Wednesday , September 27 2023

Ate Vi humingi ng dasal para sa mga Batangueño

BINABASA ko   kung ano ang nangyari sa eruption ng Taal noong 1965, na sinasabing tumagal din ng ilang buwan ang sunod-sunod na pagsabog. Iyon yata ang pinaka matagal na eruption ng Taal. Tapos noon daw 1611, napalakas din ng pagsabog ng Taal na nagsara ang isang bahagi ng Pansipit river kaya naging lake ang Taal na dati ay konektado sa West Philippine Sea.

Narinig ko na rin ang kuwento ng mga matatanda, na noon daw basta pumuputok ang Taal, pilit na dinadala ang imahe ng Birhen ng Caysasay doon at tumitigil naman ang mga pagsabog. Kaya kung iisipin mo talagang kasama na sa kuwento ng Batangas iyang pagsabog ng Taal at ang debosyon sa Mahal na Birhen.

“Kaya noong ako pa ang governor ng Batangas, iyan talaga ang isa sa ipinagdarasal ko, iyong huwag sanang pumutok ang Taal. Iyan din ang dahilan kung bakit nagkasundo kami noon ni Archbishop Arguelles na magkakaroon ng fluvial procession sa Taal lake taon-taon, tuwing September 8, na siyang birthday naman ng Virgin Mary. Sa awa naman ng Diyos noon ay wala kaming ganyang disaster,”sabi ni Ate Vi.

Kaya nga noong isang araw na nagbabala na naman ang Philvolcs sa posibleng pagputok ng bulkan at inutusang mag-evacuate na ang mga taong nasa permanent danger zone, muling nanawagan si Ate Vi ng panalangin para sa mga Batangueno.

“Sa ganyan naman wala talaga tayong magagawa kundi ang magdasal na kung maaari huwag nang sumabog ang bulkan, at kung sakali naman, sana makayanan namin ang problema. Hindi pa kami talaga nakakabangon sa pagputok ng Taal noong nakaraang taon, na nasundan pa ng pandemic.

“Kung ngayon puputok ulit ang Taal, hindi rin namin maaasahan iyong kagaya niyong dati na maraming tumulong na mga kaibigan natin dahil sa ngayon lahat may problema rin dahil sa pandemic. Noong nakaraang taon may ABS-CBN pa na tumulong din sa amin ng malaki, eh ngayon wala na. Talagang kung sakali, kailangang balikatin ng probinsiya ang relief, rescue, at rehabilitation ng mga biktima.

Talagang awa ng Diyos na lamang ang aming aasahan,” sabi pa ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Erin Ocampo

Erin Ocampo handang makipagsabayan sa paghuhubad sa pelikula

MATABILni John Fontanilla AFTER 14 years sa showbiz, napapayag na ring magpa-sexy sa pelikula si Erin …

Joshua Garcia Emilienne Vigier

Joshua sa karelasyong French-Filipino athlete — ‘di ko siya idine-deny ayaw lang namin i-share

MA at PAni Rommel Placente SA isang inteview ni Joshua Garcia ay tinanong siya tungkol sa nababalitang …

Ysabel Ortega Sophia Senoron Elle Villanueva

Ysabel, Sophia, at Elle sa negosyo naman makikipagbakbakan

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATUTUWA na ang mga kabataan natin ngayon ay mga business-minded at …

Miggy San Pablo UPGRADE

Miggy San Pablo ng UPGRADE pinasok ang politika

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging miyembro ng sumikat na boyband sa bansa, ang Upgrade, pinasok …

Joel Cruz

Joel Cruz nagpasaklolo sa NBI 

MATABILni John Fontanilla DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyante at may-ari ng isang brand …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *