PATUNAY na isa sa pinakahinahangaang personalidad sa bansa si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang mapabilang sa listahan ng “Most admired men and women in the Philippines in 2020.” Naigawad kay Mayor Isko ang ikatlong puwesto sa listahan na pinangunahan naman nina Pangulong Rodrigo Duterte at pumangalawa si Philippine boxing icon Senador Manny Pacquiao. Base sa talaan, si Yorme …
Read More »Mass swab test libre sa Maynila
INIUTOS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagsasagawa ng libreng mass swab test sa market vendors, mall employees, hotel staffers, restaurant workers, e-trike drivers, tricycle drivers, pedicab drivers, jeepney drivers at bus drivers bilang bahagi ng kanyang pinalawig na hakbang laban sa CoVid-19. Base sa Executive Order No. 39, inatasan ng alkalde ang Manila Health Department (MHD) na magsagawa …
Read More »Kawit DEU chief, 5 pulis sinibak
SINIBAK sa puwesto ni Police Regional Office 4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang hepe at limang miyembro ng Kawit Municipal Station – Drug Enforcement Unit matapos mag-viral sa video ang sinabing ilegal na paghuli sa isang babae noong nakaraang linggo sa Barangay Tabon 2, Kawit, Cavite. Base sa ulat na nakarating kay P/BGen. Danao, inaresto ng grupo ni …
Read More »Hepe, 5 pa sinibak ni Gen. Danao (Sa viral video sa Cavite)
TINANGGAL sa puwesto ni PNP-PRO4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang hepe at limang miyembro ng Kawit Municipal Station-Drug Enforcement Unit matapos mag viral sa video ang ilegal na paghuli sa isang babae noong nakaraang linggo sa Bgy. Tabon 2, sa bayan ng Kawit, lalawigan ng Cavite. Base sa ulat na nakarating kay P/BGen. Danao, inaresto ng grupo ni …
Read More »P30-M colorful dancing fountain sa Anda Circle masisilayan na (Maynila may bagong selfie area)
MASASAKSIHAN na ng mamamayan ang isang proyekto ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nagkakahalaga ng P30 milyon — ang makulay na dancing fountain sa Anda Circle, Port Area, Maynila. Ibinida ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na ang naturang proyekto ang bagong lugar sa Maynila kung saan puwedeng mag-selfie. Tinawag na Rotonda Anda, ang naturang proyekto na nagsisilbing …
Read More »Preso nakatakas, pulis palit hoyo
KALABOSO ang isang pulis nang makatakas ang isang ‘inmate’ ng Manila Police District-Station 11 dahil kailangang dalhin sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang miyembro ng MPD-Station 11 na si P/SSgt. Warren Castillo, 44, sa paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code (Conniving with or Consenting to Evasion) sa reklamong inihain …
Read More »Mag-aalahas, 2 pa sugatan sa ‘5 unipormadong’ holdaper (Bodyguard na antigong pulis-Maynila itinumba)
WALANG balak lumaban at nakaluhod na pero binaril pa rin ng isang holdaper na naka-camuflajeng pansundalo ang isang pulis-Maynila na sinabing bodyguard ng isang negosyanteng mag-aalahas sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon. Patay agad ang biktimang pulis na si P/EMSgt. Roel Candido, 53 anyos, nakatalaga sa Manila Police District – Meisec Station (MPD-PS 11), residente sa Benita St., Gagalangin, …
Read More »23-anyos kalaboso sa sextortion
NADAKIP ng pinagsanib na operasyon ng Manila Police District, PRO-Calabarzon at RACU4A ang isang 23-anyos lalaki na inireklamo ng kasintahan dahil sa sextortion sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Maynila. Sa ulat ni MPD Station 3 commander P/Lt. Col. John Guiagui, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995, Article 268 (Anti-Photo and Video Voyeurism and Grave Coercion) …
Read More »Mass testing sa 17 public market prayoridad ng Manila LGU — Isko
NAKATAKDANG isailalim ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mass testing ang mga vendor sa 17 public market sa lungsod ng Maynila sa pagbubukas ng panibago at ikalawang RT-PCR molecular lab sa Sta. Ana Hospital. Nabatid na prayoridad ni Mayor Isko ang kapakanan ng mga negosyante at residente sa lungsod kaya’t inatasan sina Manila Health Department director, Dr. Poks Pangan, …
Read More »Libreng “telemedicine” inilunsad sa Maynila (Non-contact consultation sa GABMMC)
KAPAKINABANGAN para sa mga mamamayan ang prayoridad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kaya isang panibagong paraan kontra CoVid-19 ang inilunsad sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), Lungsod ng Maynila. Ayon kay Moreno, ang mga pasyenteng magpapakonsulta ay hindi na kinakailangan magtungo sa ospital, kinakailangan lamang matutunang gumamit ng bagong pamamaraan na “telemedicine.” Ang “telemedicine” ay inisyatiba ng …
Read More »Lalaki sinita ng parak dahil walang face mask kumasa sa resbak
RUMESBAK ang isang lalaki nang sitahin ng mga miyembro ng Manila Police District (MPD) na nagba- bike patrol nang maispatan na walang suot na facemask kahapon ng umaga sa McArthur Bridge, sa Ermita, Maynila. Sa inisyal na ulat ng Lawton Police Community Precinct (PCP), isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang sugatang suspek na kinilalang si Joel …
Read More »Health protocols mahigpit na ipatutupad sa Manila cemeteries
MAHIGPIT na ipatupad ang health protocols sa publiko na maagang bibisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North at South Cemetery. Ito ang iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang mga tauhan. Ang pahayag ni Moreno ay bunsod ng ulat nina Yayay Castañeda, administrator ng Manila North Cemetery (MNC) at Jess Payad, administator …
Read More »Pagsugpo sa Covid-19 prayoridad ni Mayor Isko hindi politika (Sa darating na national elections)
PAGSUGPO sa nakamamatay na sakit na coronavirus (CoVid 19) ang tanging prayoridad ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at hindi muna ang politika para sa kapakanan ng mga mamamayan sa lungsod ng Maynila Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa virtual na Kapihan sa Manila Bay nang tangungin tungkol sa ulat na may nakikipag-usap sa kanya upang tumakbo sa …
Read More »Bagong CoVid-19 lab sa Sta. Ana Hospital
KARAGDAGANG CoVid-19 Laboratory ang itinatayo sa Sta. Ana Hospital upang maisalang ang mga residente ng Maynila sa swab test sa ilalim ng programa ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Inianunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagtatayo matapos tanggapin, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna at Secretary to the Mayor Bernie Ang, ang donasyon na dalawa pang karagdagang machine. …
Read More »Hit & run driver vs frontliner sumuko kay Isko
ISINALONG ang sarili, kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ng driver na naka-hit and run sa isang frontliner na nurse, makalipas ang siyam na araw na pagtatago. Kahapon, pasado 3:00 pm nang sumuko kay Mayor Isko sa Manila City Hall, ang suspek na kinilalang si Mohamed Ali Sulaiman, 27 anyos, na umaming siya ang nagmamaneho ng kulay itim na Mitsubishi …
Read More »Isko nagbabala vs pulis kotong
SERYOSONG nagbabala si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng miyembro ng Manila Police District (MPD) na magtatangkang mangotong sa mga vendor sa pamamagitan ng kapalit na pabor para makapagtinda sa mga ipinagbabawal na lugar. May paglalagyan aniya ang mga pulis na magtatangkang mangotong ayon kay Mayor Isko. Sa Facebook live broadcast ni Moreno, winarningan niya ang isang alyas …
Read More »4 tindahan ipinasara ni Yorme (Maynila ginawang probinsiya ng China)
SINILBIHAN ng closure order ng Manila City Hall – Bureau of Permit Licensing Office (BPLO), ang apat na cosmetic stores sa Binondo na una nang sinita dahil sa pagbebenta ng beauty products na may address na Sto. Cristo St., San Nicolas, Manila Province, P.R. China sa kanilang label o packaging. Ayon sa ulat, ikinasa ang pagsalakay dakong 3:30 pm ng …
Read More »Jueteng bistado sa nahuling kobrador
NADAKIP ng Manila Police District (MPD) ang isang kobrador ng easy two o jueteng sa isinagawang operasyon, kamakalawa ng tanghali sa Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ng MPD Station 1, dakong 12:30 pm nang ikasa ang operasyon laban sa ilegal na sugal hanggang naaktohang nangingilak ng taya ang suspek na si Eduardo Nebreja, 58 anyos, sidecar boy, residente sa …
Read More »3 miyembro ng Agustin crime group nasakote
ARESTADO ang tatlong miyembro ng Agustin Crime Group makaraang magpositibo ang isinagawang buy bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ni MPD Abad Santos Station (PS-7) commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo, nakapiit sa kanilang presinto ang mga suspek na kinilalang sina Roniel Agustin, 27 anyos, at kapatid nitong si Raymat, 23, kapwa residente sa Dagupan Ext., Tondo; at …
Read More »Malate chief cop patay sa atake (2 MPD top official positibo sa CoVid-19)
MALUNGKOT na kinompirma ni Manila Police District (MPD) director BGen. Rolando Miranda na namatay ang isa sa kanyang police station commander matapos isugod sa Manila Medical Center nang makaramdam ng paninikip ng dibdib kamakalawa ng gabi sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng pang-unang lunas si Lt. Col. Michael Garcia, station commander ng MPD Malate …
Read More »Watawat sa NBI, inilagay sa half-mast
NAKIRAMAY ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpanaw ng kanilang dating director na si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim, kasabay ng pagbaba sa gitna (half mast) ng watawat bilang pakikidalamhati ng ahensiya. Si Lim ay tapat ay namuno at nagsilbing director ng NBI noong 23 Desyembre 1989 hanggang 20 Marso 1992. Ayon kay NBI OIC Eric Distor, si …
Read More »Bentahan ng alak puwede kahit MECQ, tsismisan bawal ( ‘Wag lang uminom sa kalye)
IPINAGBABAWAL ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pag-inom sa kalsada makaraang payagan ang bentahan ng alak sa Maynila kahit nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at ‘tsismisan’ sa komunidad o opisina upang makontrol ang pagtalsik ng ‘laway’ na maaaring pagmulan ng pagkalat ng coronavirus o COVID-19. Sa pahayag ng alkalde, nabatid na patuloy ang pagpapatupad ng kasalukuyang …
Read More »Alternative work arrangement sa LGU offices ikinasa ni Isko (Ngayong Modified ECQ)
INATASAN ni ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng departmento at tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ipatupad ang ‘alternative work arrangement’ ngayong panahon ng panibagong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod. Inilinaw ni Mayor Isko, kahit nasa MECQ dapat siguruhin ng lokal na pamahalaan na magpatuloy ang operasyon at pagkakaloob nila ng mga pangunahing …
Read More »Maritime police timbog sa parricide
INIHARAP ng Provincial Intelligence Branch na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Vicente Cabatingan kay Cavite Police Provincial Office Director (PD) P/Col. Marlon Santos ang nadakip na pulis na si Patrolman Ricky Rico ng Maritime Group makaraang silbihan ng warrant of arrest sa kasong parricide. Ayon sa imbestigador na si P/SSgt. Armin Matro ng General Trias CPS, naglabas ng warrant ang korte …
Read More »9 LSI sa Rizal Stadium nagpositibo sa rapid test
NAGPOSITIBO ang siyam na locally stranded individual (LSI) na kabilang sa mga naghihintay sa Rizal Memorial Stadium ng sasakyan pauwi sa kanilang mga lalawigan makaraang sumailalim sa rapid test para sa coronavirus disease coronavirus disease (COVID-19). Ang datos ay kinompirma ni Hatid Tulong program lead convenor Joseph Encabo at aniya inihiwalay na nila sa isolation ang mga nagpositibo. …
Read More »