Thursday , December 19 2024

Ed Moreno

Libong nag-enroll sa ALS ikinatuwa ng DepEd

UMAABOT sa 89,000 ang mga nag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) ngayong Brigada Eskwela na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd). Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ang programa ay para umano sa dropouts at matatandang nais bumalik sa pag-aaral. Aniya, ang pagtaas na naitala ng kagawaran ay bahagi lamang ng ALS special registration booths sa mga Brigada Eskwela. Pinasalamatan …

Read More »

Police killer timbog sa Antipolo (6 pa target ng PNP)

arrest prison

ARESTADO ang pangu­nahing suspek sa pagpatay sa isang pulis na binaril sa ulo noong Linggo ng mada­ling-araw, habang target ng mga awtoridad ang anim pa niyang kasamahan. Iniharap kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde kahapon sa press conference sa Camp Crame, ang suspek na si Crispin Fortin, ang gunman sa pag­paslang kay PO3 Don Carlo Mangui. Siya ay nadakip …

Read More »

61-anyos doktor nagbaril sa ulo

dead gun

PATAY ang 61-anyos doktor makaraan uma­nong magbaril sa ulo sa loob ng kanyang opisina sa Antipolo City, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP provincial director, S/Supt. Lou Evangelista, kinilala ang biktimang si Dr. Rodolfo Rabanal y Cabanilla, nakatira sa Blk. 26, Lot 21, Sam­paguita St., Valley Golf, Brgy. Mambugan sa lungsod. Ayon sa pahayag ni …

Read More »

P3-M shabu, kush kompiskado sa buy-bust sa Cainta (2 misis ng inmates arestado)

UMAABOT sa P3 mil­yon halaga ng shabu at high grade marijuana ang nakompiska ng mga tauhan ng Drugs En­force­ment Unit (DEU) sa ikinasang buy-bust operation sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PRO4-A Calabarzon regional director, C/Supt. Guil­lermo Eleazar ang mga arestado na sina Mi­chelle Baylon at Laika Vera, kapwa asawa ng mga inmate sa Bicutan na sina Evan …

Read More »

3 drug pusher timbog sa Marikina

shabu drug arrest

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Unit ng Marikina City PNP kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Efren Canieso, 21; Angela Canieso, 18, at Marvin Canieso, 24, pawang mga residente sa 19 Missouri St., Brgy. Malanday ng lungsod. Nakompiska mula sa mga suspek ang walong plastic …

Read More »

Albularyo tiklo sa fetus at baril

arrest posas

RODRIGUEZ, Rizal – Isang albularyo ang nakompiskahan ng mga pulis ng bangkay ng isang 7-buwan gulang na fetus at ilang baril sa kanyang bahay sa bayang ito, kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ng suspek na si Randy Picardal, 37, dahil sa mga ulat na nagtatago siya ng ilegal na baril, ayon …

Read More »

2 SAF patay, 6 sugatan sa ambush sa Antipolo (Opensiba inamin ng NPA)

CPP PNP NPA

NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang anim na operatiba ng Special Action Force (SAF) at sinabing na­wawala ang dalawa nilang kasama na pinaniniwalaang patay na ma­karaan tambangan ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang pauwi sa kanilang barracks sa Antipolo City, kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ng Rizal PNP, kinilala ang mga sugatan na sina …

Read More »

3 sugatan sa sunog sa Mandaluyong

SUGATAN ang tatlo katao habang 30 bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang junk shop na puno ng “highly-combustible materials” o materyal na madaling masunog tulad ng plastik at diyaryo. Ayon sa Bureau of Fire …

Read More »

2 tulak ng ecstasy, cocaine tiklo sa Mandaluyong

ARESTADO sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng party drugs, kabilang ang liquid ecstasy, at cocaine, sa Mandaluyong City. Ayon sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng PDEA Special Enforcement Service ang mga suspek na sina Lester Almalbez, 35, at Harold Peñaflor, sa buy-bust operation sa Princeville Condominium sa nabanggit na lungsod, …

Read More »

Suspek sa bank teller na ginahasa’t pinatay, arestado

mabel cama

ARESTADO ng pulisya nitong Linggo, ang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos bank teller sa Pasig City. Kinilala ni Pasig police chief, Senior Supt. Orlando Yebra ang suspek na si Randy Oavenada, empleyado at residente sa isang abandonadong office building. Tumugma aniya ang mga fingerprint ni Oave­nada sa mga sample sa cellphone na narekober malapit sa bangkay …

Read More »

8 patay sa selfie

PATAY ang walo katao nang gumiwang ang bangkang walang katig na kanilang sinasakyan dahil sa pagse-selfie sa isang fishpen sa Laguna de Bay na pinagdarausan ng birthday party sa Binangonan, Rizal kamakalawa ng hapon. Pinalad na makaligtas ang limang kasama ng mga nalunod na biktima. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Neymariet Mendoza; Malou Gimena, 39; Mari-lou Barbo …

Read More »

1 patay, 7 sugatan sa jeep vs motorsiklo

road traffic accident

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas gayondin ang anim pasahero ng isang jeep makaraan magbanggaan ang dalawang sasakyan sa lungsod ng San Juan, kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Dominic Peñaflor, nasa hustong gulang, at nakatira sa Makati City. Siya ay na-sandwich ng pampasaherong jeepney at poste ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Samantala, …

Read More »

Dadalaw sa GF natagpuan sa morgue

dead

BANGKAY na nang matagpuan sa morgue ng mga magulang ang 21-anyos anak na lalaki na nagpaalam gamit ang kanilang kotse na dadalaw sa kasinta-han, sa Teresa, Rizal kamakalawa. Sa ulat ng Rizal PNP, kinilala ang biktimang si Jimwell Ca-rigma, tricycle driver, at naka-tira sa Brgy. San Guillermo sa bayan ng Morong, lalawigan ng Rizal. Sa pahayag ng ama na si …

Read More »

Mag-asawa niratrat, misis patay (Mister dating asset ng pulis)

dead gun police

PATAY ang isang ginang habang kritikal ang kanyang mister makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng motorsiklo sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang namatay na si alyas Nene, habang agaw-buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang mister niyang si Benedicto Talpe, dating police asset, kapwa nakatira sa Phase-1F Suburban, Brgy. San Jose, sa nabanggit na lugar. …

Read More »

100 pamilya nasunugan sa Mandaluyong

fire sunog bombero

UMABOT sa mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan masunog ang isang residential area sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Mandaluyong City Fire Marshall C/Insp. Ro-berto Samillano, Jr., dakong 1:30 am nang magsimula ang sunog sa Block 37, Brgy. Additionhills ng nabanggit na lungsod. Napag-alaman, nagsimula ang apoy sa inuupahang bahay ng isang nagngangalang “Joy” na pag-aari …

Read More »

‘Yuppie’ nireyp ninakawan ng katagay (Nakilala sa gimikan)

rape

DALAWANG beses nang ginahasa, ninakawan pa ang isang 29-anyos young professional (yuppie) ng isang lalaking nakilala sa gimikan sa Antipolo City, kamakalawa ng madaling-araw. Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Mike Guzman, 25- anyos, nakatira sa Volleygolf Subd., Brgy. Mambugan, sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ni PO3 Jasmine Menor, unang nangyari ang panghahalay sa biktimang si “Rodora” …

Read More »

Pampi Jr nagpalusot ng barko-barkong semento (Faeldon niresbakan si Ping)

IBINUNYAG ni dating Customs commissioner Nicanor Faeldon, sangkot sa cement smuggling ang anak ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na si Panfilo “Pampi” Lacson, Jr. Inihayag ito ni Faeldon sa ginanap na press conference sa Taytay, Rizal, kahapon. Isiniwalat ng dating Customs commissioner makaraan idawit ni Lacson ang kanyang pangalan sa sinasabing mga tumanggap ng ‘tara.’ Ayon kay Faeldon noong Hulyo …

Read More »

P1.8-M shabu nadiskobre sa nagliyab na motorsiklo (Sa Antipolo City)

NADISKOBRE ng mga tauhan ng Antipolo PNP ang 280 grams ng shabu, tinatayang P1.8 milyon ang halaga, sa nagliyab na motorsiklo habang tumakas ang suspek nang makita ang nagrespondeng mga pulis sa lungsod ng Antipolo kahapon. Sa ulat ni Insp. Rolly Baylon, PCP-1 commander, kinilala ang suspek na si Rick Santos, 42, nakatira sa 09 Doña Justa Subd., Angono, Rizal. …

Read More »

Ex-editor, utol binistay ng ‘hired killer’

PATAY ang dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng Department of Finance, at kapatid niyang negosyante, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang sakay ng kotse sa San Juan City, kamakalawa. Kinilala ni EPD director, C/Supt. Romulo Sapitula, ang mga biktimang sina Michael Marasigan, dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng DoF, at kapatid niyang negosyante …

Read More »

4 DEU police ng Antipolo tiklo sa P50K extortion

ARESTADO sa loob mismo ng Antipolo PNP ang apat tauhan nito na nakatalaga sa Drugs Enforcement Unit (DEU), makaraan hingian ng P50,000 ang hinihinalang bigtime drug pusher na kanilang inaresto kamakailan. Kinilala ni Supt. Raynold Rosero, chief of police, ang mga nadakip na sina SPO1 Ginnie San Antonio, PO2 Randolph Opeñano, PO2 Erwin Fernandez, at PO1 Alejo de Guzman, pawang …

Read More »

Sinibak na hepe ng Binangonan PNP sugatan sa ambush

gun shot

  NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang dating chief of police ng Binangonan PNP, makaraan tambangan habang papasok sa trabaho sa Antipolo City, kahapon ng umaga. Sa ulat kay S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, kinilala ang biktimang si Supt. Noel Verzosa, kasalukuyang nakatalaga sa personnel division ng PNP Region-IV (Camp Vicente Lim) Laguna. Sa imbestigasyon, dakong 7:00 am …

Read More »

Babaeng fiscal utas sa tandem (Sa Rizal)

dead gun police

  BINAWIAN ng buhay ang isang lady assistant prosecutor makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Dolores, Taytay, Rizal, kamakalawa ng hapon. Sa ulat kay S/Supt. Albert Ronatay, kinilala ang biktimang si Atty. Maria S. Ronatay, Rizal assistant prosecutor, habang tumakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa bahagi ng Kaytikling sa nabanggit na lalawigan. Ayon sa imbestigasyon, dakong 5:00 …

Read More »

FB group gamit sa drug trade, 8 arestado sa buy-bust

  ARESTADO ang walo katao na ginagamit ang isang private Facebook group sa pagtutulak ng droga, sa ikinasang mga buy bust operation ng mga awtoridad, sa lalawigan ng Rizal. Hindi alam ng mga suspek, isang ‘tanim’ ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nakapasok sa kanilang chat group. Sa screen shots sa chat ng FB group, mababasa ang transaksiyon sa bentahan …

Read More »