INARESTO ang dalawang lalaki makaraang makompiskahan ng 115 pirasong party drugs na ectasy sa buy bust operation na isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa ng gabi sa lungsod. Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo ang mga nadakip na sina Tristan Jay Howard at Marcelino Avenido III. Ayon kay Talipapa …
Read More »Hotline 911 sa local call centers muna — DILG
INILIPAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local centers ang mga tawag sa Emergency Hotline 911 matapos magpositibo sa CoVid-19 ang dalawang call agent . Ayon kay DILG Spokesperson and Undersecretary Jonathan Malaya, lahat ng kanilang Emergency Telecommunicators (ETC), pati ang 10 CoVid Hotline agent ng Department of Health (DOH), na nakatoka sa E911, ay naka-home …
Read More »Medical frontliners, binigyang pugay sa Bantayog ng mga Bayani sa QC
BINIGYANG PUGAY ng iba’t ibang grupo ang medical frontliners na nagbuwis ng kanilang buhay para labanan ang CoVid-19 pandemic sa bansa. Nitong Lunes, nagtipon-tipon ang iba’t ibang grupo sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City kasabay ng paggunita sa sa Araw ng mga Bayani ngayon, 31 Agosto. Nag-alay sila ng dasal, bulaklak, at mensahe ng pasasalamat upang …
Read More »ASG, nabibigyan kasi ng pagkakataon para lumakas
NAKAPAGTATAKA bang nangyari ang kambal na pagsabog nitong Lunes sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 75? Hindi na at masasabing maaaring inaasahang mangyayari ang insidente. Bakit? Hangga’t buhay ang tropa ng mga lokal na terorista sa bansa partikular sa Mindanao, mangyayari at mangyayari ang pag-atake. Ang masaklap lang kasi, kapag nakagawa na ng malaking …
Read More »Utak na NCMH official, 6 kasabwat tinukoy at inasunto na sa QC (Director tinambangan)
IKINOKONSIDERA ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang kasong pagpaslang kay dating National Center for Mental Health (NCMH) Director Roland Cortez at kanyang driver na si Ernesto Dela Cruz, noong 27 Hunyo sa Brgyrangay Culiat, Quezon City. Ayon kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, maikokonsiderang lutas na ang krimen makaraang matukoy ang pitong suspek na kinabibilangang ng …
Read More »QC, naglabas ng guidelines sa barangay-based quarantine facilities
PARA makontrol at mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa mga komunidad, nagpalabas ng mga patnubay ang Quezon City government para sa mga barangay hinggil sa tamang pagtatayo at pag-operate ng kanilang sariling quarantine facilities. Sa direktiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, binigyan diin niya ang kahalagahan ng barangay-based isolation facilities sa paglaban sa nakamamatay na virus. …
Read More »70 construction sites sa QC, lumabag sa ‘safety protocols’
NABUKO ng Department of Building Official (DBO) ng Quezon City government na may 70 construction projects ang lumalabag sa “health and safety protocols” sa gitna ng pandemyang CoVid-19 sa isinagawang sorpresang inspeksiyon. “We have issued Cease and Desist Orders for the immediate stoppage of construction activities of these non-compliant projects,” ayon kay DBO head Atty. Dale Perral. Aniya, …
Read More »DILG sa Senado: P5-B pondo ilaan sa contact tracers
SA PATULOY na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng CoVid-19, umapela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Senado na ilaan ang P5 bilyon mula sa P162 bilyong pondo na malilikha sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One” bill, sa pagkuha at pagsasanay ng may 50,000 contact tracers upang palakasin ang contact tracing capability at maiwasan …
Read More »Pagpatay sa NDFP peace consultant, itinangging dahil sa anti-terror bill (Bangkay ‘hostage’ sa punerarya?)
WALANG kinalaman sa Anti-Terrorism Law ang pamamaslang kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant at chairman ng Anakpawis na si Randall “Randy” Echanis. Ito ang inihayag kahapon ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGeneral Ronnie Montejo matapos sabihin ng mga militanteng grupo na nagsisimula na ang bagsik ng anti-terror law na may kaugnayan sa pamamaslang kay …
Read More »QCPD back to back awards: Most Outstanding na, The Best District pa
HINDI pa man naaalikabukan sa estante ng Quezon City Police District (QCPD) ang katatanggap na plaque nitong 3 Agosto 2020 bilang NCRPO’s Most Outstanding Police District of the Year for Police Community Relations (PCR), heto umarangkada na naman ang QCPD. Muli kasing umakyat sa entabaldo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang tahimik, mapagpakumbaba at magaling ang pamumuno na …
Read More »NDF peace consultant pinaslang (Tadtad ng saksak at tama ng bala, Bangkay sapilitang kinuha ng 10 pulis ng QCPD La Loma)
PATAY at tadtad ng saksak nang matagpuan ang kinilalang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at isang kapitbahay matapos pasukin sa inuupahang apartment ng limang hindi pa kilalang salarin sa Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang mga biktima na sina …
Read More »Quarantine passes muling inilarga sa MECQ areas
INIHAYAG ni Department of Interior ang Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kailangan muli ng ‘quarantine passes’ ng mga residente sa mga lugar na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ). Ayon kay Año, vice chairperson ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, napag-usapan na nila ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang paggamit muli ng …
Read More »Sino’ng dapat sisihin sa MECQ part 2?
IKINANDADO na naman ang Metro Manila at mga karatig lalawigan. Simula nga pala ngayong araw, 4 Agosto 2020. Hindi naman ikinandado at sa halip inilagay uli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) bilang tugon sa panawagan ng mga doktor na isailalim sa mas restriktong quarantine ang National Capital Region (NCR). Katunayan ang kahilingan ng health workers ay enhanced …
Read More »Giyera ni PBG Nieves vs droga, kriminalidad, umarangkada na
HINDI nagkamali si PNP Chief, P/Gen. Archie Gamboa na ipagkatiwala ang pulisya ng Cagayan Valley Region kay P/Brig. Gen. Crizaldo G. Nieves bilang Police Regional Office (PRO 2) Director dahil ang opisyal ay hinog na hinog na sa pagkikipaggera laban sa iba’t ibang klase ng kriminalidad lalo sa sindikato ng ilegal na droga. Katunayan, ilang araw pa lamang ang …
Read More »Sa pagbuhay ng lotto sa 4 Agosto good news ba?
MASASABI nga bang good news ang pagpapalaro ng lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa 4 Agosto 2020? Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang PCSO ay isa sa ahensiya ng pamahalaan na may malaking naiaambag sa pagtulong o medikal na pangangailangan ng mga kababayan natin na lumalapit sa ahensiya. Bukod dito, batid din natin kung saan …
Read More »NCMH chief, driver itinumba sa SONA
SA KABILA nang mahigpit na pagbabantay at daang-daan pulis ang nagkalat para magbigay seguridad sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagawang malusutan at tambangan ng riding-in-tandem ang hepe ng National Center for Mental Health (NCMH) at ang driver nito sa Quezon City kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat kay Quezon City Police District (QCPD) …
Read More »2 Tsino, Pinoy, huli sa P136-M shabu
NAARESTO ng mga ahente ng Phlippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong big time drug dealer na kinabibilangan ng dalawang Chinesse national at isang Pinoy sa isinagawang buy bust operation kahapon ng hapon sa Quezon City. Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina Yao Yuan, Piao Hong, kapwa Chinese national, at Israel Ambulo. …
Read More »Resto bar owner, binaril sa ulo ng magdyowa
DALAWANG bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang resto bar owner makaraang barilin ng isang lalaki at babae na hinihinalang magkasintahan at nagpanggap na magpapa-reserve sa restaurant sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Mark Bien Urieta, 36, may asawa, negosyante at residente sa Emerson Bldg., E. Rodriguez Ave., Barangay …
Read More »PH nakakandado pero droga nakalulusot?
MARSO 15, 2020, ang petsang hindi malilimutan ng bawat Pinoy. Masasabing kabilang na ang petsa sa history ng Mahal Kong Bayan. Sa petsang ito, ikinandado ang bansa – una’y ang National Capital Region (NCR), sumunod ang Luzon wide at saka isinailalim na rin sa quarantine ang Visayas at Mindanao. Ikinandado ang bansa dahil sa nakamamatay na “veerus” – …
Read More »Drug test sa mga kawani ng EAMC, dapat nga ba?
FRONTLINERS nahuling nagbebenta at gumagamit ng shabu sa loob ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City? Totoo ba ito? Nakalulungkot ngang malaman ito e, dahil sa pagkakaalam ng marami ay malinis ang pagpapatakbo ng pamunuan ng ospital lalo sa pag-asikaso sa mga pasyente. Pag-asikaso sa pasyente, maayos nga ba? Kaya naman pala nagkarooon ng hostage taking kamakailan …
Read More »QC Mayor Belmonte hindi nagsising positibo sa COVID
INIHAYAG ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang pakikisalamuha sa kaniyang ‘constituents’ ang dahilan kung bakit siya naging COVID-positive subalit hindi umano niya ito pinagsisisihan. Inamin ni Belmonte na siya ay positibo sa virus sa pamamagitan ng facebook page ng QC Government. Ayon kay Belmonte sinunod niya lahat ng ‘protocols’ ng Department of Health (DOH) ngunit hindi pa …
Read More »COVID survivor Howie Severino inaresto sa hubad na face mask
KABILANG ang reporter ng GMA news na si Howie Severino sa libo-libong mga lumabag sa ‘quarantine protocols’ ang naaresto sa isinagawang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) at QC Task Force Disiplina nitong Miyerkoles. Sa isinagawang operasyon, kasama si Severino sa mahigit sa 2,000 libong residente na inaresto dahil hindi nakasuot ng face mask at ang iba naman …
Read More »5 EAMH frontliners, huli sa droga sa basement ng ospital
LIMANG frontliners ng East Avenue Medical Center (EAMC) ang dinakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang makompiskahan ng shabu sa basement ng ospital, kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang mga suspek ay kinilalang sina Emmanuel Leongson, 45, nurse attendant, residente sa July Extension, Barangay Bahay Toro, Quezon City; Guardo Hermino, …
Read More »Sino’ng dapat saluduhan sa nakompiskang P3.4M shabu ng QCPD PS 2?
NITONG 23 Hunyo 2020, ay maikokonsiderang malaking accomplishment ang nagawa ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2. Nakakompiska ang pulisya ng P3.4 milyon halaga ng shabu. Malaki-laki rin ito ha…at maraming kabataan din ang nailigtas sa tiyak na kapahamakan. Sa buy bust operation na isinagawa sa Barangay 384, Zone 39, Quiapo, Maynila, dalawang kilalang tulak …
Read More »Cebu City nagmukhang epicenter ng COVID-19
SA hindi mapigilang paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), tila ang Cebu City na ang maituturing na epicenter ng sakit sa bansa, ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año. Aminado si Año, nababahala sila sa rami ng impeksiyon at bilang ng mga namamatay dahil sa sakit sa lungsod kaya higit …
Read More »