabay ng pahayag na mas mahalaga ang aksiyong nagpapanagot sa pagmamalabis ng mga Marcos noong Martial Law imbes paulit-ulit na magsalita laban dito. Sa isang panayam, tinanong si Escudero kung nahihirapan siyang magsalita laban sa pang-aabuso ng mga …

Read More »

Negosyanteng Thai kinotongan ng 2 pekeng traffic enforcer

ISANG dayuhang Thai national ang kinotongan ng dalawang pekeng traffic enforcer nang kanilang arestohin dahil sa traffic violation sa Sta. Cruz, Maynila Hawak ng MPD-General Assignment and Investigation Division (GAIS) ang suspek na sina RJay Ramas, 30, walang trabaho, ng 1427 Ilang-ilang St., Pandacan, Maynila, at Kenneth Alcaide Garcia, 38, ng LRC Compound, Sta. Cruz, Maynila dahil sa reklamo ni …

Read More »

5,000 Uber ibinasura ng LTFRB

IBINASURA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 5,000 applications ng app-based transportation service na Uber. Sinabi ni Atty. Ariel Inton, isa sa boardmembers ng LTFRB,  hindi nakapagsumite ng ‘formal offer of evidence’ ang mga aplikante kaya nila ito ibinasura. Dagdag pa niya, binigyan nila nang sapat na panahon ang mga ito noon pang Oktubre 2015. Habang …

Read More »

10 parak sinibak sa Pangasinan (‘Di nagresponde sa robbery)

DAGUPAN CITY – Sampung miyembro ng Police Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan ang ini-relieve sa puwesto makaraan balewalain ang idinulog na robbery incident sa Brgy. Gueguesangen sa nagdaang Semana Santa. Ayon kay Supt. Jackie Candelario, deputy director for operations ng Pangasinan Police Provincial Office, sinibak ang 10 pulis habang iniimbestigahan ang kanilang officer-in-charge na si Supt. Benjamin Ariola bunsod sa …

Read More »

Katarungan para sa lahat ipaglalaban ni Kapunan

NANINDIGAN si Atty. Lorna P. Kapunan na napapanahon nang makamit ng samba-yanang Filipino ang kataru-ngan lalo na para sa maliliit nating kababayan na madalas maging biktima ng maling pagkiling ng hustisya. Kumakandidato bilang pangatlong senadora na inendoso ni presidential bet Sen. Grace Poe, naniniwala si Kapunan na upang makamit ang tapat at tunay na kataru-ngan, kinakailangang manati-ling nakapiring ang mga …

Read More »

6 manggagawa sa lagarian dinukot ng terorista

CAGAYAN DE ORO CITY – Anim na Kristiyanong sibilyan ang bihag ng mga miyembro ng tinaguriang Foreign and Local Terrorist Organization (FLTO) sa Lanao del Sur. Ayon sa impormasyon, kinilala ang mga dinukot na sina Tado Hanobas, Buloy, Makol, Gabriel, Adonis at isang Isoy na pawang nagtatrabaho sa isang saw mill sa Purok 4, Brgy. Sandab, Butig. Sinabi ng hindi …

Read More »

CAFGU utas sa saksak ni misis sa Quezon

NAGA CITY – Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) makaraan pagsasaksakin ng kanyang sariling asawa sa Unisan, Quezon kamakalawa. Napag-alaman, nadatnan ng suspek na si Josephine De Oro, 39, ang kanyang asawa na si Isagani De Oro, 51, at isa pang miyembro ng CAFGU sa kanilang bahay habang nasa impluwensiya ng alak. Pinaghihinalaan ng biktima …

Read More »