Thursday , June 4 2026

Jos Garcia susubok sa pagho-host

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA ang Pinay Japan based singer na si Jos Garcia na pinasok na ang pagho-host. Mayroon na itong sariling TV show, ang Goodvibes with Jos Garcia na mapapanood sa Best TV 31 tuwing Sabado, 1:00-2:00 p.m..

Amg TV show ni Jos ay may mga segment na Magkano ang sa’yo?, Presyo mo? bayad ko! na may pahuhulaang produkto  na ang makahuhula ay magwawagi produktong pinahulaan.

‘Di rin mawawala ang kantahan dahil aawitan ni Jos ang manonood sa segment na Love Letter, Ang Themesong ng Sulat Mo na after basahin ang napiling sulat ay aawitin nito ang request song ng letter sender.

‘Di lang ‘yan dahil mayroon din itong Free Legal Advice & Guidance sa kanilang segment na FLAG, na puwedeng magtanong ang mga manonood kaugnay sa kanilang legal problems na sasagutin naman ng mga sikat na attorney sa bansa.

Mayroon din itong segment na Moshi Moshi Ano Ine? na magtuturo si Jos ng basic Nihongo (Nihongo made easy).  At dito din malalaman ang iba’t ibang tradisyon at kultura sa Japan.

Kaya naman tutok na tuwing Sabado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …