MUKHA ngang mabango ang actor na si Isko Moreno bilang bagong mayor ng Maynila matapos niyang linisin ang Divisoria at ang Carriedo sa Quiapo. Hindi lamang sa wala nang madaanan at nagkalat ang basura, talamak din ang mga mandurukot sa mga lugar na iyan. Ngayon nahuli na rin kung sino ang nagpapa-upa ng puwesto sa mga iyan na hindi naman alam ng …
Read More »Nadine, nag-donate ng pera sa LGBT Pride March
HINDI lang siya nakiisa roon sa Pride March na naunsiyami dahil inabot ng ulan. Nagbigay pa raw ng pera si Nadine Lustre para sa LGBT Pride March. Hindi naman sinabi kung magkano ang ibinigay niya pero ibinisto pa nila na ang ginamit niya sa pagbibigay niya ng donation ay ang tunay niyang pangalan, Alexis Lustre. Siyempre happy ang organizers at magandang propaganda para …
Read More »Nadine, leading lady na ni Aga
MUKHANG maliwanag na nga ngayon na hindi pinakinggan ang sinasabi ni direk Erik Matti na ang dapat na pumalit kay Liza Soberano sa pelikulang Darna ay si Nadine Lustre. Sa kabila niyon, nagpa-audition pa rin sila. Kasama pa nga sa nag-audition pati mga artista ng GMA 7, pero maliwanag ding may idea na silang iba, dahil ngayon ang nakaporma ngang …
Read More »Paghuhugas ng pinggan ni John Lloyd, minasama ng netizens
NAGSIMULA lang naman iyon sa isang katuwaan siguro, kinunan nila ng picture ang actor na si John Lloyd Cruz na naghuhugas ng pinggan at inilagay iyon sa social media. Dahil inilabas nila sa social media ang kanilang katuwaan, nagkaroon na naman ng pagkakataon ang mga troll na magbigay ng kung ano-anong comments. May mga pumuri naman at nagsabing mukhang nasanay …
Read More »Cong. Alfred, ‘di puwedeng pangunahan ang CCP at NCCA sa pagtatalaga ng magiging National Artist
HINDI puwede ang short cut. Hindi maaaring mai-fast track ang pagiging isang National Artist, bagama’t gusto rin sana namin na magkaroon agad ng ganyang parangal ang yumaong actor at director na si Eddie Garcia. Kahit na nga si Congresswoman Vilma Santos, na noon pa nila sinasabing dapat maging National Artist, nagsabing ”bago ako, si Eddie Garcia muna.” Wala kang masasabing masama tungkol …
Read More »Aktor, patago pa ring nakikipagkita sa BF; co-star, hinipuan
TALAGANG ayaw pa ring magladlad ng kapa ng isang male star, na kulang na nga lang maging Reina Sentenciada sa Santacruzan. Alam na ng lahat na girl siya. Maraming kuwento kung paano noong araw ay kalaban niya si Annie Batungbakal sa pagiging reyna sa mga gay club sa Malate. Pero todo tanggi pa rin siya hanggang ngayon. Ang tindi ng …
Read More »Nadine Lustre, maka-grandslam kaya?
KUNG si Nadine Lustre ay susuwertihin ding mapili ng mga entertainment editor ng mga lehitimong diyaryo lamang, bilang best actress sa kanilang EDDYS Choice sa July 14, aba grandslam na siya. Kaya kung hindi man niya natanggap nang personal ang iba niyang awards, kailangang mag-isip na siyang magpagawa ng isang magandang gown, at maghandang dumating sa EDDYS, dahil kung suwertihin …
Read More »Doktor, medic, o ambulansiya, wala sa mga taping o shooting
NABANGGIT na rin lang si direk Eddie Garcia, pinag-uusapan nga namin ng isang beteranong actor. Simula ba noong araw, sa shooting ng kahit na anong pelikula, o taping ng kahit na anong TV show, may nakita na ba kayo minsan man na isang doctor, o medic man lang, at isang ambulansiyang nakabantay? Ewan, kasi kami nga parehong tumanda na sa …
Read More »Script ng Feelennials, mahusay; Timing nina Ai Ai at Bayani, nakatatawa
NOONG magpunta kami sa sinehan para panoorin iyong pelikula nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani, iyong Feelennials, nakahanda kaming ang mapanood ay iyong mga karaniwang comedy film na nakikita namin. Pero hindi pala ganoon ang pelikula. Iyong pelikula nila ay kagaya ng mga “glossy films” na ginagawa ng mga major film company noong araw, na hindi na natin nakikita sa ngayon dahil …
Read More »Bayani, pang-leading man na!
ANG layo na ng naabot ni Bayani Agbayani. Isipin ninyo, solo bida na siya katambal ni Ai Ai delas Alas doon sa Feelennials. Leading man na siya sa isang pelikula. Nagsimula si Bayani na “off cam artist”. Boses niya ang ginagamit noong si Katuling, iyong tsismosong loro na kasama ng movie writer na si Giovanni Calvo roon sa Katok mga Misis, isang morning talk show sa Channel 7. Tapos nag-artista na …
Read More »Hiling na panalangin para kay Manoy Eddie, dagsa
MABILIS ang reaksiyon ng mga kapwa niya artista sa nabalitang pagko-collapse ng actor at director na si Eddie Garcia habang nagte-taping ng ginagawang serye sa Tondo noong Sabado. Naging maagap naman ang mga tauhan ng GMA na ang actor ay maisugod sa pinakamalapit na ospital, iyong Mary Johnston Hospital sa Tondo rin. Pero walang masyadong lumabas na detalye, maliban doon sa wala siyang malay. …
Read More »Ai Ai, wa na keber sa Ex-B
BALE wala raw kay Aiai delas Alas kung sinasabi man ng mga rati niyang alaga, iyong mga miyembro ng grupong Ex Batallion na ikinatutuwa rin nila ang pagbibitiw ni Aiai bilang manager nila. Aba, eh ano pa nga ba ang magagawa mo kung ikinatutuwa nila iyon? Nagkaroon sila ng discontent. Palagay ni Aiai matigas ang ulo ng grupo. Palagay naman ng grupo, hindi sila …
Read More »Young actor na panay pakita ng kaseksihan, dating sumasagala bilang Reina Sentenciada
IMPERTINENTENG bakla naman iyon. Inilagay pa sa display window ng kanyang tahian ang isang gown, at may nakalagay pang maliit na karatulang nagsasabing iyon ang gown na ginamit ng isang young male star noong siya ay maging Reina Sentenciada, sa isang santracruzan noong hindi pa siya artista. May matching colored picture pa sa tabi, at ang naka-suot ng gown ay hindi mo …
Read More »Aktor, madalas kasama ng gay politician lover
MASYADO na kasing obvious ang sideline ngayon ng isang male star. Madalas niyang katagpo ang noon pa ay gay politician lover niya sa isang resort sa Central Luzon. Madalas din naman siyang makitang kasama ang isang gay millionaire realtor sa isang five star hotel sa Makati. Minsan nakikita rin siya sa condo ng gay millionaire realtor. Noong araw pa, suma-sideline na rin iyan pero namimili …
Read More »James, ‘ginaya’ si Angel, spinal column problema rin
TREND setter talaga si Angel Locsin. Sinimulan lang niya iyong pagtanggi sa pelikulang Darna dahil sa kanyang problema sa spinal column na ipina-opera na nga sa Singapore, nasundan pa iyon ni Liza Soberano na nabalian naman ng buto sa kamay. Ngayon pati si James Reid ay may problema na rin sa spinal column kaya hindi na matutuloy iyong pelikula niyang Pedro Penduko. Ang natatandaan naming sinabi …
Read More »Aladdin, tiklop kay Daniel
EH sa ngayon, para ngang ang medyo inaasahan lang na malaking male star na makapagdadala ng pelikula ay si Daniel Padilla. Kahit na sabihin mong ang record ng kanyang pelikula sa takilya ay nilampasan ng Avengers, hindi lumampas sa kanyang box office record iyong Aladdin. Tiyak hindi rin malalampasan iyon ng Spiderman. Si Daniel ang may gawan ngayon ng biggest box office record of all …
Read More »3rd Eddys nominees, ‘di popular choice ang pinagbasehan
HINDI naging basehan ang “popular choice” sa ikatlong Eddys na ibibigay ng samahan ng mga lehitimong entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo sa taong ito. Iyong limang napili nilang best picture nominees ay kinikilala sa kahusayan, pero isa man sa mga iyon ay hindi naging box office hit. Puro sila pasang awa sa takilya. Pero hindi naman talaga iyong kita ang basehan. …
Read More »Lea, ‘di pabor sa abortion
NILINAW na mabuti ni Lea Salonga, hindi naman siya pabor, o hindi niya isinusulong ang isang batas na magpapahintulot sa abortion. Basta ang sa kanya lang, kailangang magkaroon ng freedom of choice. Paano nga ba naman kung maaaring mamatay ang nanay kung itutuloy ang pagbubuntis, hindi ba dapat magkaroon din sila ng choice? Pero nililinaw nga nila, maski na ng mga mambabatas …
Read More »Aktres na GF ni aktor, may madilim na nakaraan
HINDI makapaniwala ang isang actor sa kanyang natuklasan na ang aktres na naging girlfriend niya noong araw, na ang tingin niya ay napaka-conservative, ay nagtrabaho pala sa isang night club bilang singer noong una, pero naite-table rin ng mga customer. Nangyari naman iyon bago siya naging artista at batam-bata pa siya noon. Naniwala lamang ang actor nang ipakita pa sa kanya ng may-ari ng …
Read More »Sex video ni model athlete, biglang taas ng presyo
MAS nagiging in demand pa ngayon ang sex video ng model-athlete na nag-aartista na ngayon, lalo na at nadugtungan pa ng kung anO-anong tsismis. May sinasabi pa kasing ang una niyang nasabitan noong siya ay teenager pa lang ay isang may-ari ng pabrika ng brief. Lalong umugong ang tsismis sa mga bading. Nag-iinit din sila, kasi nakita nila iyon sa isang website, …
Read More »Young male star, ‘girl’ pala sa tunay na buhay
NAGSISIMULA pa lamang dito sa atin ang isang hindi na naman masyadong bata, pero young male star pa rin. Ngayon nga lang siya magkakaroon ng pelikula. Pero nasalubong namin siya sa isang up scale na mall, ka-holding hands pa ang kanyang date. Pero ang ka-holding hands niya ay isang bagets na pogi rin, at sa kilos at ayos nilang dalawa, mukhang iyong …
Read More »Angel, may hate campaign
EWAN nga ba kung ano ang takbo ng isipan ng mga tao kung minsan. Noong araw, puring-puri nila si Angel Locsin, lalo na noong panahon ng bagyong Yolanda. Kasi nakita nga nila si Angel na nakasalampak sa pagkakaupo sa sahig habang nagbabalot ng relief goods bilang isang volunteer ng Red Cross. Hindi lamang iyon, natatandaan namin nag-donate siya ng isang kotse niya sa …
Read More »Pagbagsak ng career ni Sharon, isinisi kay Kiko
GANYAN din naman ang sinasabi nila laban kay Sharon Cuneta. Kaya raw bumabagsak na si Sharon ay dahil din sa kanyang political leanings. Eh may magagawa ba kayo, asawa niya iyon. Mali naman sigurong idamay ninyo si Sharon kung ayaw man ninyo sa asawa niya. Sinasabi nila, iyon ang dahilan kung bakit bumagsak ang career ni Sharon. Lahat daw ng comeback …
Read More »Ai Ai, puro konsumisyon ang inabot sa Ex Battalion
NGAYON inaamin na ni Aiai delas Alas ang lahat ng kanyang konsumisyon bilang manager ng grupong Ex Battalion. Nag-resign na rin siya bilang manager ng grupo. Pero bago nag-resign bilang manager si Aiai, umalis na rin sa grupo ang mismong founder nitong si Mark Maglasang. Ang katuwiran ni Aiai, matinding konsumisyon. Inamin din niya na ang members ng grupo ay gumagawa ng kanya-kanyang booking …
Read More »Coney, balik-limelight dahil sa anak na mayor
BIGLANG balik sa limelight si Coney Reyes ngayong ang kanyang anak kay Vic Sotto ang nanalong mayor ng Pasig. Aba noong araw naman sikat talaga iyang si Coney. Noong una bilang TV host. Nagsimula iyang si Coney bilang co-host noong araw ng Student Canteen kasama ng mga beteranong sina Eddie Ilarde at Bobby Ledesma. Malaunan, lumipat si Coney sa Eat Bulaga. Roon naman niya nakilala si Vic, nagkaroon …
Read More »