Sunday , December 22 2024

Ed de Leon

Sunshine, nakikipag-date na nga ba?

  MALAKAS ang bulong-bulungan ngayon sa social media tungkol sa “nakaka-date” umano ni Sunshine Cruz lately. Si Sunshine mismo, wala namang sinasabi tungkol sa mga bagay na iyon. May nakakuha lang ng picture na inaalalayan si Sunshine sa pagtawid sa kalye, iba na ang inisip ng ibang tao. Kasi naman, alam nilang apat na taon na rin namang hiwalay si …

Read More »

Mark, araw-araw ipinagdadala ng pagkain ni Alma

  NAKASUOT na siya ng T-shirt na dilaw, na karaniwang suot ng mga detainees sa jail, naka-suot na ng tsinelas. Binigyan naman siya ng unan, pero kasama siya sa selda ng mahigit na 100 iba pang detainees sa Angeles City district jail. Kagaya rin ng ibang detainees, ang maibibigay lang na pagkain sa kanya sa jail ay may budget na …

Read More »

Mark Anthony, Krista at Sabrina M., nasa maaayos na kalagayan

MAAYOS naman ang kalagayan ni Mark Anthony Fernandez sa Station 6 ng Angeles City Police. Solo siya sa isang kulungan na para sana sa mga babaeng detainee. May kutson siyang hinihigaan, may electric fan at may sariling CR sa loob ng selda. Malaking kaluwagan na iyan kaysa mga siksikang selda ng ibang bilanggo. Pero siguro nga para sa isang kagaya …

Read More »

Aktor, buko na ni misis na nagsa-sideline sa mga bading

BUKO na ang male starlet. Alam na pala ng kanyang misis ang “pagsa-sideline niya sa mga bading”. Mukhang may mga nakakita na sa kanyang ginagawang pagpasok-pasok mag-isa sa mga hotel at ano nga ba ang iisipin mo kung ganoon eh dati na naman siyang may record sa kanyang pagsa-sideline. Noon nga nakipag-live in pa siya sa bading bago siya nag-asawa. …

Read More »

Relasyon ni Doc kay male star, kalat na kalat na

ANG lakas ng mga tsismis tungkol kay Doc. Mga artista ring malapit sa kanya ang nagkakalat ngayon ng kanyang umano’y relasyon sa isangmale star. Matagal nang pinagdududahan ang gender ni Doc pero hindi naman siya out eh. May pamilya rin si Doc. Pero hindi kasi siya maingat eh. Nakikita siya sa mga public place na may kasamang kung sino-sinong nakapagdududa …

Read More »

Daniel at James, dahilan ng pagsikat nina Kathryn at Nadine

NAPUNA lang namin, mas maraming magagandang comments sa ipinakitang acting ng actor na si Daniel Padilla sa kanilang huling pelikula kaysa ka-love team na si Kathryn Bernardo. May mga nagsasabi pang sa love team nila, si Daniel ang talagang nagdadala. Ganoon din naman ang sinasabi nila sa JaDine, na tangay lang ng popularidad ni James Reid ang ka-love team na …

Read More »

Aktor na produkto ng dance contest, pa-booking sa halagang P15K

NASALUBONG namin ang isang bading na sinasabing may mga “sideline” at “connections” sa showbusiness at ikinuwento niya sa amin ang isangmale starlet na nagmula sa isang dance contest at isang men’s personality contest ng isang fish product na umano ay “nagpapa-booking” sa halagang P15,000 lang. Bakit naman kaya nangyayari ang ganoon? ( Ed de Leon )

Read More »

Bagets na nadamay sa krimen, may career pa sana

PATULOY pa ring subject ng mga usapan ang dalawang bagets na tumigok sa isang barangay captain. Hindi natin mabanggit ang mga pangalan dahil minor iyong isa, pero lumalabas na siya pala ang mas sikat. Bukod sa rati nga siyang dancer sa Walang Tulugan, nagkaroon pala siya ng role doon sa book 2 ngPangako sa Iyo. Ibig sabihin, tumatakbo na sana …

Read More »

Aga, malaking factor sa Pinoy Boyband Superstars

KUNG iisipin mo, ang talagang stars doon sa Pinoy Boyband Superstars ay iyong mga contestant. Sila talaga ang dapat na bigyang pansin. Sila ang naglalaban eh. Iyong judges na naroroon ay parang support lamang nila, para magkaroon naman ng star value ang show. Pero siguro nga, dahil sa tagal ng panahon na hindi napanood si Aga Muhlach kahit na saan …

Read More »

Daniel, sisikat pa rin kahit sino ang ipareha (Sakaling ‘di nasangkot si Albie sa buntis issue)

ANG tsismis, nagmamadali raw umalis si Andi Eigenmann sa isang affair at halatang umiiwas na makausap ng press. May dahilan naman siya. Siguro hindi pa siya handa na magsalita tungkol sa pagkakabulgar sa publiko ng katotohanan na ang ama ng kanyang anak ay si Jake Ejercito. Bagamat marami naman ang nakaaalam niyan, narinig namin iyan mula mismo kay Andi, kaya …

Read More »

Dating aktor sa sobrang hirap, kahit barya, tinatanggap na

  MAY isa kaming source na nagsabi sa amin, mukha daw talagang naghihikahos sa ngayon ang isang dating male star dahil wala siyang trabaho at kailangan niyang sustentuhan ang dalawa niyang anak. Ang inaasahan lang niya ay ang ipinadadalang pera sa kanya ng kanyang girlfriend na Japayuki, pero siyempre hindi naman sapat iyon. Kaya nga daw kahit na ang totoo …

Read More »

Cong. Vilma, concerned lang sa mga papangalanang umano’y sangkot sa droga

CONCERNED lang naman siguro si Congresswoman Vilma Santos sa kanyang mga kapwa artista nang sabihin niyang hindi siya pabor sa basta na lamang ibunyag ang mga pangalan ng mga artistang pinaghihinalaang sangkot sa droga. After all, sabi nga ni Ate Vi, karamihan naman sa mga iyan ay mga “user” lamang na siguro kailangan ngang tulungang magpa-rehab. Hindi naman sila mga …

Read More »

Barcelona, pinanonood at pinipilahan sa lahat ng sinehan

HINDI kami nagduda noong sabihing kumita na ng mahigit na P100-M ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, iyong Barcelona. Ipalabas ba naman iyon sa 270 (actually nadagdagan pa siya kaya naging 350 na—ED) sinehan, puwede bang hindi kumita iyon ng ganoon kalaki? Kung hindi naman marami ang nanonood, papayag ba ang mga may-ari ng sinehan na paghahatian ng …

Read More »

Dating talent ng Walang Tulugan, suspek sa pagpatay at pagnanakaw

NOONG mapanood namin sa news sa TV ang tungkol sa isang barangay chairman ng Maynila na napatay sa pamamagitan ng pagsakal ng electric wire at sagasaan pa ng ilang ulit, hindi namin masyadong pinansin iyon. Maliwanag naman ang motibo, pagnanakaw, dahil nawala ang kanyang bag na sinasabing naglalaman ng P300,000 na kinuha niya sa banko na pang-suweldo ng mga tao …

Read More »

Fanny Serrano, on the way na to recovery

NATUWA naman kami sa narinig naming balita na mabilis naman pala ang nagiging recovery ng beauty guru na si Fanny Serrano. Nagkaroon ng isang mild stroke si Tita Fanny at isinugod nga sa Heart Center na roon nanatili sa ICU ng ilang araw. Ngayon naman daw ay on the way to recovery na siya, bumaba na rin ang kanyang blood …

Read More »

Pagdagdag ng character sa serye, ‘di solusyon sa pagtaas ng ratings

MABILIS naman palang nag-apologize iyong TV writer na nagsabing walang nagbabasa ng mga tabloid. Nagpaliwanag din siya na hindi naman niya nilalahat, at iyon ay patungkol lamang sa isang writer na nilait naman kasi ang kanyang pagkatao. Siguro nga hindi naman niya intention na awayin ang lahat, mali nga lang ang pagkakasabi niya. Anyway, nabanggit na lang din iyan, gusto …

Read More »

Tropeo ni Ate Vi, nagsisiksikan na sa isang kuwarto

MAY isang fan ni Congresswoman Vilma Santos-Recto na nagpadala sa amin ng isang text message mga ilang linggo na ang nakaraan at nagsabing si Ate Vi nga raw ang bibigyan ng “golden reel award” ng Film Academy of the Philippines. Hindi namin pinansin ang nasabing message, sabi nga namin maghihintay muna kami kung ano ang talagang balita. Kasi wala ka …

Read More »

Movie ni JLC ang dapat na ipinadala sa Oscars

SAYANG, hindi iyong pelikula ni John Lloyd Cruz ang ipinadala sa Oscars. Iyong pelikulang iyon ay napanood namin at palagay namin ay maganda. At least ang pelikula ay naipalabas sa mga sinehan at kumita rin naman kahit na paano. Hindi iyong nagmamakaawa sa mga manonood na panoorin naman ang pelikula nila. Iyon ang madalas naming tinatanong, kailann nga ba tayo …

Read More »

Pagiging no. 1 loveteam ng KathNiel, naibalik dahil sa Barcelona

MUKHANG nakatulog lang naman sandali ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo habang wala sila sa showbusiness at naging abala sa pagkakampanya noong nakaraang eleksiyon. Iyon ang dahilan kung bakit nasasabi noon na nalampasan na ng AlDub at maging ng JaDine ang kanilang popularidad. In fact naging accepted fact iyan na number one ang AlDub at number two naman …

Read More »

Ang Babaeng Humayo, umani ng papuri sa Toronto Filmfest; local screenings sa bansa, ikinakasa na

MATAPOS gumawa ng kasaysayan sa Philippine cinema sa pagkapanalo sa prestihiyosong Golden Lion for Best Film sa katatapos lang na Venice Film Festival, muling gumawa ng ingay mula sa film critics ang pelikulang Ang Babaeng Humayo sa North American premiere nito sa Toronto International Film Festival (TIFF). Sa review na isinulat ni Lorenzo Esposito ng Cinema Scope, sinabi niya na, …

Read More »

Mga pelikulang nananalo ng int’l. award, walang commercial value

Movies Cinema

NANALO na namang best actor sa isang minor international film festival si Allen Dizon. Nanalo rin ang isang pelikula ni Lav Diaz na best picture sa Venice Film Festival. Hindi lang iyan. Kapapanalo lamang ni Jacklyn  Jose bilang best actress sa Cannes. Maraming international awards ang napapanalunan ng mga pelikulang Filipino sa abroad. Pero isa man sa mga pelikulang nanalo …

Read More »

Magpahanggang Wakas, tiyak na magiging paboritong teleserye

MAY mga nagsasabi na karamihan sa malalakas na leading men ay may edad na, kagaya nina Richard Gomez at Aga Muhlach. Kung hindi naman ay mga bata pa, kagaya nina Daniel  Padilla, James Reid, at Alden Richards. Wala raw tayong mga leading man na middle age na hinahabol pa rin ng fans. Mukhang nagkakamali ang nagsasabi ng ganyan. Mukhang nakalilimutan …

Read More »