Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra vs Alaska

ITATAYA ng Alaska Milk at Barangay Ginebra ang kani-kanilang three-game winning streaks sa kanilang salpukan sa PBA Commissioner’s Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay kapwa pagbabawi naman sa pagkatalo ang magiging paghaharap ng  Mahindra at Phoenix Petroleum.

Ang Aces ay kasosyo ng San Miguel Beer sa ikalawang puwesto sa kartang 3-1 samantalang ang Gin Kings ay ikaapat na puwesto kasama ng Mahindra sa record na 3-2. Nasa dulo ng standings ang Fuel Experts sa kartang 1-3.

Ang Aces ay natalo sa kanilang unang laro kontra Blackwater, 107-101 bunga ng pangyayaring hindi nakalaro ang import na si Rob Dozier na nagkaroon ng foot injury. Siya ay pansamantalang hinalinhan ni Shane Edwards.

Sa pagdating ni  Edwards ay nakapagrehistro ng tatlong sunud-sunod na tagumpay ang Aces. Katuwang ni Edwards sina Calvin Abueva, Vic Manuel, JVee Casio, Sonny Thoss at Cyrus Baguio.

Ang Gin Kings ay natalo naman sa kanilang unang dalawang laro bago nagposte ng panalo kontra Rain Or Shine (102-93), Star (92-87) at Mahindra (104-86).

Ang Gin Kings ay pinamumunuan  ng pinakamaliit na import sa torneo na si Othyus Jeffers na tinutulungan nina Greg Slaughter, Japhet Aguilar, Mark Caguioa, LA Tenorio at Chris Ellis.

Matapos na magwagi sa kanilang unang laro laban sa NLEX, 118-106, ang Phoenix ay nakalasap ng tatlong sunod na kabiguan Hindi nakatulong ang pangyayaring pinalitan nila ang kanilang original na import na si Kenny Adeleke at kinuha si Kevin Pinkney.

Subalit umaasa si coach Koy Banal na habang tumatagal ay lalabas din ang buti ni Pinkney. Kailangan ding maging consistent ang performance ng mga locals na gaya nina RR Garcia, JC Intal, Wllie Wilson at Mac Baracael.

Ang Enforcers ay sumasandig kay Agustus Gilchrist kasama ng mga locals na sina Nino Canaleta, Aldrech Ramos, LA Revilla at Karl Dehesa.

( SABRINA PASCUA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …