Tuesday , January 25 2022

“Project Alis Lungkot” inilunsad sa OSSAM

PINALAKAS ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang kanilang libreng internet connection bilang paglulunsad kahapon sa Ospital ng Sampaloc (OSSAM) na tinawag na “Project Alis Lungkot” alay sa mga pasyente sa isolation para makasagap ng libreng internet access para makausap ang kanilang pamilya habang nasa proseso ng pagpapagaling sa ospital.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, umaasa siya na makababawas sa lungkot o stress na nararanasan ng mga pasyente habang sila ay nasa isolation at tuluyang nagpapagaling sa CoVid-19 o sa iba pang mga karamdaman.

Napagalaman na isa sa kinakaharap ng mga pasyenteng positibo sa CoVid-19 ang lungkot na mawalay sa pamilya sa panahon ng quarantine sa ospital kaya’t ang maayos na internet access ay malaking bagay para sa mga pasyente gayondin para makatulong sa mga OSSAM hospital workers na mas episyenteng makapaghatid ng serbisyo.

Pinuri ni Moreno si OSSAM Hospital Director Aileen Lacsamana, ang OSSAM Public Information Office at ang kanilang Information and Communication Technology (ICT) division  dahil sa nabanggit na inisyatiba.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply