NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang P12 milyon halaga ng smuggled onions mula sa China sa Manila International Container Port (MICP), ayon sa ulat ng ahensiya nitong Huwebes. Ang kontrabando ay natagpuan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga gulay, kabilang ang sibuyas at iba pa. Nakatago sa anim containers, ang mga sibuyas na misdeklarado bilang mga mansanas, …
Read More »Waiter nangholdap sa milk tea shop
NADAKIP ang isang waiter makaraan holdapin ang isang milk tea shop sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles. Ayon sa suspek bago nangholdap ay nagsimba muna siya sa Quiapo Church at humingi ng tawad sa kaniyang gaga-wing kasalanan. “Sabi ko, Lord kayo na po bahala sa akin kasi wala na po ako malalapitan,” aniya. Gamit ang laruang baril ng anak, pinasok ng …
Read More »Mayor inambus sa munisipyo (Sa Cebu)
PATAY ang alkalde ng bayan ng Ronda sa probinsiya ng Cebu makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob mismo ng munisipyo, nitong Miyerkoles. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Mayor Mariano Blanco III, makaraan pagbabarilin dakong madaling-araw ng Miyerkoles, ayon sa hepe ng Ronda Police Station na si S/Insp. Junior Falcon. Ayon sa ulat, pasado …
Read More »Deputy Commander ng presinto itinumba
PATAY ang isang deputy commander ng presinto sa Pasay City makaraan pagbabarilin, noong Martes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Insp. Allan Ortega, deputy commander ng Police Community Precinct (PCP) 4 sa Libertad. Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa hepe ng Pasay police na si S/Supt. Noel Flores, nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa tama ng bala sa …
Read More »Pinoys sa Libya pinaghahanda na sa paglikas
PINAGHAHANDA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino Community sa Libya para sa posibleng paglikas dulot nang lumalalang kaguluhan sa nasabing bansa. Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, hinimok ang mga Filipino ng voluntary repatriation makaraan magdeklara ng alert level 3 ang Libya dahil sa sunod-sunod na karahasan, at banta sa kaligtasan ng tinatayang 3,500 Filipino …
Read More »87-anyos ama utas sa suicide, asawa, anak manugang niratrat muna
PAWANG sugatan ang mag-ina at isa nilang kaanak makaraan pagbabarilin ng kanilang padre de familia na pagkaraan ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa Calumpit, Bulacan, kahapon. Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Ludovico de Guzman, 87-anyos, sinasabing bumaril sa kaniyang asawang si Adelaida de Guzman, anak na si Janette Gomez, at manugang na si Myrna …
Read More »P.6-M shabu nasabat sa 14 tulak
TIMBOG ang 14 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City, nitong Martes ng hapon. Nakompiska mula sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa P600,000 ang halaga. Ayon sa ulat, isinagawa ng …
Read More »Van na may bomba sumabog sa Basilan
READ: 11 katao patay, 7 sugatan: Van driver ‘foreign’ suicide bomber UMABOT sa 11 katao ang patay makaraan sumabog ang van na may bomba sa military checkpoint sa Lamitan City, Basilan, nitong Martes. Ayon sa mga awtoridad, pinigil ng mga sundalo ang van sa checkpoint malapit sa Magwakit Detachment sa Brgy. Colonia sa Lamitan City, ngunit biglang sumabog nang kakausapin …
Read More »Wanna One returns to Manila! Globe gives PH Wannables a chance for first dibs on tickets
As the purveyor of the Filipino’s digital lifestyle, Globe continues to elevate the Kpop entertainment experience by bringing top acts like EXO, BTS, and Super Junior to the Philippines. Get ready as Globe and PULP Live World team up again to add another act to its blockbuster Kpop concert lineup here in Manila – Wanna One for Wanna One World …
Read More »DREDGING AND DESILTING PROJECT
LC Soliman Marketing and AJ Marketing and Consultancy Services with its Korean Partners formalized a Contract signing last Monday June 18, 2018 at the former’s office in Clark Pamapanga of Ms. Lydia Soliman President of LC Soliman Marketing and Bro. Jhon Mendoza President and Chief Business Consultant of AJ Mktg. Together with its Korean Partners. Ms. Lydia Soliman holds the …
Read More »Junior Filipino Invasion (The search begins)
Pension hike ‘wag nang ipagkait
ASAHAN na ang pagmamaktol ng marami nating senior citizens at iba pang mga pensioner ng SSS sa plano ng administrasyon ng ahensiya na ipagpaliban ang nauna nang pangako ni Pangulong Digong Duterte na ibibigay ngayong taon ang natitirang P1,000 dagdag sa pension hike. Ayon sa SSS, kailangan ipagpaliban muna ang pension hike ngayong taon at maghintay na lang ang mga …
Read More »Enchanted Kingdom: EKstraordinary Mom (FREE ENTRY for MOMS)
6 Pinoy sugatan sa Barcelona attack
TATLO pang Filipino ang iniulat na nasugatan makaraan ararohin ng van ang karamihan ng mga tao sa Spanish City, sa Barcelona nitong Huwebes ng gabi. Sa kabuuan, umabot na sa anim Filipino ang sugatan kasunod ang naunang ulat na kabilang sa mga nasugatang mga biktima ang isang amang Filipino at kanyang dalawang anak na pawang Irish citizens. Ayon kay Philippine …
Read More »Duterte itinuro sa Davao killings (DDS member pinakanta ni De Lima)
HUMARAP sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa extrajudicial killings sa bansa, ang isang miyembro ng sinasabing Davao Death Squad (DDS) na nagpakilalang isang Edgar Matobato. Ayon kay Matobato, nagsimula sila sa grupo na pito lang at ang tawag sa kanila noon ay “Lambada Boys.” Ang trabaho aniya nila ay pumatay ng tao partikular ng mga kriminal. Sinabi ni Matobato, …
Read More »Iregularidad sa PUP nais paimbestigahan kay Pres. Duterte
“HANGGA’T maaari ay gusto namin lutasin ang mga isyu sa loob ng unibersidad pero parang may martial law nga-yon, bawal magsalita, kahit hindi na namin matiis ang baho, dumi at init, kailangan, tahimik lang kami.” Ito ang nagkakaisang ipinahayag ng mga lider ng iba’t ibang samahan ng mga estudyante at mga guro sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa …
Read More »6 tauhan ni Mayor Espinosa utas sa shootout (30 minutong barilan)
TACLOBAN CITY – Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng anim na napatay kasunod nang nangyaring enkwentro kahapon ng madaling araw sa bahay ni Mayor Ronaldo Espinosa sa Brgy. Benolho, Albuera, Leyte. Sa paliwanag ni Senior Supt. Franco Simborio ng Leyte Provincial Police Office (LPPO), nagpapatrolya ang mga pulis sa paligid ng bahay ng mga Espinosa nang biglang …
Read More »PAL nasunog sa ere
NAPILITANG bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Philippine Airlines flight na patundong London, ilang saglit makaraan mag-take off nitong Biyernes dahil sa ‘electronically detected’ na apoy at usok. Sinabi ni Engineer Octavio Lina, Manila International Airport Authority assistant general manager, ang PAL flight PR 720 patungong Heathrow Airport ay lumipad dakong 1:59 pm lulan ang 170 pasahero kabilang …
Read More »‘Dirty Mouth’ ni Duterte ‘di itatago sa SONA
WALANG balak ang premyadong direktor na si Brillante Mendoza na itago ang tinaguriang “bad mouth” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nalalapit na State of The Nation Address (SONA) sa Hulyo 25. Sa panayam ni Ginger Conejero, inihayag ni Direk Brillante Mendoza, hindi tama kung pipigilan si Pangulong Duterte sa kanyang pagpapakatotoo sa sarili lalo na ang matapang at prangkang pananalita. …
Read More »Gov’t workers sisibakin sa sobrang lunch break
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, tanggal agad sa trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na lumalagpas sa kanilang lunch break at tumatakas para mamasyal sa mga mall. Sinabi ni Pangulong Duterte, dapat isipin lagi ng mga manggagawa sa national at local government offices na binabayaran sila ng mga mamamayan para magtrabaho nang walong oras. Ayon kay Duterte, ang …
Read More »Digong may pasabog sa SONA
POSIBLENG may matitinding mga pangalang babanggitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25. Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, bahagi ito nang pagiging transparent ng presidente sa kanyang laban kontra ilegal na droga. Gayonman, tumangging magbigay ng clue si Andanar kung sino-sino ang mga babanggitin ng Pangulo. Abangan na lamang …
Read More »INC indie film panalo sa Madrid Filmfest
NAG-UWI ng karangalan para sa bansa ang indie movie na “Walang Take Two” na iprinodyus ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa katatapos na 2016 Madrid International Film Festival (MIFF) matapos manalo ng Best Film at Best Cinematography in a Foreign Language Film sa award ceremonies na ginanap nitong 9 Hulyo sa kabiserang lungsod ng Espanya. Kauna-unahang obra ng INCinema Productions, …
Read More »PNP-SAF, Marines sa Bilibid malapit na
INAAYOS na ang mga papeles at iba pang requirements kaugnay sa pagpasok ng PNP Special Action Force sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay DoJ Sec. Vitaliano Aguirre ll, lahat ng prison employees ay isasalang sa retraining, reeducation at reassignment habang ang SAF at Marines ang magbabantay sa national penitentiary. Sinabi ni Aguirre, makaraan ang gagawing training ay ipakakalat na …
Read More »Pinoy chef sa UAE 6-buwan kulong sa prostitusyon
PINATAWAN ng anim buwan pagkakakulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) kaugnay sa pagkakadawit sa prostitusyon sa United Arab Emirates (UAE). Ayon sa ulat, isang 29-anyos Filipino chef na nagtatrabaho sa naturang bansa ang sinasabing pumayag na makipagtalik sa dalawang Emirates national sa edad na 21 at 25, nangyari sa isang villa sa Al Barsha noong Nobyembre 2015. Napag-alaman, makaraan …
Read More »P900-M shabu nahukay sa Cagayan
UMAABOT sa P900 milyong halaga ng shabu na nakabaon sa isang farm ang nakompiska ng mga awtoridad sa Claveria, Cagayan nitong Linggo ng gabi. Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Director Ronald “Bato” Dela Rosa, sinalakay ng Anti-Illegal Drugs Group ang tila abandonadong taniman makaraan makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen. Sinabi ni …
Read More »