Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Catriona, sinalubong ng wagayway ng watawat ng Filipinas at awitin ng Lupang Hinirang

Catriona Gray

NANG manalong Miss Universe si Catriona Gray, nabuksan ang isipan natin sa napakaraming katotohanan na hindi natin napansin noong araw. Natatandaan ba ninyo iyong panahong kung ano-anong national costume ang ipinagagamit sa ating Miss Universecandidates, mga damit na hindi naman talaga Pinoy kasi ginagawa pala ng isang Columbian designer. Ngayon Pinoy ang gumawa mismo, hindi ba nanalo? Pinoy ang gumawa ng formal gown, panalo …

Read More »

Monching, malaya nang makakahanap ng makakasama sa buhay

TAHIMIK lang si Ramon Christopher sa balitang nagpakasal na ang dating asawang si Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese boyfriend ng ilang taon na rin. Matagal na rin namang hiwalay sina Lotlot at Monching dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan. Ang mga anak nila ay nanatili kay Lotlot, pero suportado naman sila ni Monching at ang maganda nga nanatili naman silang magkaibigan …

Read More »

BF ni aktres, unang natikman ni gay TV host

PINAGTATAWANAN ng isang gay TV host ang isang female star. Kasi sinasabi nga ng gay tv host na ang ipinagmamalaking boyfriend ngayon ng female star ay naging boyfriend na niya noong araw pa. Sabi ng gay tv host, “second hand na ang nakuha niya”. Kung mayroon mang ganoong nakaraan eh bakit naman uungkatin pa? At saka noon ba naman ay masasabing in love sa kanya …

Read More »

Catriona, puwedeng isabak sa pelikula at itambal kay Daniel

TIYAK iyon, kahit na isang taon pa bago maharap ni Miss Universe Catriona Gray ang showbusiness kung sakali, marami na ang mag-aabang at kukumbinsi sa kanya na pasukin ang industriya. Palagay namin kung papasukin niya ang pagiging artista, puwede dahil napakalakas ng kanyang following. Sa nakita naming ginawang pagsubaybay sa kanya ng mga tao kahit na sa social media bago pa man …

Read More »

John Lloyd, balik-ABS-CBN na, nakipag-usap na rin sa mga boss

TOTOO ba iyong narinig namin na nagpunta na si John Lloyd Cruz sa ABS-CBN, at nakipag-usap na sa mga boss tungkol sa kanyang pagbabalik? Hindi kami magtataka kung totoo. For practical reasons, sa anong hanapbuhay maaaring kumita si John Lloyd ng kasing laki ng kita niya bilang isang actor? Kung sabihin mang napakarami niyang naipong pera, nagpapatayo siya ng bahay na titirhan nila …

Read More »

Pamilya, haharapin muna ni Ate Vi

“ITONG Christmas vacation ang bibigyan ko naman muna ng panahon ko ay ang pamilya ko,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos. Eh kasi totoo naman na minsan-minsan lang sila magkasama bilang isang buong pamilya dahil na rin sa kanilang mga trabaho. Nagkakaroon lamang sila ng panahon na magkasama-sama kung may mga ganyang bakasyon. Minsan nga bakasyon na may kailangan pa ring intindihin. …

Read More »

Sunshine, ‘di sanay sa eskandalo

Sunshine Cruz

SI Sunshine Cruz iyong nasanay kasi at lumaki sa kanilang pamilya na tahimik, walang mga gulo, walang eskandalong kinasangkutan at walang masamang record. Kaya nga siguro naiilang siya kung natatanong tungkol sa mga issue na hindi maganda, lalo na kung wala naman siyang kinalaman talaga. “Hindi kasi ako sanay talaga sa magulo. Ayoko nang ganoon eh, lalo na at hindi naman ako …

Read More »

Model dancer, wasak na ang career, pagpasok pa lang ng showbiz

blind mystery man

NAGSISIMULA pa lang na pumasok ang isang model dancer sa showbusiness ay wasak na siya agad. Iyon ay dahil sa hindi mapigilang pagkalat ng kanyang nagawang sex video noong araw, na nananatili pa ring naka-post sa isang gay porn site. Iyan ang sinasabi namin eh, hindi nag-iisip ng mabuti. Maalok lang ng pera sige na. Ngayon pati kinabukasan niya wasak na. (Ed de …

Read More »

Goma, umamin: maiiyak ‘pag nag-asawa na si Juliana

LATELY, napansin naming bukod sa kanyang mga ginagawang proyekto sa Ormoc, walang laman ang mga social media accounts ni Mayor Richard Gomez kundi ang kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres Gomez. Nakatutuwang isipin na matapos ang maraming taon ng kanilang pagsasama ay para pa rin silang nagliligawan hanggang ngayon. Aminado naman si Goma na marami siyang naging girlfriends in the past. Hindi …

Read More »

ABS-CBN, sumusubok pumasok sa iba’t ibang media platforms

ABS-CBN Studio Experience

BAGO ang kanilang Christmas party, pinapunta muna ng ABS-CBN sa kanilang Studio Experience, isang gaming attraction sa isang Quezon City mall. Ang tema ng kanilang mga attraction ay mga show ng ABS-CBN. Ganito rin ang narinig naming plano nilang itayo, nang mas malaki sa San Jose del Monte Bulacan, na inaasahang lilipat ang network mula sa kanilang studios sa Quezon City. Isa rin …

Read More »

Aktres, nagpa-panic na

blind item woman

TOTOO ba iyong tsismis Tita Maricris na nagpa-panic na rin daw ngayon ang pra la la la natics ng isang female star dahil lumalabas ngayong ang talagang problema pala ay hindi ang pinalalabas nilang problema kundi ang pagka-psychotic ng kanilang kliyenteng kilala namang luka-luka from the very start? Totoo iyan talagang napakahirap ipagtanggol ang may tililing. Ang nagtitiyaga lang sa ganyang trabaho ay iyong …

Read More »

Male starlet, balik sa dating ‘gawi’

blind mystery man

NANG mawala na ang raket ng isang male starlet sa isang probinsiya, balik siya ng Metro Manila at nagsimula na namang tawagan si direk at iyong iba pa niyang “friends”. Kagaya ng dati, kailangan kasi niya ng pera. Iyon naman palang girlfriend niya na naka-live in niya sa probinsiya at siyang nagsusustento sa kanya noon ay napuno na rin siguro …

Read More »

Doc Perez, pinarangalan sa Walk of Fame Phils.

NOONG Lunes, hindi man masyadong maingay kagaya noong dati, nadagdagan na naman ang mga artistang pinarangalan sa Walk of Fame Philippines na sinimulan noon ng master showman na si Kuya Germs. Sampung personalidad na naman ang pinarangalan sa pangunguna ni Dr. Jose Perez. Si Doc Perez na dating producer ng Sampaguita Pictures, ang sinasabing isa sa pinaka-mahusay na star builder …

Read More »

Indie produ, namamalimos ng audience

Movies Cinema

PINAG-UUSAPAN nila noong isang araw, marami raw mga artista ang sumasali sa mga tiangge sa kung saan-saan. Mabuti naman iyon dahil nakadaragdag ng kita nila. Aminin natin na hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nakababawi ang industriya dahil karamihan ng producers na bago, ang ginagawa ay mga low budget na indie, na siyempre low budget din ang bayad sa …

Read More »

Coco, dream come true na makasama si Vic; pagiging metikuloso, ipinairal

DOON sa kanilang mga kuwento, mukhang pumasok nga ang mga bagong idea sa comedy, kasi ang kuwento ni Coco Martin, matapos na masigurong magkakasama sila ni Vic Sotto riyan sa pelikula nilang Jack Em Popoy, talagang tinawag niya agad ang mga nasa creative team nila, nag-usap sila at sinabi niyang kailangang isipin na nila ang pinakamagandang magagawa para sa proyektong iyon. Eh kasi nga dream …

Read More »

Richard, mas gustong makita ng fans bilang loverboy

IBA pa rin talaga ang dating ni Richard Gutierrez. Comedy ang role na nasabakan niya ngayon, kasi isa siya sa mga leading men sa Fantastika, pero ang nakikita naming umiibabaw pa rin ay iyong matinee idol image ni Richard. Sa totoo lang, parang mas gusto ng fans na makita si Richard na lover boy sa kanyang mga pelikula. Tandaan ninyo ha, si …

Read More »

Sharon movie, ‘di kumita dahil sa maling formula (‘di dahil sa pagboykot ng dilawan)

Kathryn Bernardo Sharon Cuneta Richard Gomez Freddie Webb Liza Lorena

ANG lakas ng tawa namin doon sa comment na kaya raw nababolang sa takilya ang huling pelikula ni Sharon Cuneta ay dahil may political boycott. Ang itinuturo pa nilang dahilan ay dahil tila dumikit daw si Sharon kay Pangulong Digong, at “hindi iyon nagustuhan ng mga dilaw”. Bakit masasabi ba nilang mga “dilaw” ang nagpasikat kay Sharon? Hindi naman si Sharon ang dumikit kay …

Read More »

Mga bisita ng SPEEd sa Christmas Party — People who matter

NAROON kami noong Christmas party ng SPEEd, o Society of Philippine Entertainment Editors. Iyan ang samahan ng mga entertainment editor ng mga lehitimong diyaryo. Kung hindi lehitimo ang diyaryo mo, wala ka riyan. Iyan ang isang award giving body din na dinadaluhan namin ang mga okasyon, kasi alam namin na iyang SPEEd, iyan ang nagbibigay ng awards na hindi “nabibili”. Subukan mong …

Read More »

Ai Ai, naglabas ng sentimyento sa mga dating kaibigan

NAPANGITI na lang kami roon sa kuwento ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas. Noon daw panahong ang pelikula niya ay puro malalaking hits, at ang tinutukoy niyang panahon ay noong sunod-sunod pa ang kanyang Tanging Ina series, basta nagkasakit siya ang dami-daming nagpapadala ng mga bulaklak sa ospital. Kasi noong mga panahong iyon, madalas pa siyang atakihin ng asthma, …

Read More »

Jake, iprioridad ang boses bago ang pakikipag-engage

NATAWA naman kami roon sa kuwentong iyon daw si Charice Pempengco, na alyas Jake Zyrus na ngayon ay engaged na sa kanyang girlfriend na kinilalang isang Shyre Aquino. Eh ano ba naman ang value ng kuwentong iyon? Hindi lang naman ngayon nakipag-engage iyang si Charice, hindi ba noong araw ay iyan din ang sinabi niya sa dating live in partner …

Read More »

Pang-walwal ni male star, iniaasa sa mga bading na naghihintay ng ‘himala’

MINSAN mahirap din naman ang pogi. Isipin ninyo iyong isang male star, pogi talaga. Sikat naman siya. Aakalain ba niyang siya ay matotorotot pa ng kanyang non-showbiz girlfriend? Siyempre ang sama ng loob niya dahil alam ng lahat ng mga kaibigan nila na natorotot siya. Gabi-gabi tuloy nagwawalwal siya. Madalas sa mga watering holes sa Makati at Taguig. Ang nakatatawa lang, iyong …

Read More »

Coco Martin, mabilis naaksiyonan ang problema ng Ang Probinsyano

Oscar Albayalde Coco Martin PNP FPJ’s Ang Probinsyano

TINGNAN ninyo, nagkita lang sina Coco Martin at Secretary Eduardo Ano, kasama ang producer ng show na si Dagang Vilbar, at mabilis silang nagkaintindihan. Naipaliwanag nila nang maayos kay Secretary ang kanilang punto, at nalaman din naman nila kung ano ang damdamin ng pulisya sa kanilang serye. Ang sumunod na meeting, nagkita sina Coco kasama ang ilang executives ng ABS-CBN, at …

Read More »

Trabahong para sa mga Pinoy, inaagaw ng mga dayuhan

  PINAG-UUSAPAN ang pagdagsa sa bansa ng mga Chinese national, at natawag ang aming pansin sa posisyon ng Bureau of Immigrations. Ang sabi nila basta raw entertainers, o kaya athletes, mabilis sila sa pagbibigay ng special visa. Iyon na nga eh, kung sino-sinong foreigners ang nakakapasok sa ating bansa para maging artista o models. Bumabaha na sa bansa ng mga …

Read More »