Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Ma’Rosa, kumita kaya ‘pag ipinalabas sa ‘Pinas?

NANALONG best actress sa Cannes si Jaclyn Jose. Iyan ang pinag-uusapan ngayon sa buong showbusiness. Nanalo kasi siya sa kinikilalang premiere festival sa mundo. Dalawa lang naman iyang mga festival na kinikilala talaga sa buong mundo bilang pinakamalaki, iyong Cannes at Berlin. Sa panalo ni Jaclyn siya talaga ang pinakamatindi. Natalo niya maski si Nora Aunor na nananalo lamang sa …

Read More »

Alma concepcion, eye witness sa concert/rave party sa Pasay

NANINIWALA kaming hindi naman iniiwasan ng mga imbestigador ang posibilidad na ang naging dahilan ng pagkamatay ng limang nasa isang rave party sa Pasay ay may kinalaman sa droga. Dalawa sa kanila ang sinasabing namatay sa massive heart attack. Pero hindi na inimbestigahan pa kung ano ang posibleng dahilan ng massive heart attack na iyon. Nagsabi rin daw ang pamilya …

Read More »

Robin at dating manager, muling nag-usap

KAYA naman pala wala nang usapan matapos na mag-post si Robin Padilla na wala na siya sa ilalim ng Vidanes Talent Management ay dahil nagkasundo sila ulit after one day. Tama naman na kung nagkaroon sila ng differences, pag-usapan nila iyon at magkasundo. Hindi natin maikakaila na pareho naman silang nakinabang sa kanilang partnership. Hindi nga siguro magiging talent manager …

Read More »

Career ni Sharon, nakahihinayang

MARAMI ang nagsasabi, siguro nga raw dapat nang magkaroon ng isang TV show si Sharon Cuneta na magpapakita ng kanyang talents, hindi iyong judge lamang siya o kaya ay isang coach. Kasi bilang isang judge at bilang isang coach, ang nakikita lamang ay ang kanyang kakayahang kumilala ng talents ng iba, o tumulong para mas ma-improve pa iyon, pero iyon …

Read More »

Goma, wagi bilang mayor ng Ormoc

ILANG oras pa lamang natatapos ang eleksiyon, lumabas na ang balita na naiproklama na ng city canvassers sa Ormoc na nanalong mayor ang actor na si Richard Gomez. Biglang naglabasan sa social media pati na ang official proclamation document, at ang mga picture na itinataas na ng mga kinatawan ng COMELEC ang kamay ng mayor elect. Pagkatapos niyon, sunod-sunod naman …

Read More »

JaDine, lumabag din daw sa Comelec rules

MALIWANAG naman iyong statement ni COMELEC Chairman Andy Bautista, “kung may magrereklamo, titingnan natin kung ano talaga ang nangyari”. Iyon ang sinabi niya noong may magtanong kung ano ang masasabi niya sa picture nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na kapwa nangampanya sa natalong kandidatong si Mar Roxas, na nagpapakitang hawak ang kanilang balota sa loob mismo ng polling place. …

Read More »

Mga artistang kumandidato, marami ang ‘di mananalo — political analyst

SA pagkukuwentuhan namin ng isang kilalang political analyst, sinabi niyang mukhang sa pagkakataong ito, maraming mga artistang kumandidato ang hindi mananalo sa eleksiyon, lalo na iyong mga tumatakbo sa mga national position. Maliban kasi kay Senador Tito Sotto, na incumbent naman, wala isa man sa mga artistang kandidato na sumasampa sa survey. Sinasabi rin niyang mukhang hindi rin epektibo ang …

Read More »

This Time laging mahaba ang pila wala pang maibentang tiket

HINDI ko alam kung magkano ang sinasabi sa mga press release na kinita ng pelikula nilang This Time, pero naniniwala kami na ang pelikula ay isang malaking hit, dahil na rin sa aming experience. Dalawang beses kaming nagbalik sa sinehan para makapanood lang. Noong una kasi, halos isang oras pa bago ang kasunod na screening, wala nang maibenta sa aming …

Read More »

Buhay ni Sunshine, mas maganda ngayon

NATAWA kami roon sa statement ni Sunshine Cruz, “pabibo ka”. May mga tao talagang ganoon na kung nakagagawa ng kung iisipin mo responsibilidad lang naman nilang talaga, ipinagmamalaki iyon. Pero kung iisipin mo, bayad lang ba sa eskuwelahan ang mahalaga sa isang bata? Paano na ang ibang pangangailangan niyon? Paano na ang kakainin niyon araw-araw? Mas malaki iyon. Panay na …

Read More »

Bata at matanda, nababaliw sa JaDine

DUMATING na ang moment of truth. Hindi lamang ilalabas na ang unang pelikula nina James Reid at Nadine Lustre, matapos na umamin sila ng kanilang relasyon. Iyong pelikulang This Time ay maglalagay  sa kanila sa isang pagsubok, kasi nasabayan sila ng isa pang pelikulang Filipino. Pero honestly, palagay namin panalo riyan ang Jadine. Bakit namin hindi sasabihing panalo iyong Jadine …

Read More »

Hubad na larawan ng mga actor, ginawang video scandal

NATAWA kami roon sa nabalitaan naming isa pa raw scandal. May video scandal nga, pero hindi talaga video iyon kundi mga dating picture ng mga artistang lalaki na nakahubad at siyang inipon at ipinakita sa video. Marami sa mga picture na iyon ay totoo. Hindi pa naman uso ang photoshop noong araw, at hindi pa digital ang mga picture noon. …

Read More »

Marian kakalabanin sina Jolens, Karla at Melai

TALK about morning programs. Ang unang nagsimula ng showbiz morning talk show noong araw ay si Kuya Germs. Nang matapos iyon, sumunod naman iyongKatok Mga Misis ng yumao na ring si Giovanni Calvo. Iyon naman ang sinundan ng Sis nina Janice de Belen, Gellie de Belen, at Carmina Villaroel. Kung iisipin mo, iyang GMA 7 nga ang naging pioneer sa …

Read More »

Mga artistang nag-eendoso ng politiko, ‘di na epektibo

NABANGGIT na rin lang iyang kampanya. Naniniwala pa ba kayong may magagawa ang mga artistang nag-eendoso ng mga kandidato? Kung kami ang tatanungin, palagay namin ay wala na. Tingnan ninyo, iyong mga kandidatong unang inendoso ng mga sikat na artista, at ineendoso ng pinakamaraming artista, dahil may bayad siyempre. Hindi naman sila nangunguna sa ratings. Kung pinaniniwalaan ba ang endorsement …

Read More »

Nora, nakalimutan na naman ang pagpapa-opera dahil sa pangangampanya

MUKHANG nabubuhos na naman ang kalooban ni Nora Aunor sa pagkakampanya. Madalas naming makita ang kanyang mga picture na may suot pang T-shirt ng kandidatong ikinakampanya niya. Mukhang dahil doon ay nakalilimutan na naman niya ang sinasabi niyang pagsisikap na makaipon ng pera para makapagpaopera na siya ng kanyang lalamunan sa US sa July. Pero nagkakabiruan nga, baka naman walang …

Read More »

Yohan Hwang, deserving ang pagkapanalo sa I Love OPM

MARAMI ang nagsasabi, deserving naman ang Koreanong si Yohan Hwang na siyang nanalo roon sa I Love OPM, isang contest ng mga dayuhang kumakanta ng original Filipino music. Pero hindi iyan ang unang pagkakataon na napanood naming kumakanta ng musikang Filipino si Huwang. Noong araw pa nagiging guest siya sa ibang TV shows, maliliit nga lang, at talagang kumakanta na …

Read More »

Mga artistang nagpabayad ng milyon sa mga politiko, nanganganib

MAY nagsabi sa amin, kung iyan daw mga artistang tumatanggap ng milyon-milyong pisong bayad mula sa mga politikong ikinakampanya nila ay patuloy na magsisinungaling at sasabihing hindi sila binayaran, malamang pagdating ng araw ma-trouble sila. Sa nangyayaring controversy ngayon sa ating bansa dahil sa money laundering mula sa perang ninakaw sa Bangladesh, aba binabantayan ng awtoridad lahat ng mga banko. …

Read More »

Mga artistang nag-eendoso ng politiko, ‘di totoong walang bayad

KAMI man, hindi kami naniniwala na iyang mga artistang tuwirang nangangampanya para sa mga kandidato, lalo na iyong mahihina naman ang ratings, ay nangangampanya ng walang bayad. Iyong isa ngang love team eh, ikinuwento pa sa amin kung sino ang mga taong naging “go between” kaya nag-endorse ng kandidato, pati na kung magkano ang bayad, nagkakaila pa eh. Natural magkakaila …

Read More »

Aljur, muling binigyan ng trabaho ng GMA

SUWERTE pa rin iyang si Aljur Abrenica. Isipin ninyong matapos ang lahat ng nangyari, na idinemanda ang kanyang home network noon at sinasabing hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kanya at sa kanyang career, binigyan pa rin siya ng pagkakataon. Ngayon may prime time series pa siya na katambal si Janine Gutierrez, iyong Once Again. Aba kung sa ibang network …

Read More »

Jessy, wa ker sa mga basher

ANG sabi ni Jessy Mendiola, kung may nakikita man siyang mga basher na sinisiraan siya, deadma na lang siya. Hindi na lang niya pinapansin. Tama iyon. Bakit mo naman papansinin ang mga basher? Kung iyang mga basher ay papatulan mo, mas gusto nila iyon dahil tiyak sasagot pa sila. Hahaba pa ang usapan. Eh kung magtatahol man sila at walang …

Read More »

Pagkawala ng show ni Robin, pinanghihinayangan

NGAYONG nawala na ang game show ni Robin Padilla at saka naman marami ang nanghihinayang na nawala iyon. Ngayon nila na-realize na hindi lang pala entertaining ang show, kundi nakatutulong pa sa mga barangay na nadadalaw niyon. Eh kasi naman, bakit noong may show pa ay hindi nila pinanood. Natural hindi tumaas ang ratings at ano nga ba ang maaasahan …

Read More »

DOLE, makikialam na sa oras ng trabaho sa TV at pelikula

EWAN kung ano ang mangyayari sa pagpasok ng Department of Labor and Employment sa usapan tungkol sa working hours sa pelikula at telebisyon. Noong araw pa ay may usapan na ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula, na kinakatawan ng kanilang mga guild, ang mga producer na kinakatawan naman ng kanilang mga asosasyon, ang PMPPA at IMPIDAP, gayundin ang Film …

Read More »

Nora, ‘di na naman kasama sa mga idedeklarang National Artists

MATAPOS ang mahabang panahong paghihintay, finally pinarangalan na ang mga bagong national artists ng Pilipinas. Finally matatanggap na nila hindi lamang ang karangalan kundi ang commitment ng pamahalaan na tutulungan sila para isulong ang mas marami pang proyekto para sa sining na kanilang susuportahan. Pero kagaya nga ng maliwanag hindi kasali roon si Nora Aunor, na siyang sinasabing nakakuha ng …

Read More »