Saturday , December 6 2025

John Fontanilla

Ricky Gumera, pang MMK at Magpakilanman ang kuwento ng buhay

MAKULAY at masalimuot ang buhay na ponagdaanan ng isa sa lead actor ng kaabang-abang na pelikulang Anak ng Macho Dancer na si Ricky Gumera habang siya’y lumalaki, kaya naman tunay ngang pang-MMK at Magpakailanman ang kuwento ng kanyang  buhay. Lumaki ito sa isang squatter community sa Cavite sa pangangalaga ng kanyang Lolo’t Lola na inakala niyang siyang tunay niyang mga magulang na kalaunan ay nalaman niyang Lolo at …

Read More »

Ron Angeles, instant sikat dahil sa Ben x Jim

ISA sa inaabangan sa click BL series  na Ben x Jim na pinagbibidahan nina Teejay Marquez bilang si Ben at Jerome Ponce bilang si Jim ang character ni Olan, isang courier na ginagampanan ni Ron Angeles. Bukod sa pagiging regular courier ni Ben, may lihim itong pagtingin kay Jim kaya naman maraming manonood ang kinilig sa pa-sweet nitong eksena na pinagselosan naman ni Jim. Kaya nabuo sa …

Read More »

Kitkat, inuulan ng suwerte kahit may pandemya

INUULAN ng suwerte si Kitkat dahil sunod-sunod ang dating ng magagandang proyekto sa kanya. Regular itong napapanood sa noontime show nila nina Janno Gibbs at Anjo Yllana sa Net25,  ang Happy Time  na ani Kitkat ay sobrang laking blessing dahil dito niya naipakikita ang kanyang versatility bilang artist. Dito rin kasi ay naipakikita niya ang talent sa hosting, pagkanta, at pagsayaw. Malaking bagay ang pagkakasali niya sa Happy Time dahil tuloy-tuloy ang …

Read More »

Yorme at RS Francisco, kinilala sa Asia Leaders Awards 2020  

KALIWA’T kanan ang pagtanggap ng award ni Frontrow CE0/President  RS Francisco kabilang ang Philantropist of the Year sa Leaders Awards 2020 . Ang Leaders Awards ay ang pinaka-malaking award giving body sa Southeast Asia na nagbibigay parangal sa mga Outstanding Individuals sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia. Kasabay na tumanggap ng Leaders Awards 2020 ni RS si Manila Mayor Isko Moreno na champion din sa pagseserbisyo …

Read More »

Kitkat, Gawad Amerika 2020 awardee

TUMANGGAP ng panibagong award ang comedian actress host na si Kitkat, pero this time ay pang-international NA ang beauty niya dahil sa Amerika ang parangal na natanggap nito via Gawad Amerika 2020. Kaya naman bukod sa sangkaterbang guestings at endorsement nito at regular noontime show sa Net 25, ang Happy Time kasama sina Janno Gibbs at Anjo Yllana ay sunod-sunod din ang parangal na natatanggap. At ang latest nga ay …

Read More »

Net 25, aariba sa paghahatid ng mga bagong show

MARAMING bagong show ang hatid ng Eagle Broadcasting Corporation, Net 25 mula sa mga maniningning na bituin sa showbiz. Mga show na tiyak aabangan at kalulugdan ng mga manonod katulad ng mga nauna nitong mga programa ng Moments ni Gladys Reyes, Unlad Kaagapay sa Buhay ni Robin Padilla, Kesaya Saya nina Vina Morales, Sherylene Castor, Diego Salvador, Robin at marami pang iba; at Himig ng Lahi nina Pilita Corrales at Darius Razon. Ilan naman sa mga bagong programa ng …

Read More »

Yayo Aguila, masayang-masaya sa pagwawagi sa Gawad Urian

ITINANGHAL na Best Supporting Actress sa  katatapos na 43rs Gawad Urian 2020 ang mahusay na actress na si Yayo Aguila para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Metamorphosis kabituin si Gold Aseron na naging nominado rin sa Gawad Urian. Habang itinanghal namang Best Actress si Janine Gutierrez (Babae at Baril) at Best Actor naman si Elijah Canlas  (Kalel15) at Best Supporting Actor si Kristoffer King (Verdict). Post ni Yayo sa kanyang FB account, “J.E. Tiglao 6 nominations ka! Thank …

Read More »

Bidaman Miko, kasama sa movie nina Melai, Jolina, at Karla

ISA sa maituturing na pinakaabala at maraming ginagawang proyektong ginagawa ay ang Bidaman ng It’s Showtime  at artist ng Mannix Artist and Talent Management ni Mannix Carancho, si Miko Gallardo. Ayon sa  Marketing Director ng Mannix Artist and Talent Management na si Amanda Salas, isa si Miko sa kasama sa cast ng  pelikulang Soul Sisters na pinagbibidahan nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal. Makakasama rin dito sina Bidaman Eris, Bidaman Johannes, DJ Jaiho, Juliana Parizcova, Pia …

Read More »

Rhea Tan, Mega Woman sa Mega Magazine

LABIS-LABIS ang pasasalamat ng CEO and President ng Beautederm, Rhea Anicoche-Tan sa pagiging Mega Woman ng Mega Magazine sa kanilang November 2020 issue. Tunay nga namang Mega Woman si Rei dahil na rin sa sobrang laki ng puso nito pagdating sa pagtulong sa mga kababayan nating mga Filipino lalo nang magkaroon ng pandemic na nagbenta siya ng kanyang personal na gamit para makalikom ng salapi. …

Read More »

Bidaman Jervy, sunod-sunod ang blessings

MASUWERTE ang Bidaman na si Jervy Delos Reyes dahil sunod-sunod ang proyektong dumarating sa kanya. Una na ang pagiging alaga ng Mannix Artist and Talent Management ni Mannix Carancho at ang pagkakasama sa historic movie na Battle of Balangiga 1901. Sobrang happy ang hunk actor sa sobrang blessings na dumarating sa kanya lalo’t maganda ang role na ibinigay sa kanya sa ng JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna para sa Battle of …

Read More »

Anthony Rosaldo, naluha nang manalo sa Guillermo Memorial Foundation

HINDI maiwasang maluha ni Anthony Rosaldo nang manalo sa katatapos na Guillermo Memorial Foundation 51st Box Office Awards bilang Most Promising Male Recording Artist of the Year. Kuwento ni Anthony, “Crying moment, sobrang nakaka-lift po ng spirit. “Sa time po kasi ngayon na no big deal for me kasi napakaraming malungkot na news kaya etong award po nakapagbigay ng hope po sa akin. “Napakaagang Christmas Gift …

Read More »

Neil Coleta, ratsada sa paggawa ng pelikula

KAHIT pandemic, ratsada sa rami ng trabaho si Neil Coleta na dalawang pelikula ang magkasunod na gagawin. Ngayon nga ay naka-lock-in ito sa Pampanga ng ilang araw para sa shooting ng No Premanent Adress kasama ang iba pang cast. Ayon kay Neil, “Naka-lock-in po kami ngayon sa Pampanga. Maganda itong film  kasi sa title pa lang, alam mo ng kakaiba ito. Bukod sa mahuhusay na …

Read More »

Dance challenge ni Tiktok Superstar Karl Limpin, sikat sa ibang bansa

MULA sa pagiging sikat sa Tiktok, balak ding pasukin ni Karl Limpin, na may more than 500k followers sa Tiktok ang mundo ng showbiz. At dalawa nga sa gusto nitong makapareha ay ang dance princess na sina AC Bonifacio at Jillian Ward. “Si AC po kasi magaling sumayaw, kaparehas ko po na passion ang dancing. Kaya dream ko na makasama at makahatawan siya sa dance floor.. “Gandang-ganda …

Read More »

Kim, happy sa pagbabalik-trabaho (matapos matengga ng ilang buwan)

HAPPY si Kim Rodriguez dahil pagkatapos ng ilang buwang nabakante sa trabaho, unti-unting dumarami ang proyektong dumarating sa kanya.   Ayon kay Kim, “Nakatutuwa po kasi after ilang buwan na wala talaga akong  proyekto dahil sa Pandemic Covid-19, eh heto at unti-unti nang dunarami ang proyekto ko.   “Simula po kasi nang pinayagan ulit mag-taping at mag- shooting natuloy na rin ‘yung mga …

Read More »

 MJ Cayabyab, nag-online business na rin

DAHIL usong-uso ang online selling, pinasok na rin ito ng Viva artist/singer na nag-revive ng awiting Larawang Kupas, si MJ Cayabyab na pagkain ang ibinebenta.   Nagnegosyo muna si MJ dahil mahina ang raket sanhi ng Covid-19 pandemic.   Ani MJ, “Wala pa masyadong raket Tito John, kaya nag-isip ako ng puwedeng sideline na puwede pagkakitaan at naisip ko nga ang online food business dahil medyo …

Read More »

RS, sinusuyod ang buong Pilipinas para makatulong

NAPAKALAKI ng puso ng puso ni Raymond RS Francisco na halos buong sulok ng Pilipinas ay sinusuyod para makapaghatid ng tulong.   Hindi man ito personal na nakakapunta dahil na rin sa sitwasyon ng bansa dulot ng Covid-19 pandemic, nariyan naman ang kanyang Frontrow team para umalalay.   Ilan nga sa mga bagong natulungan ni Raymond at ng Frontrow ay ang market vendors, security …

Read More »

Dedication at hardwork, sikreto ni Joel Cruz sa matagumpay na negosyo

MATAGUMPAY ang grand opening/blessing ng bagong negosyo ni Joel Cruz, ang TakoyaTea (takoyaki at milktea)  kahapon sa Sampaloc, Manila. Business partners ng tinaguriang Lord of Scent ang kanyang pamangking sina Avic at partner nitong si Royce Ramos, kapatid na si  Michael at asawang si Dol Cruz. Hatid ng TakoyaTea ang masasarap na flavors ng Takoyaki  at milktea,  gyoza, at okonomiyaki. Sa tagumpay ng Aficionado Germany Perfume na …

Read More »

Pa-topless ni Teejay, bitin (Ben X Jim trailer, naka-5.8M views)

UMABOT na sa 5.8 million views ang trailer ng BL series ng Regal Entertainment, ang Ben X Jim nina Teejay Marquez at Jerome Ponce na idinirehe ni Easy Ferrer at napapanood na sa Regal Entertainment YouTube Channel & Facebook Sobrang happy nga nina Teejay at Jerome sa magagandang komento sa una nilang pagsasama sa isang proyekto. Marami ang nabitin sa pa-topless ni Teejay na sana raw ay hinabaan ni Direk Easy, habang …

Read More »

Bea, bilib sa galing ni Alden

ISA si Alden Richards sa pangarap na makatrabaho ni Bea Alonzo. Nagkasama ang dalawa sa isang shampoo commercial na kinunan pa sa Thailand na ang buong akala ng marami, pelikula ang ginagawa ng dalawa, pero commercial pala. Napabilib kasi si Bea nang makatrabaho ang Pambansang Bae sa pagka-professional nito at napakabait kaya naman puro papuri kung ilarawan nito ang Kapuso actor. Dream come true para …

Read More »

Ynna, 14 yrs. ang hinintay bago nagbida

SOBRANG saya ni Ynna Asistio dahil after 2 1/2 years ay muli siyang nakabalik sa pag-arte. At hindi lang basta pag-arte dahil bida pa siya sa kauna-unahang drama series ng Net 25, ang Ang Daigdig Ko’y Ikaw with Geoff Eigennman. After 14 years, ito ang kauna-unahang pagbibida ni Ynna sa isang drama series simula nang pinasok ang pag-aartista. Kuwento ni Ynna, nag lie-low siya sa showbiz …

Read More »

 FDCP’s PPP4, 145 pelikula ang ipalalabas   

PPP Pista ng Pelikulang Pilipino cinema film movie

SAMA ALL ito ang tema ng PPP4 na 145 pelikula ang ipalalabas ng Film Development Council of the Philippines ( FDCP ) sa pangunguna ng Chairwoman nitong si Liza Diño-Seguerra na magsisimula sa October 31-November 15 sa FDCP Online Channel, FDCPchannel.ph platform.    At sa ika-apat na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) itatampok ang mga pelikula mula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, QCinema International Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, Sinag …

Read More »

Julie Anne, gustong makagawa ng kanta para sa ibang singer

BUKOD sa pag-awit, pag-arte, at pagho-host, ang pagsusulat ng awitin ang isa sa kinakarir ngayon ng isa sa host ng The Clash season 3 at Saunday All Stars, si Julie Ann San Jose. Para hindi naman para sa kanya lang ang mga aawiting kanyang gagawin, gusto rin nitong kantahahin ng iba ang kanyang mga composition. Masarap kasi sa pakiramdam ng isang singer/composer  na …

Read More »

Ima Castro, may sarili ng restaurant sa Taal

BUKOD sa pag-awit, pinasaok na rin ang restaurant business ni Ima Castro, ito ay ang Casa Conchita, Bed and Breakfast sa Taal Batangas.   Ayon kay Ima, “Medyo humina ang raket simula nang magkaroon ng Covid-19 Pandemic.   “Mostly ng mga naka-schedule kong gig na-cancel o ‘yung iba naman nare-sched, pero wala pang ibinibigay na exact na date.   “Kaya naman nag-isip ako kung …

Read More »

Ynna at Geoff, magbibida sa romantic drama series ng Net 25

MAGBIBIDA sa kauna-unahang romantic drama series ng Net 25 sina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann, ang Ang Daig ko’y Ikaw na  mapapanood na simula November 14, Saturday, 8:00 p.m. with replays every Sunday, 5:30 p.m. na idinirehe ni Eduardo Roy Jr..   Makakasama nina Ynna at Geoff sina Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, Richard Quan, Adrian AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Arielle Roces, Jiro Custodio, Shiela Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, …

Read More »

Bahay ni Paolo, parang higanteng Christmas gift

CHRISTMAS is fast approaching. AT dahil pumasok na ang buwan ng ber, ilang tulog na lang at Christmas na! Kaya naman kanya-kanya ng dekorasyon sa mga bahay ang ginagawa ng bawat Pinoy kahit na may Covid-19. Pero para na rin sa spirit of Christmas at para magdala ng goodvibes sa bawat pamilyang Pinoy, maraming Pinoy ang maagang naglagay ng Christmas …

Read More »