Friday , May 17 2024

Ed de Leon

Maayos na facilities mas kailangan kaysa lockdown

Rayver Cruz, Angel Colmenares, Toto Natividad, Ricky Lo

HATAWANni Ed de Leon SI Mang Angel Colmenares, iyong tatay ni Angel Locsin na hindi na talaga lumalabas ng bahay dahil 94 na at bulag pa, at nabakunahan na, pero hayun tinamaan ng Covid at kailangang isugod sa ospital. Si Rayver Cruz, bakunado rin, pero tinamaan din ng Covid at nagbakasyon ng tatlong buwan. Ang kasamahan naming si Ricky Lo at ang director na si Toto Natividad, bakunado pero namatay sa …

Read More »

Direktor kinontrata na si actor para maglabas ng ‘bird’

Blind Item Man Sausage

DIRETSAHANG ikinuwento sa amin ng isang male star na sinabi sa kanya ng isang director na, ”ikaw naman ang susunod na magpapakita ng private part sa aking pelikula.” Pero mukhang ok naman sa male star na nagsabing, ”ang daming hindi marunong umarte, hindi rin naman mukhang artista, napansin dahil naglabas na sila ng bird. Bakit hindi ko gagawin iyon kung ok naman ang script.” Mukhang lumalabas na iyon na nga yata ang …

Read More »

GMA may problema raw sa budget; Serye ni John Lloyd ‘di pa maumpisahan

John Lloyd Cruz

HATAWANni Ed de Leon PAGKATAPOS ng mga bonggang announcement ng pagtalon ni John Lloyd Cruz sa Kamuning, at ang napakasayang pagsalubong sa kanya ng mga ito, na sabi nila’y 20 years na nilang hinihintay, aba bigla pang may sumingaw na problema. Hindi kami naniniwala na budget ang dahilan, dahil nang kunin naman nila si John Lloyd tiyak na alam na nila at may inialok …

Read More »

Marion dapat suportahan kaysa singers na laos

Marion Aunor

HATAWANni Ed de Leon MAGALING na singer si Marion Aunor at natural iyon dahil likas na yata sa kanilang pamilya iyong magagaling kumanta. Kung sabihin man na ang talagang sumikat diyan ay ang tiyahin niyang si Nora Aunor, huwag ninyong kalimutan na ang nag-coach sa kanya noong sumali siya  sa Tawag ng Tanghalan ay si Sgt. Saturnino Aunor,  tatay ni Lala at lolo ni Marion. Kaya nga dahil doon, ginamit na rin …

Read More »

Aktor natipuhan ng isang goons na bading

Blind Item 2 Male

NAGDA-DRIVE ang isang male star ng kanyang sasakyan, nang tabihan daw siya ng isang SUV sa traffic, binusinahan ng nagda-drive niyon at nang mapatingin siya, tinatanong siya ng nagda-drive kung saan siya pupunta. Tapos sinabihan daw siya na maghintay pag-go nila para makausap siya. Mukhang bading daw ang nasa SUV, pero bading na mukhang goons. Mabilis daw niyang pinatakbo ang kotse niya at nang madaan sa isang outpost ng …

Read More »

Jose Mari Chan ‘iginapos’ ng netizens

Jose Mari Chan

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas nang tawa namin nang makita ang isang edited pic ni Jose Mari Chan, nakagapos at may tape sa bibig tapos ang caption ay, “manahimik ka muna Riyan, walang pera ang mga tao.”Obviously ginawa ang katuwaang “meme” na iyan dahil nagsisimula nang marinig ang Christmas song ni Jose Mari Chan ngayon. Sinasabi naming katuwaan lang ang comment na iyan …

Read More »

Paolo inaming si Yen ang kasama sa Manaoag

Paolo Contis, Yen Santos

HATAWANni Ed de Leon FINALLY, inamin na rin ni Paolo Contis na siya ang may kasalanan sa naging paghihiwalay nila ni LJ Reyes at sa kanya rin mismo nanggaling na “naging gago ako.” Nakiusap din siya sa mga tao na huwag nang i-bash pa ang ibang mga tao, lalo na ang mga kumampi pa sa kanya dahil “wala naman silang kasalanan. Ako lang.” Hindi rin niya naitanggi na nagkaroon ng third …

Read More »

Male newcomer nahirapang umupo matapos dumalaw sa condo ni TV director

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

PINAYUHAN daw ng isang TV Director ang isang baguhan na makipagkita sa isang executive para mabigyan siya ng pagkakataong makasama sa ibang shows. Sumunod naman daw ang male newcomer. Binisita niya ang production executive sa isang condo malapit lang sa studio nila. Mabait naman daw ang production executive. Bukod sa tiniyak na makakasama siya sa mga show, pinakain pa raw siya at pinainom. Kaso nalasing daw siya …

Read More »

Ate Vi ‘di pa rin tiyak ang tatakbuhin sa 2022 election

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon SA politika, maraming pagbabagong nangyayari hanggang sa last minute, kaya hindi dapat pangunahan kahit na sino kung ano nga ba ang kanilang papasukin lalo na sa eleksiyon. Halimbawa na nga, kinukulit nila si Congresswoman Vilma Santos na magdeklarang tatakbong senador sa 2022, eh wala pa ngang desisyon iyong tao eh. Ang sinasabing sigurado, tatakbong congressman sa distrito si Senador Ralph dahil sagad …

Read More »

Lian ayaw makialam kina Paolo at LJ: past is past

Paolo Contis, Lj Reyes, Lian Paz

HATAWANni Ed de Leon BAKIT nga ba pinipilit pa rin daw si Lian Paz na magsalita tungkol sa hiwalayan nina Paolo Contis at Lj Reyes? Sinabi na rin naman niyang para sa kanya, “past is past.” Ayaw niyang makialam dahil hindi naman siya concerned at kahit na sabihin mong may dalawang anak din naman siya kay Paolo, mahigit anim na taon na silang hiwalay, may asawa na rin naman siya …

Read More »

Sikat na DJ may kumakalat na sex video

Blind Item Corner

ANG sikat na DJ nga ba ang nasa isang sex video na kalat na kalat ngayon sa isang social media platform? Sa video ay nilagyan pa ng watermark ng kanyang pangalan at hawig nga sa kanya ang nasa sex video pero mukha nga lang mas bata sa kanya. Iyan ang madalas na problema. Gumagawa sila ng mga ganyang video kung minsan, tapos oras na sumikat sila …

Read More »

Aktor ginagamit ang vaccination card para maka-‘sideline’

blind mystery man

MALIWANAG naman na hindi dahil nabakunahan ka na ay safe ka na sa Covid 19. Kahit na may bakuna ka maaari ka pa ring mahawa at makahawa, kaya para makapag-ingat sinasabi raw ng isang male star dancer na sa ngayon, payag siya sa straight sex na lang, pero wala nang halik-halik dahil delikado. Mayroon naman daw isang male star na suma-sideline rin na ipinakikita pa sa kanyang mga ka-date …

Read More »

Pag-iwan ni Paolo Contis kay LJ replay ng kay Lian

LJ Reyes, Paolo Contis Lian Paz

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagpadala ng kopya ng video. Interview iyon ng dating TV show na Startalk sa member ng EB Babes na si Lian Paz. Sinabi niyang panoorin namin iyon ng buo at himayin namin. Tapos sumunod niyang ipinadala sa amin ang video ng interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes. Sinundan niya iyon ng tanong na ”replay?” Iyong interview ni Lian sa Startalk  mahigit anim na taon na …

Read More »

Celebrity photographer Raymund Isaac pumanaw na

Raymund Isaac

HATAWANni Ed de Leon PINAG-UUSAPAN nila ngayon ang pagpanaw ng photographer na si Raymund Isaac dahil sa komplikasyon ng Covid19. Isang kilalang photographer si Raymund at lahat halos ng mga artista natin na nagkaroon ng malaking projects tiyak na sa kanya nag-pictorial. Isa sa pinaka-close sa kanya at laging sa kanya nagpapakuha ng picture ay si Ate Vi (Vilma Santos). Umalis siya sa Pilipinas at …

Read More »

LJ dinala ang mga anak sa NY

LJ Reyes, Aki, Summer

HATAWANni Ed de Leon NASA New York na si LJ Reyes, kasama ang kanyang dalawang anak na napilitan siyang ilayo para maiiwas ang mga bata sa mga intriga ng pakikipaghiwalay sa kanya ng partner for six years na si Paolo Contis. Masakit talaga iyon para kay LJ, dahil hindi naman pala totoong “mutual decision” ang kanilang paghihiwalay. In fact, tinanong pa niya si Paolo kung gusto …

Read More »

KathNiel gagawa ng serye para sa ika-10 anibersaryo

Kathryn Bernado, Daniel Padilla, KathNiel

HATAWANni Ed de Leon SAMPUNG taon na pala ang love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernado. Pero hindi sila ang unang love team ha. Unang nakatambal ni Kathryn si Kristoffer Martin na hindi masyadong nag-click. Tapos na-build-up sila bilang love team ni Albie Casino roon sa remake ng Mara Clara. Kaso isinabit naman ni Andi Eigenmann noong magbuntis siya at inamin ginawa nila iyon dahil takot silang malaman ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Jake Ejercito nga …

Read More »

Sharon gusto muling gumawa ng movie — Kahit ako na ang magpo-produce

Sharon Cuneta

HATAWANni Ed de Leon SINABI ni Sharon Cuneta na ngayon ay parang gusto niyang gumawa ng sunod-sunod na pelikula. Kaya gamit ang iba’t ibang hashtags, tinawagan niya ang mga director na nakatrabaho na niya at parang nanawagan sa tatlong film companies, ang  Regal, Viva, at Star Cinema. Tapos dinugtungan pa niya ng, ”kahit ako na ang mag-produce.” Hindi namin maintindihan kung bakit. Ilang linggo lang ang nakararaan, …

Read More »

Kim Chiu binabalewala nga ba sa Showtime?

Kim Chiu John Prats

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin alam kung ano ang totoong dahilan noon, pero eventually ang puputukan at pagbubuntunan ng fans ni Kim Chiu  si John Prats, kasi siya ang director ng show. Nagreklamo na si Kim na parang binabale wala siya sa show at kahit na nandoon, ayaw namang bigyan ng microphone para makapagsalita. May nagsasabing magulo raw kasing mag-host si Kim, pero dapat sana …

Read More »

Negosyo ni dating male sexy star nalugi, local sideline binalikan

Blind Item Corner

NALUGI na pala sa kanyang pagba-buy and sell ng kotse ang isang dating male sexy star. Noong madalang na ang mga pelikula niyang sexy, nagpunta siya sa Japan at pumasok na “hosto” sa isang club. Ipinasok naman siya roon ng isang sexy ding male gay actor na sinasabing naka-fling din niya noong raw. Nang matagalan, nagkaroon siya ng isang girlfriend na Haponesa, na pinaalis siya sa kanyang …

Read More »

Janus pinagbantaang matotokhang

HATAWANni Ed de Leon ISA lang ang masasabi namin doon sa nagbabanta kay Janus del Prado ng, ”malapit ka nang ma-tokhang.” Bobo iyan. Walang utak iyan. Hindi niya tinatakot ang kalaban niya, sa halip pinasasama niya ang imahe ng gobyerno dahil bakit mo babantaang matotokhang si Janus? Iyang tokhang ay salitang Bisaya na pinagdugtong, “katok” at “hangyo.” Na ang ibig sabihin ay kakatokin at pakikusapan. Iyan ang ginawa …

Read More »

Nang-agaw ng cellphone ni Alex tiyak na mambibiktima uli

Alex Gonzaga

HATAWANni Ed de Leon INUTUSAN daw ni Alex Gonzaga ang kanyang PA na kunan ng picture ang isang billboard habang nakabara sila sa traffic sa EDSA, bandang Guadalupe. Pero nang kukuha na iyon ng picture, may tumakbong tatlong lalaki at inagaw ang cellphone. Mabilis din naman ang kanyang driver na bumaba sa sasakyan at hinabol ang mga snatcher. Nahuli nila ang isa, kaya natunton din ang dalawa …

Read More »

Lito Camo inako ang pagkakautang ni Pacman kay Mike Hanopol

Mike Hanopol, Lito Camo, Manny Pacquiao

HATAWANni Ed de Leon MABUTI naman at naayos na ang paniningil ni Mike Hanopol kay Senador Manny Pacquiao. Ang akusasyon ni Mike, pinagawa raw siya ni Pacman ng tatlong kanta. Matapos iyon pinuntahan daw niya sa senado si Pacman. Ang tagal daw nilang pumila at ang tagal naghintay.Nagutom siya dahil sa tagal ng paghihintay, tapos hindi binayaran ang kanyang tatlong kanta. Eh ang pera niya sapat lang …

Read More »

Ate Vi sariling pera ang ipinantutulong sa tao

Vilma Santos

HATAWANni Ed de Leon NOONG isang araw ay nag-message sa amin ang isang kaibigan naming pari at sinabing kung makakausap namin si Congresswoman Vilma Santos ipaabot ang kanyang pasasalamat. Ito iyong may inutusan si Ate Vi sa kanya na magbigay ng Covid ayuda. “Sabihin mo napakalaking tulong niyon sa amin,” sabi pa ni Father. Noong araw na iyon naman ay nakausap namin si Ate Vi at siya na …

Read More »

Director, actor, at host natuwa sa pagkatalo ni Pacman

Yordenis Ugas vs Manny Pacman Pacquiao

HATAWANni Ed de Leon LUMANTAD na ang mga bakla sa pangunguna ng director na si Andoy Ranay gayundin ang isang baguhang artista na si Adrian Lindayag at IC Mendoza na napahayag ng katuwaan sa pagkatalo ni Manny Pacquiao, dahil sa sinasabi nilang laban daw iyon sa mga gay. May ilan ding gay movie writers na nagsulat ng “Lotlot, Jolo, Lucita” at kung ano-ano pang ang ibig sabihin ay talo sa “gay lingo.” …

Read More »

Kim Chiu emosyonal sa Bahay ni Kuya

Kim Chiu PBB house

HATAWANni Ed de Leon MEDYO emotional ang post ni Kim Chiu nang madaanan niya ang dating PBB house na sarado na nga at may nakalagay na malaking number 10 sa harapan. Kung ano ang ibig sabihin niyon, hindi rin natin alam. Pero nauna roon may announcement din na magkakaroon doon ng bagong community. Ang tingin namin, baka tayuan iyon ng townhouses o condominium para pagkakitaan naman. Hindi mo masasabing …

Read More »