Friday , May 3 2024

Ed de Leon

SONNY PARSONS INATAKE, PATAY!

NAMATAY si Sonny Parsons habang nasa klinika nang isugod doon matapos atakihin sa puso. Tinangkang kabitan si Sonny ng oxygen subalit hindi na rin iyon nakatulong para iligtas siya. Sinasabing inatake si Sonny habang sakay ng kanyang motorsiklong BMW R1200GS, papuntang Quezon. Naganap ito bandang 1:00 p.m., Linggo, Mayo 10, sa bandang Lemery, Batangas. Limang oras nang bumibiyahe si Parsons nang atakihin. …

Read More »

Milyong naitulong ni Bela, binalewala (lihis na opinion, pagtitinda ng BBQ ang itinapat)

HINDI kami pabor doon sa mga basher na nagsabi kay Bela Padilla na “magtinda ka na lang ng barbecue.” Maaaring ang kanyang opinion ay taliwas sa opinion ninyo, pero hindi naman dapat ganoon. Bakit ano ba ang nasabi ninyo noong nagsisimula iyang pandemic at lumikom si Bela ng ilang milyon mula sa kanyang mga kaibigan at sa kanya mismong bulsa para matulungan ang mga …

Read More »

Coco, ‘di masisisi sa pagiging emotional (Problema ng ABS-CBN, idaan sa legal)

HINDI ko masisisi si Coco Martin sa kanyang mga sinabi, bagama’t kung susuriing mabuti ay medyo lihis nga sa issue, dahil talagang nabago ang kanyang buhay dahil sa ABS-CBN. Isipin ninyo ang pinagmulan din ng buhay ni Coco. Nanggaling iyan sa GMA 7, pero hindi nabigyan ng break talaga. Nauwi siya sa paggawa ng mga gay indie film na talaga namang naghubo’t hubad siya, …

Read More »

FDCP, FAP, MTRCB, wala ng silbi sa new normal

ILAN ang mga composer, arranger, at session musician sa Pilipinas, bukod pa sa mga singer? Wala na iyan dahil bawal ang mga concerts ngayon. Walang music lounge, walang comedy bars at iba pa. Ilan ba iyang mga writer, director, artista, crew, mga post production people, mga tauhan ng sinehan at iba na wala ring trabaho ngayon dahil sarado ang lahat …

Read More »

Atienza, sinisi si Cayetano sa pagsasara ng ABS-CBN

GALIT si Party List Congressman Lito Atienza at gustong-gusto na naming kumanta ng bulaklak, kay ganda ng bulaklak, habang sinasabi niyang ang nangyari sa ABS-CBN ay kasalanan ni Speaker Allan Peter Cayetano. Kasi inipit nang inipit ang 11 panukalang batas na nag-e-extend ng franchise ng ABS-CBN. Maliwanag ang scenario. Sinabi ni Presidente Digong noon pa na haharangin niya ang franchise ng ABS-CBN. Iyon ang dahilan kung …

Read More »

Indie actor, panay ang tawag sa kanyang ‘friend’ para sa ayuda

PANAY ang tawag ng isang indie actor sa kanyang “friend” at humihingi ng ayuda. Pero ang katuwiran naman ng friend, “aba basta ako inaayudahan niya nagbabayad ako.” Ibig sabihin, bakit nga naman siya magbibigay ng ayuda nang walang kapalit? Sa panahong ito ng lockdown, lumalabas ang mga ganyang klase ng kuwento. Magugulat ka na lang na may nangyayari palang ganoon. Pero hindi mo masisi …

Read More »

Komedyanteng si Babadjie, pumanaw dahil sa pneumonia

NAMATAY na kahapon, Mayo 4 ang komedyanteng si Babadjie. Namatay siya dahil sa pneumonia sa San Lazaro hospital na roon siya dinala simula pa noong Abril 25. Bago iyon, sinabi nang nawalan na ng ganang kumain si Babadjie at nahihirapan na ring huminga, ilang ulit siyang dinala sa Pasay City General Hospital pero hindi naman siya matanggap dahil puno iyon. …

Read More »

Pagbo-broadcast ng ABS-CBN, ipinatitigil na ng NTC

AKALA namin tuloy-tuloy pa rin ang ABS-CBN sa pagbo-broadcast dahil napanood pa namin ang ilang programa nila noong Lunes ng gabi. Martes ng umaga, nakabantay ang mga tao, kung babalik ba ang ABS-CBN. Nagbalik nga dahil narinig si kabayang Noli de Castro sa dzMM. Umere ang Umagang kay Ganda sa ABS-CBN. Sa cable, mayroong ANC, mayroong KBO, mayroong Knowledge Channel, mayroong Cinemo. May Cinema One. Hindi namin alam kung ano ang talagang …

Read More »

Awra at Poli, nagkampihan; binuweltahan si Feng

MAY lumitaw na panibagong testigo, iyong si Poli Lejarde, na sinasabi ni Awra Briguela na siyang “jowa” ng nanloko sa kanyang si Feng dela Cruz. Sa kanyang statement na inilabas sa social media, iginiit ni Poli na ang lahat ng sinabi ni Awra, at lahat ng akusasyon niyon laban kay Feng ay totoo. Sinabi rin niyang totoo ang bintang na nakipagsabwatan siya kay Feng …

Read More »

Pinsan ni Aktres, pinanindigan ang pagiging gay porn star

MUKHANG pinangatawanan na ng isang nagpapakilalang “pinsan” daw siya ng isang aktres ang pagiging porn star. Hindi lang isa o dalawa, mukhang napakarami na siyang ginawang gay porno films. Lahat naman iyon ay kumakalat sa internet, dahil ibinebenta nga rin nila sa pamamagitan ng internet ang mga porno films na iyon. Ewan kung ano ang sasabihin ng aktres na nagagamit pa ang kanyang pangalan …

Read More »

Angel, tutulong na lang kaysa pumasok sa politika

TAMA si Angel Locsin. Kung may mga ganyang kalamidad, tumulong na lang siya maganda pa ang image niya. Tutal doon na siya nakilala eh, dati kasi siyang volunteer ng Red Cross at hanggang ngayon naman yata ginagawa niya iyon. Bagama’t may mga proyekto siyang ginagawa on her own. Kung tatakbo pa siya sa kahit na anong elective position, magkakaroon pa ng …

Read More »

Talent at family values, nagustuhan ni Pilita kay Rayver

BOTO si Pilita Corrales sa manliligaw ng kanyang apong si Janine Gutierrez na si Rayver Cruz. Ang unang binanggit ni Pilita ay ang nagustuhan niyang talent ni Rayver, na sinasabi niyang mahusay kumanta at samayaw. Pero ang mas binigyan niya ng diin ay iyong katotohanang ang pamilya ni Rayver ay close sa isa’t isa, at nakikita niya na magkakasama silang magsimba kung araw ng Linggo. …

Read More »

Indie film director, namaalam na sa edad 42

NAGULAT na naman kami noong isang araw nang bigla na lang lumabas na namatay na pala ang indie director na si GA Villafuerte. Siya ay director at producer din ng ilang LGBT films noong araw. Ayon sa balita, pneumonia ang ikinamatay ni direk na 42 years old lamang.   Iyang pneumonia ay isang sakit na pinalalala ng Covid-19. Kaya nga sinasabi nilang …

Read More »

James Reid, inaalat

BAKIT nga ba parang sunod-sunod na malas ang dumating kay James Reid? Nagtayo siya ng sariling management company, na wala namang mai-manage dahil lockdown nga. Nagtayo siya ng sariling music company na wala ring magawang recording dahil sa lockdown. Wala ring concerts. Wala rin kahit na out of town shows. Wala rin siyang serye dahil tigil ang produksiyon, lalo namang wala …

Read More »

Derek Ramsay, binanatan ng ‘matatalinong’ netizens

BINANATAN naman nang husto ng mga netizens si Derek Ramsay dahil sa ginawa niyang pagkampi sa mga pulis sa kanyang statement na lumabas sa kanyang social media account. May kinalaman iyon sa isang foreigner na ngayon nga ay kinasuhan ng pulisya matapos ang isang pagtatalo sa Dasmarinas Village sa Makati. Ang contention ng mga netizen na bumabanat kay Derek, iyon daw ay …

Read More »

Paghuhubad ng ilang artista, nakakapagpasikat nga ba

blind item

EWAN kung naniniwala nga ba ang ilang stars na mas mapapansin sila at sisikat dahil sa kanilang ginagawang paghuhubad sa social media. Maaaring sa ngayon ay napag-uusapan pa sila, pero ano nga ba ang kahahatungan nila pagkatapos ng quarantine?   Iyang mga ganyan, hindi pa sumisikat lulubog na. HATAWAN ni Ed de Leon  

Read More »

A mask is a must ng Kapamilya stars, napakagandang paalaala sa netizens

KAYA nga sinasabi naming talagang napapanahon iyong madalas nating makitang paalala sa telebisyon na ginawa ng mga Kapamilya stars na nagsasabing “a mask is a must.” Si Coco Martin pa mismo ang nangunguna riyan sa kampanyang iyan, kasama ang iba pang stars ng Ang Probinsiyano. Siyempre malakas ang impluwensiya niyan, isipin ninyo iyong apat na taon na silang top rater.    Sumunod na rin naman ang iba …

Read More »

Aktor/producer nangungutang, walang wala nang pera

blind item

KAWAWA si male star. Dati naman sikat siya, ngayon panay daw ang text sa kanyang mga kaibigan at nangungutang dahil wala na raw siyang pera. Eh kung ganyan sino pa ang maniniwala na kaya rin niyang maging producer kagaya ng ipinagyayabang niya noong araw. Sino pa ang maniniwala na makatutulong siya sa kapwa niya artista na ma-build up at makakuha ng trabaho, …

Read More »

Pinoy serye, kulang sa creativity (Kaya natatalo ng Koreanovela)

MARAMI silang sinisisi kung bakit tinatalo ng mga Korea novela ang mga teleseryeng Pinoy. Ang unang sinasabi nila ay ang problema sa  budget. Sinisisi rin nila ang kaisipang kolonyal ng mga Pinoy. Mayroon pang hanggang ngayon sinisisi ang censorship. Ano ba talaga?   Talagang malaki ang budget ng mga Koreanovela, kasi ang market naman nila ay buong mundo. Hindi kagaya …

Read More »

Mayor Richard, napanatiling Covid-19 free ang Ormoc

ISA lang ang sikreto ani Mayor Richard Gomez sa pagpapanatiling walang kaso ng Covid-19 sa Ormoc dahil maaga silang nag-lockdown. Noong tumindi na ang banta ng Covid-19, nagdeklara agad siya ng lockdown sa buong lunsod, at hindi na nila pinayagang may pumasok pang ibang mga tao sa lunsod nila. Wala na rin silang pinayagang lumabas.   Lahat daw ng limang entry points …

Read More »