Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Kim Chiu

Nagmamahalan kami ni Kim — Xian

00 fact sheet reggeeANG paliwanag ni Xian Lim sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kim Chiu ay considered ng sila kahit hindi niya diretsong sinabing ‘oo’.

Sa ginanap na grand presscon ng The Story of Us kahapon ay ipinaliwanag ng aktor, ”before this presscon ay nag-apologize na po ako kasi baka mapagod na kayo sa naririnig n’yo na paulit-ulit na we’re happy, something special, it’s leveling, lagi na lang pong ganoon.

“Inunahan ko na po kayo ng sorry na sinasabi ko naman na hindi ako takot na aminin na mahal na mahal ko si Kim, hindi ako takot na halikan siya, hindi ako takot na ipakita sa lahat ng tao na mahal na mahal ko talaga si Kim.

“But at the same time, ‘pag sinabi natin sa lahat baka magkaroon pa ng komplikasyon, mayroong proper time, proper place para sabihin sa lahat ang relationship po namin.

“Ito lang po ang sa akin baka lang po maraming istorya na lumabas, may dagdag bawas, iyon lang po na baka may mangyaring masama kasi pino-protektahan ko lang. Hindi ko po binibigyan ng label po, I’m not opening it to the public.”

Tanging nasabi naman ni Kim, ”it’s the story of us na lang, basta masaya lang ako kasi si Xian is being himself.”

Salo ni Xian, ”basta ang istorya po namin ni Kim, nagmamahalan po kami, tapos na po sana rito.”

Ikalawang linggo na ang umeereng kuwento ng The Story of Us at maganda raw ang ratings kaya naman masaya ang buong team dahil inaabangan ang kuwento nina Macoy at Tin.

Marami rin ang nag-aabang sa New York City scenes ng KimXi dahil sabi nila na lahat daw ng magagandang tanawin sa nasabing bansa ay napuntahan nila at ipinakita sa The Story of Us.

Bukod kina Kim at Xian, kasama rin sina Aiko Melendez, Zaijian Jaranilla, Alyanna Angeles, Susan Africa, Gardo Versoza, at Zsa Zsa Padilla mula saStar Creatives.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …