Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sayang ang 69 puntos ni Thornton

HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nanghihinayang sa pagkatalong sinapit ng NLEX sa kamay ng San Miguel Beer noong Martes. Kasi talaga namang mahilig kumampi ang mga tao sa underdogs.

E, angat na angat naman talaga ang Beermen kontra sa Road Warriors sa larong iyon. Katunayan ay idinikta nga ng San Miguel Beer ang laro mula umpisa subalit nakahabol lang ang Road Warriors at napuwersa sa overtime ang kanilang kalaban.

At hindi lang isang overtime period ha! Tatlong extra periods. Biruin mong naglaro ng 63 minuto ang Beermen at Road Warriors.

Natural na matapos ang isang napakahabang laro, masarap ang pakiramdam kapag nanalo. At sobra ang sakit ng pakiramam at pagod kapag natalo.

Iyon ang naramdaman ng Road Warriors at mga supporters nila.

Sayang nga dahil sa muntik na nilang matuka ang Beermen.

Sa totoo lang, dapat ay nanalo nga ang NLEX kung hindi lang gumawa ng dunk ang import na si Al Thornton sa dulo ng ikalawang extra period. Dapat ay simpleng lay-up lang ang kanyang ginawa imbes na bumuwelo pa upang isalaklak ang bola. Tuloy ay umandar pa ang oras at naubos bago tuluyang pumasok ang bola.

Kung binitiwan niya agad ang bola matapos na matanggap. kahit pa naubos ang oras ay counted sana ang tira. Ito ay kung wala na nga sa kamay niya ang bola bago naubos ang oras.

So, hindi din nakuha ni Thornton ang impact na nais niyang mangyari. Sayang ang kanyang performance dahil sa gumawa pa naman siya ng 69 puntos.

Pero tanggap naman ng coaching staff at management ng NLEX ang nangyari at sinabing babawi na lang sila sa susunod na game. Hindi pa naman naglaho ang tsansang pumasok sa quarterfnals. e. Sana nga lang ay nanatiling mataas ang morale ng team!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …