Monday , December 23 2024

Cynthia Martin

De Lima umuwi para maghanda (Habang hinihintay ang aresto)

TULOY ang laban. Iginiit ito ni Senator Leila De Lima makaraang lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya. Ayon sa senadora, hindi pa naisisiilbi ang warrant  of arrest kaya nais niya munang makauwi sa kanilang ta-hanan. “Sa ngayon, wala pa sa aking isini-serve bagama’t kuwestiyonable ang pag-iisyu ng warrant of arrest  sa aki,” ani De Lima. Dahil dito, nagpasiya …

Read More »

Jee Ick Joo plano talagang patayin — PNP

INIHAYAG ni Philippine National Police Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM) chief, Sr. Supt. Glen Dumlao, talagang target na patayin ang Korean trader na si Jee Ick Joo. Sa pagdinig sa Senado ukol sa “tokhang for ransom” o pagdukot at pagpaslang kay Jee Ick Joo, sa pagtatanong ni Senadora Leila De Lima, sinabi ni Glen Dumlao, sa kanilang mbestigasyon, …

Read More »

Resolusyon sa drug cases vs De Lima ilalabas na (Aguirre kakasuhan ni De Lima)

POSIBLENG ilabas na ano mang araw ngayong linggo, ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa isinampang mga kaso laban kay Sen. Leila de Lima, dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, baka hindi na lumagpas nga-yong linggo, ilalabas na ng Department of Justice (DoJ) ang resolusyon sa graft …

Read More »

Common Station Project walang konsultasyon sa commuters

HINDI nagkaroon ng konsultasyon sa commuter group ang  P2.8 billion Common Station Project para sa LRT 1, MRT 3, at MRT 7, ito ang nabatid sa pagdinig ng Senate committee on public services, pinamumunuan ni Senadora Grace Poe. Kaugnay nito, tutol si Bayan Secretary General Renato Reyes sa mga lugar ng common stations sa kahabaan ng EDSA, na magsasakripisyong maglakad …

Read More »

Sombero iniutos ni Gordon arestohin

IPAAARESTO ni Senate blue ribbon committee chairman, Sen. Richard Gordon, si dating C/Supt. Wally Sombero, kapag bumalik sa Filipinas. Si Sombero ang itinuturong bagman at middleman ni Jack Lam, para suhulan ng P50 milyon ang ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI), para pakawalan ang hinuling 1,316 Chinese undocumented workers. Ayon kay Gordon, nabigo ang kampo ni Sombero na …

Read More »

Leila ikukulong sa ordinary jail

NANINIWALA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, posibleng makulong si Senadora Leila de Lima sa ordinaryong kulungan, sakaling lumabas na ang warrant of arrest sa kaso, kaugnay sa ilegal na droga. Sinabi ni Pimentel, hindi “exempted” ang mga senador sa criminal liability lalo na kung ang parusa ay pagkabilanggo nang anim taon pataas. Ipinaliwanag ni Pimentel, ang drug cases …

Read More »

Biyahe ng police scalawags sa Basilan inaayos na (Parusa pinaboran ni lacson)

ping lacson

INAAYOS na ng PNP sa Philippine Air Force (PAF), ang eroplanong sasakyan ng mahigit 200 police scalawags, na i-dedestino sa Mindanao. Sinabi ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), agad silang magsasagawa ng koordinasyon sa PAF, kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, na idestino sa Basilan ang mga tiwaling pulis. Dagdag niya, maglalaan ng …

Read More »

9 senador tutol sa death penalty

dead prison

SIYAM senador ang tutol sa pagpapabalik sa death penalty, bilang parusa sa karumal-dumal na krimen. Nagpahayag ng pagtutol sa pagpapabalik sa death penalty, sina Senador Richard Gordon, Senador Franklin Drilon, Senador Francis Pangilinan, Senador Bam Aquino, Senadora Risa Hontiveros, Senadora Leila De Lima, Senador Ralph Recto, Senador Antonio Trillanes IV, at Senador Francis Escudero. Sinabi ni Escudero, delikado at nakatatakot …

Read More »

De Lima, Topacio nagkainitan sa Senado

NAPIKON si Sen. Leila De Lima kay Atty. Ferdinand Topacio ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), nang  mabanggit sa pagdinig ang drug trafficking issue tungkol sa senadora. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on justice and human rights, pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, isa sa ipinatawag ang grupo ni Topacio, upang magbigay ng posisyon kung bakit sila pabor …

Read More »

No killings ikinagulat ng Senado

NAHIHIWAGAAN sina Senador Panfilo Lacson at Senadora Leila De Lima, dahil walang naitalang vigilante killings, at walang napatay ng riding-in-tandem sa buong magdamag, makaraan tanggalin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang “Oplan Tokhang” at buwagin ang anti-illegal drugs group sa PNP. Nagulat si Lacson nang tanungin ng mga mamamahayag sa Senado kung ano …

Read More »

Lifestyle check sa PNP inaapura

DAPAT nang isailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Inihayag ito ni Senadora Grace Poe, nang malantad na maraming tiwaling pulis ang kwestiyonable ang mga ari-arian partikular si SPO3 Sta. Isabel, sangkot sa tokhang for ransom ng Korean trader na si Jee Ick Joo Binigyang diin ni Poe, sa nakaraang pagdinig sa Senado, sinabi ni …

Read More »

Reinvestigation sa Mamasapano suportado ni Lacson

SUPORTADO ni Senador Panfilo Lacson ang muling pag-iimbestiga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tinaguriang Mamasapano tragedy na ikinamatay ng 44 miyembro ng PNP-SAF, sinasabing brutal na pinatay ng grupo ng BIFF, MILF at private army. Sinabi ni Lacson, kung ang pananaw ni Pangulong Duterte na marami pang dapat na malaman sa likod ng trahedya, karapatan niyang muling buksan ang pagdinig …

Read More »

Share ng solons sa PCSO inupakan ni Lacson

KINUWESTIYON ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang share na natatanggap ng mga kongresista mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil wala aniyang institutionalized treasurer ang mga mambabatas. Ayon kay Lacson, hindi siya tutol kung may makukuhang share ang municipal o city mayor dahil meron itong municipal treasurer, at magiging additional budget ito sa municipal government, city government at provincial …

Read More »

P13.9-B utang ni Jack Lam sa PAGCOR (800 Chinese sa Fontana nakatakas — Aguirre)

UMAABOT sa P13.9 bilyon ang utang ng negosyanteng si Jack Lam sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Sa pagdinig ng Senado kaugnay ng bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI), sinabi ni PAGCOR associate vice president Arnel Ignacio, aabot lamang sa isang porsiyento ang inire-remit ni Lam sa kanyang kita sa junket operations. Ngunit hindi niya matantiya ang eksaktong …

Read More »

Media idinepensa ni Drilon (Misreporting sa martial law?)

IPINAGTANGGOL ni Senate President Pro-tempore Franklin Drilon ang mga mamamahayag sa naging akusasyon ng Presidential Communication team ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa sinasabing “misreporting” ng media sa isyu ng martial law. Iginiit ni Drilon, tama ang naging report ng mga mamamahayag sa naging mga pahayag ng pangulo kaugnay sa pagdedeklara ng martial law. Sinabi ni Drilon, ang mga news …

Read More »

Ospital na tatanggi sa buntis kakasuhan

PLANONG magsagawa ng imbestigasyon si Senadora Rissa Hontiveros kaugnay sa mga insidente nang pagtanggi ng mga ospital sa mga buntis, habang binigyang diin na maaaring makasuhan ng paglabag sa Anti-Hospital Deposit Law ang dalawang ospital na tumangging i-admit ang isang pasyenteng manganganak kamaka-ilan. Matatandaan, nagreklamo ang isang buntis na inabot ng panganganak sa loob ng taxi noong 11 Enero, makaraan …

Read More »

Patayan sa PH grabe na, itigil na De Lima

IDINIIN ni Sen. Leila De Lima ang kahalagahan ng pagdinig ng komite sa Senado sa isyu ng maraming insidente ng extra-judicial executions sa bansa. Ayon sa senadora, chairperson ng Senate Committe on Justice and Human Rights, ang focus ng imbestigasyon ay isyu ng ‘criminal act’ at hindi prosekusyon at pagharang sa kampanya ng pulisya sa ilegal na droga. “Mayroong nakikisakay …

Read More »

Kahit mahirap puwedeng maging piloto — Lacson

KAHIT mahirap o anak ng ordinaryong mamamayan, puwede nang maging piloto ng Philippine Air Force (PAF). Ayon kay Senador Panfilo Lacson sa sandaling maisabatas ang panukala niyang Senate Bill 259, layong buuin ang Philippine Air Force Academy (PAFA) na tatanggap sa lahat ng kuwalipikadong estudyante na nais maglingkod sa pamahalaan bilang piloto ng PAF. “The PAFA will fulfill the constitutional …

Read More »

Walang budget sa taas-suweldo ng pulis, sundalo (Diokno pumiyok)

PINAGSABIHAN ni Senador Antonio Trillanes IV si Budget Secretary Benjamin Diokno, na payuhan si Pangulong Rodrigo Duterte na magdahan-dahan sa pagbibigay ng pangako. Tinukoy ni Trillanes ang pangako ng Pangulo na kanyang dodoblehin ang suweldo ng mga sundalo at pulis, simula ngayong  Agosto. Sa pagdinig ng Senate Committee on Civil Service Government Reorganization and Professional Regulation na pinamumunuan ni Trillanes, …

Read More »

Laban idinepensa ni Senator Pacman

AGAD dumepensa si Sen. Manny Pacquiao makaraan kompirmahin na tuloy ang muling pag-akyat niya sa ring sa Nobyembre ngayong taon. Una nang napili ni Pacman na labanan ang American boxer na si Jessie Vargas. Ito ay sa kabila na nag-anunsiyo siya noong huling laban kay Timothy Bradley, na magreretiro na siya. Ngunit sinasabi ngayon ni Manny, ang boxing daw ang …

Read More »

Reso sa Senate probe vs drug killings inihain ni De Lima

INIHAIN na ni Sen. Leila de Lima ang kanyang panukalang magdaos ng imbestigasyon ang Senado kaugnay ng mga pagpatay sa ilang drug suspect sa nakalipas na mga araw. Batay sa Senate Resolution No. 9, hinimok ni De Lima ang mataas na kapulungan ng Kongreso na alamin kung ano ang ginagawa ng mga alagad ng batas sa mga pangyayaring ito. Layunin …

Read More »

Taas-sahod ng pulis inihain sa Senado

INIHAIN na sa Senado ang panukalang humihiling na itaas ang sahod ng mga tagapagpatupad ng batas sa bansa, partikular ang Philippine National Police (PNP). Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, ito ang isa sa mga pangako na kanyang binitiwan nang tumakbo siya sa pagka-bise presidente bilang katambal ng noo’y presidential candidate na si Rodrigo Duterte. Kilala bilang Philippine National Police …

Read More »

Tax exemption sa P30K-wage earners prayoridad ng Senado

PRAYORIDAD ng ilang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ang paghahain ng panukalang batas para sa pagkakaroon ng tax exemption ng mga empleyado na tumatanggap ng P30,000 o mas mababa. Ayon kay Senadora Nancy Binay, sa pagbubukas ng 17th Congress, ito ang tamang panahon para sa middle income na mabawasan ang binabayaran nilang buwis. “Ito na po ang panahon na mabigyan …

Read More »

‘Constitutional dictatorship’ kabaliwan — Nene

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinuligsa ni dating Senate president at PDP-Laban founding chairman Aquilino “Nene” Pimentel, Jr., si incoming presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo sa ipinalutang na posibleng constitutional dictatorship sa ilalim ng Duterte administration. Ito ay makaraan igiit ni Panelo na tanging nasa katauhan lamang ni President-elect Rodrigo Duterte ang pagsisilbi bilang constitutional dictator dahil sa taglay na …

Read More »