SA nakabibiglang pagyao ni direk Wenn Deramas noong umaga ng Lunes, February 29 ay dalawang film project ang hindi na maisasakatuparan.
Over tsikahan with Mother Lily Monteverde on the eve of his death, the immediate plan sana ng Regal matriarch ay kunin daw si Ai Ai de las Alas with Wenn as the director. Pero teka, hindi ba’t aware naman si Ai Ai na sumama ang loob sa kanya ng blockbuster director nang ideklara ng komedyana na “padded” ang kinita ng MMFF entry nito last year with Vice Ganda and Coco Martin as the headliners?
Layunin daw ni Mother Lily na pag-ayusin sina Ai Ai at Wenn. Well, obviously, hindi na ito magaganap.
Samantala, as early as January ay nasa drawing table na rin pala ang MMFF entry ni Vice Ganda ngayong 2016. Kay direk Wenn pa rin siyempre ipagkakatiwala ng Star Cinema ang project with Daniel Padilla as lead co-star.
Again, mukhang hahanapan na lang ng panibagong direktor ang pelikulang ito.
Hindi man kami malapit kay direk Wenn, pero sana’y kasama niya ang kanyang ate sa kanilang mapayapang paglalakbay.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III