Saturday , December 4 2021

Almar Danguilan

Bus puwede sa GCQ — Año

MAKABIBIYAHE na ang mga pampasaherong bus sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).   Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, pero inilinaw na kinakailangan sumunod pa rin sa ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan, kabilang ang pagsasakay ng 50% ng kanilang passenger capacity upang matiyak na maoobserbahan ang physical distancing.   …

Read More »

2nd tranche ng SAP, mas mabilis — DILG (Sa tulong ng PNP)

MAGIGING mabilis ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP). Ito ang pagtitiyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa tulong ang Philippine National Police (PNP) sa pamamahagi lalo sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa bansa. Pero ang pangunahing mangangasiwa sa pamamahagi ay local government units (LGUs) at Department …

Read More »

Misis na lung cancer patient, mister patay (Ambulansiya sumalpok sa footbridge)

PATAY na ang mag-asawa sa limang sakay ng ambulansiya na bumangga sa foot bridge kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Rida Balanay, 38 anyos, lung cancer patient; at mister nitong si Emmanuel Balanay. Base sa ulat ng Quezon City Police District – Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU),  dakong  9:00 pm nang maganap ang insidente sa EDSA corner East …

Read More »

PCSO, malaking tulong sa COVID-19 victims, etc…  

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SINO-SINO ba ang mga maituturing na COVID 19 victims, ang mga nahawaan lang ba ng virus? Literally, masasabing direktang biktima ang mga nahawaan ng “veerus” – ‘ika nga ni Pangulong Duterte.   Pero kung susuriin, hindi lamang ang mga nahawaan ang maituturing na biktima at sa halip, lahat tayo ay naapektohan o biktima. Marami ang nawalan ng hanapbuhay – sa loob …

Read More »

COVID-19 testing sa balik-trabaho, ‘di sapilitan — DILG

INILINAW ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local governments units (LGUs) na ang COVID-19 testing sa mga personnel ay hindi mandatory o kailangan bago payagang makapasok ang kanilang mga empleyado sa trabaho.   Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang mga empleyado na hindi sumailalim sa COVID-19  testing ay maaaring pabalikin sa trabaho dahil ang Inter-Agency …

Read More »

Mass gathering sa Eid’l Fitr, bawal din – Año  

MAHIGPIT na ipinagbabawal pa rin ang mass gathering kahit sa isang pagdiriwang ng religious gathering.   Paalala ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kapatid na Muslim dahil sa kinahaharap na pandemyang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.   Ang paalala ay ginawa ni DILG Secretary Eduardo Año bunsod ng nalalapit na pagdiriwang ng mga Muslim …

Read More »

Made in China ba?  

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SAAN ba galing o gawa ang thermal scanner na ginagamit ng pulisya sa mga enhanced community quarantine (ECQ) checkpoint, galing o gawang Tsina ba?   Naitanong lang naman natin ito dahil sa sinasabing palyado raw ang scanners. Hindi raw accurate sa pagkuha ng temparature. Ganoon ba? E, saan nga ba gawa ang mga scanner?   Tsina ba gawa? Kayo naman …

Read More »

Delicadeza paalala ni Año sa LGUs, PNP (Reaksiyon sa Voltes V party ni Sinas)

PINAALALAHANAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government officials (LGUs) at mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na magsilbing huwaran sa pagpapatupad ng quarantine protocols na umiiral sa bansa.   Ito ang  pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año ay bilang reaksiyon sa ulat na nagdaos ng party sa tanggapan ng National Capital Region Police …

Read More »

1,265 LGUs umabot sa SAP payout deadline —DILG  

KABUUANG 1,265 local government units (LGUs) sa bansa ang umabot sa itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong 10 Mayo 2020 sa pamamahagi ng unang batch ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.   Pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang LGUs dahil nakaabot sa mga mamamayan ang tulong. …

Read More »

183 barangay officials vs iregularidad sa SAP iniimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ang 183 barangay officials sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa mga reklamong iregularidad sa pamamahagi ng  cash aid, sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.   “Sa rami ng ating reklamong natanggap, 183 ang iniimbestigahan ng pulisya dahil may probable cause dito,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo …

Read More »

Cayetano naghugas kamay lang sa ABS CBN shutdown

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

LUMANTAD at nagsalita na rin sa wakas  si House Speaker Alan Peter Cayetano para harapin ang galit ng fans ni Cardo Dalisay este, ang Filipino dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN. Pero totoo kaya na asar na ang ilang senador at ilan sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives (HOR)? Paano kasi imbes sagutin ni Cayetano nang deretso ang isyu at akuin ang pagkakamali, …

Read More »

Reklamong natanggap ng DILG, 3,000 na

UMABOT na sa 3000 ang reklamong natatanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG).   Ilan sa reklamo ng mga residente ay inaaresto at ikinukulong sila dahil sa pagpapaskil ng kanilang mga concern o hinaing sa social media hinggil sa Social Amelioration Program (SAP) distribution.   Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, batay sa reklamong …

Read More »

Barangay officials bigyan na ng suweldo — DILG

PABOR ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bigyan na ng suweldo at i-professionalize o taasan pa ang kalipikasyon para sa mga posisyon ng barangay officials.   Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ginagampanan na rin ng barangay officials ang tatlong pangunahing governmental functions gaya ng ehekutibo, lehislatibo at hudikatira, kaya’t dapat na …

Read More »

Shabu at alak sa ECQ sa kamay ng QCPD

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

HINDI lingid sa kaalaman ng lahat na ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng shabu. Hindi lang dahil sa ilegal ang droga kung hindi wala itong naidudulot na kabutihan sa kalusugan at sa lipunan.   Heto nga, inakala naman ng mga sindikato ng droga na mamamayani ang kanilang operasyon nang ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil abala ang PNP sa …

Read More »

Bawas preso suportado… Decongestion sa kulungan, isinusulong

SUPORTADO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyon ng Korte Suprema na i-decongest ang mga overcrowded na bilangguan, sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19 o coronavirus disease 2019.   Nauna rito, inianunsiyo ng isang Supreme Court official na halos 10,000 bilanggo ang napalaya para mapaluwag ang mga siksikang bilangguan.   Ayon …

Read More »

2,000 reklamo vs barangay officials natanggap ng DILG  

NASA 2,000 ang mga reklamong natanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga opisyal ng barangay hinggil sa pamamahagi ng cash subsidy, sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP). Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, pangunahin reklamo ang pagbibigay prayoridad ng barangay officials sa kanilang mga kamag-anak at kaalyado sa politika para …

Read More »

DILG sa barangay officials: Kabarangays huwag saktan

NAGBABALA ang pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng barangay na hindi dapat saktan ang mga residente kahit mahuling lumalabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinaiiral ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Ito ang babala ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, …

Read More »

Salvador, dapat itapon palabas ng bansa?  

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

NANG una kong mapanood ang viral video hinggil sa pagdakip ng isang pulis sa isang dayuhang Español sa Makati City  – sa panig ng dayuhan o kuha ng kanyang maybahay na isang Pinay, napailing ako sa paraan ng pagdakip sa negosyante. Nag-ugat ang lahat sa paninita ng pulis, si P/MSgt. Roland Madrona, sa katulong ng dayuhan dahil hindi nakasuot ng …

Read More »

Lagot ang mga ‘tadong Kupitan este Kapitan  

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

WALA pa ang Social Amelioration Program (SAP) at sa halip ay pamimigay  pa lamang ng relief ang ‘uso’ nang simulan ang enhanced community quarantine (ECQ) noong 15 Marso 2020, marami na ang reklamo laban sa ilang mga kapitan del barrio o barangay chairman. Kesyo kinukupitan daw ng kapitan ang relief goods na mula munisipyo o city hall. Bagama’t hanggang ngayon …

Read More »

May COVID man, PNP-IMEG, tuloy sa ‘paglilinis’   

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

KAPAL ng…! Sino? Wala naman, sa halip kayo na lang ang humusga sa pulis-Maynila na inaresto ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) kamakailan habang nahaharap tayo sa matinding krisis – ang pagkikipaglaban sa COVID-19.   Ba’t siya inaresto samantalang ang mga pulis ngayon ay  sinasaluduhan dahil sa hindi matatawarang  serbisyo sa bayan – ang pagiging frontliner  sa …

Read More »

Sa QC EO 26 ni Belmonte, dapat isinama ang mga pasaway

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

SA Quezon City Executive Order No. 26, layunin nito na proteksiyonan ang frontliners, mga kaanak, at COVID 19 patients. Proteksiyon sa mga ‘mandidiri’ at/o manlalait sa kanila. Siyempre, ang mahuling lumabag sa kautusan ni QC Mayor Joy Belmonte ay aarestohin at kakasuhan. Katunayan, ipinatutupad na ito ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni P/BGen. Ronnie Montejo. Ibinaba ang …

Read More »