ni Ed de Leon Kaya pala ipinipilit ni direk ang isang male starlet na ipakilala niya sa isang kaibigan niyang mayamang bading. Iyon pala talaga ang modus niya. Kaya pala panay ang recruit niya ng mga baguhang isinasama niya sa gay indies na ginagawa niya, kasi ang mga iyon naman ay ipinakikilala niya sa mga mayayamang bading, na kalaunan ay kukunin niyang financier ng …
Read More »Julia ‘di tamang ikompara kina Vilma at Juday
HATAWANni Ed de Leon MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy Ann Santos sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Huwag namang ganoon, kawawa si Julia. Hindi dapat isabak sa ganoong laban ang isang artista kung hindi naman niya kaya. Kay Juday na lang iiwanan siya ng milya- milya kay ate Vi pa? Alam ba ninyong maski nga sa karera ng …
Read More »Robbie-Kathryn tandem maging hit kaya?
HATAWANni Ed de Leon NAAWA kami sa mga baguhang matinee idols ng ABS-CBN ngayon. Ano na ang mangyayari kina Donny Pangilinan, Kyle Echarii at iba pa roon eh nandiyan na si Robbie Jaworski na mukhang napakalakas ng dating sa tao. Bakit nga ba hindi lalakas iyan eh marami rin namang fans ang nanay at tatay niyan na sina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski at lalo na ang lolo niyang basketball …
Read More »Sunshine tinantanan na ng ‘di magandang tsismis
HATAWANni Ed de Leon SALAMAT naman at natapos na ang hindi magandang tsismis tungkol kay Sunshine Cruz. Actually noong nakaraang taon pa namin narinig ang tsimsis na ang sabi sa amin, “bantayan mo iyang mahal mong kaibigang si Sunshine Cruz, dahil ang balita may ka-affair daw iyan ngayon.” At ang sinabi sa aming ka-affair ni Sunshine ay isang negosyanteng hindi masyadong maganda …
Read More »Vilma pinakamalaking pelikula ang Uninvited, parte pa ng maiiwang legacy
HATAWANni Ed de Leon UNANG nagkasama sina Vilma Santos at Aga Muhlach sa pelikulang Sinungaling Mong Puso, na natatandaan naming pinanood namin ng first day dahil sa kuwento ng aktor na kakaiba raw ang pelikula nilang iyon. Kakaiba nga, dahil ang role ni Ate Vi ay isang babaeng may asawa, si Gabby Concepcion,na biglang may nakilalang isang lalaki, si Aga nga na asawa naman ni Aiko Melendez sa pelikula. …
Read More »Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol
ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa lang, mga bata pa sila ay nakaranas din ng sexual harassment. Ikinuwento niya na niyakap daw siya ng diretor tapos ay hinalikan siya sa leeg. Natandaan namin ang kuwentong iyon at nakita namin iyon. Nagbigay kasi ng blow out noon ang leading aktres dahil kumita ang kanilang …
Read More »Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto
HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming sa internet. Hindi nga siguro maganda iyon dahil parang hinihikayat pa niya ang mga taong magsugal, pero unfair namang awayin nila si Nadine dahil doon. Hindi naman kilalang sugarol si Nadine. Hindi naman siya kagaya ng iba na nagbababad sa casino, naglalasing at nakatutulog na …
Read More »Ngayon lang uli kami nakakita ng maraming tao sa press conference
HATAWANni Ed de Leon NAPAKA-FORMAL ng media launching ng pelikulang Uninvited. Bagama’t gaya ng inaasahan, mayroon pa ring hindi marunong sumunod sa dress code. Pero mag-aalangan ka namang hindi sumunod dahil ginanap iyon sa grand ballroom ng Solaire North at bago ang launching habang naghihintay pa ng oras, mayroon isang cocktail gathering sa isang function room na nagsilbing holding area, na …
Read More »Dating sexy male star napeke ni aktres
ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, lumalabas na fake naman pala ang kanilang kasal dahil noong pakasal sila, ang asawa pala niya ay may pinakasalang iba na nauna sa kanya. Ngayon sinasabi niyang parang ang turing sa kanya ng asawa niya ay isang boy toy lamang. Inaabuso na raw siya ng …
Read More »Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis
HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang at ang dahilan ay lung cancer. Iyang cancer ay traydor na sakit naman talaga iyan, kaya basta may cancer ka na magpakabait ka na dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka na lang. Iyan ding mga may sakit sa lung, ibinibigay na sa kanila …
Read More »Ate Vi dagsa ang trabaho bilang artista at politico
HATAWANni Ed de Leon ANG daming kailangang gawin ni Vilma Santos bago matapos ang taong ito. Una nga, kailangan niyang harapin ang promotions ng pelikuka niyang Uninvited na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Magkakaroon rin siya ng isang retrospective ng kanyang mga pelikula na gagawin sa UST. At maaaring kasabay niyan ang book launching ng isang scholarly book, isang masusing pagtingin sa mga …
Read More »Kathryn game makipaglaplapan kay Alden, ‘di nagawa kay Daniel
HATAWANni Ed de Leon MAY mahaba at mainit na halikan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang pelikula at iyon ang sinasabi nilang hindi nagawa ng aktres kahit sa alinmang pelikula nilang dalawa ni Daniel Padilla. Kahit na 11 taon silang magsyota. Kasi siguro noong panahon nila, hindi naman kailangang gawin ang mga bagay na iyon dahil sigurado namang kikita ang kanilang pelikula. At …
Read More »Tulfo, researcher at iba pa sinampahan kasong cyber libel ni Ginco
HATAWANni Ed de Leon NAGSAMPA ng demandang cyber libel ang dating program manager ng TV5 na si Cliff Ginco laban kay Senador Raffy Tulfo, sa staff ng kanyang programa sa radyo, at mga executive ng TV5 kasama rin ang nagreklamong news researcher laban sa kanya. Halos kasunod iyan ng pag-aakyat ng kaso laban naman kay Ginco na isinampa ng DOJ dahil sa umano’y panghahalay sa …
Read More »Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel
HATAWANni Ed de Leon WALA namang sinabi si kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol sa KathNiel na sinabi niyang ilalahad pagkatapos ng pelikula ni Kathryn Bernardo. Maaaring kontrobersiyal iyon kaya ayaw muna niyang sabihin dahil kahit na anong controversy, basta pinag-usapan ng masa ay makatutulong pa sa pelikula ni Kathryn. Maaari rin namang sabihin na gusto niyang siraan si Kathryn at hindi …
Read More »Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo
HATAWANni Ed de Leon MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian Gaza kay Ai Ai delas Alas. Kasabay ng pagsasabi niyon na ang paniwala niya ay may nabuntis nang iba ang asawang si Gerald Sibayan. Kaya sinabi pa niyang hintayin na lang ang balita ng pagsilang ng anak ng kanyang asawa sa susunod na taon. Pinayuhan din niya …
Read More »Mark Anthony Fernandez inamin sex video na kumalat
HATAWANni Ed de Leon FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na video na kumalat sa social media. Inamin ng aktor na siya nga ang nasa video, kasama ng kanyang girlfriend, pero sinabi niyang matagal na ang video na iyon, mga ilang taon na yata at nagtataka nga siya kung bakit ngayon pa lumabas. Sinabi rin niyang …
Read More »Dating male sexy star gustong hiwalayan asawang itinuring siyang boytoy
ni Ed de Leon MATINDI ang tsismis, gusto raw hiwalayan ng isang dating male sexy star ang kanyang asawa. Actually pinakasalan niya iyon dahil sa paniwalang dadalhin siya niyon sa Japan para pareho silang makapag-trabaho roon. Pero na-reject siya, dahil ang asawa pala niya ay may naunang pinakasalang iba at wala namang naipakitang Cenomar, kaya lumalabas na hindi valid ang kanilang kasal. …
Read More »Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak
HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat na buwang gulang na. si Korben. Pero teka bago kayo magtatalak diyan, tatlong taong mahigit na silang hiwalay ni Carla Abellana. Divorced na rin sila, kaya walang kaso kung magkaroon man ng anak si Tom na apat na buwan na. Hindi ninyo masasabing kinaliwa ni Tom si …
Read More »Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai
HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin ay i-withdraw ang petition for green card ng asawa niyang si Gerald Sibayan. Sabihin niyang iniwan siya niyon at tiyak mapauuwi iyon sa Pilipinas. Lalo na nga sa policy ngayon ni Trump laban sa mga alien workers sa US, tiyak mapapasibat iyon at kung mag-TNT at mahuli siya, …
Read More »Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5
HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang matinee idol talaga. Ewam namin kung anong build-up ang gagawin sa kanya ng ABS-CBN, mahirap mo kasing masabi dahil wala naman silang prangkisa at aminado silang nalulugi ng P2-B taon-taon. Kasi para maipalabas ang mga ginagawa nilang content kailangan silang magbayad ng blocktime sa ibang …
Read More »Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?
HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. Bakit nga hindi eh sa araw mismo ng birthday niya at saka niya inamin sa publiko na iniwan siya ng kanyang asawang si Gerald Sibayan. Pag-aralan natin ang sunod-sunod na nangyari ha. Sinabi ni Ai Ai na noong 2:00 ng umaga, Oktubre 14 nakatanggap siya ng text …
Read More »Pakikiramay sa pagyao ng ina ni VM Yul
NAIS nga pala naming ipaabot ang aming pakikiramay sa pagyao ng ina ng aktor at vice mayor ng Maynila na si Yul Servo Nieto. Ganoon din ang aming pkikiramay sa pagyao ng nanay din ng aming kasama sa trabahong si Jimi Escala. Ipinapanalangin po namin ang kanilang mga kaluluwa.
Read More »Daniel madalas hanapan ng mali, pagsusuot ng Indian head dress binanatan
HATAWANni Ed de Leon BINABANATAN na naman nila si Daniel Padilla, nagsuot pa raw ng head dress ng mga Indian. Hindi raw ba niya alam na iyon ay kawalan ng paggalang sa kultura ng ibang tao? Para sa mga Indian, o sa mga unang Kano, ang pagsusuot ng ganoong head dress ay para lamang sa mga chief, sa mga pinuno ng …
Read More »Ai Ai bibigyang linaw totoong dahilan hiwalayan nila ni Gerald
HATAWANni Ed de Leon HINDI pa man umaamin si Ai Ai de las Alas na hiwalay na nga sila ng asawa niyang si Gerald Sibayan, nauna na sa pag-memema ang mga marites. Eh ang sabi mamaya pa lang aaminin ni Ai Ai sa show ni Boy Abunda. Noong isang araw pa ang mga usapan at may nagsasabi pang sabi raw ni Ai Ai ayaw …
Read More »Vilma ‘di nababahala sa bintang nagsisimula ng political dynasty
HATAWANni Ed de Leon NATURAL galit na galit ang mga Vilmanian dahil ang daming naninira kay Vilma Santos. May sinasabing nagsisimula raw ng isang political dynasty at pati iyong anak na hindi naman taga-Batangas pinakandidato pa. Maliwanag na ang sinisiraan ay si Luis Manzano. Pero si Ate Vi, hindi nababahala. Ang sabi niya unahin muna natin itong Uninvited, tapos at saka na natin pag-usapan iyang politika. …
Read More »