Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Yap at Richard Poon, magsasama sa isang concert

MARAMI ang nagtatanong sa amin kung anong next project ni Richard Yap dahil nawala na siya sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ang alam namin ay magkakaroon ng teleserye si Richard hindi lang namin alam kung anong titulo at sino ang makakasama, pero ang sigurado ay under ito ngDreamscape Entertainment.

Ang nakatutuwa, may nagsabi sa aming magkakaroon daw ng concert si Richard kasama si Richard Poon ngayong Agosto.

Kaagad naming tinanong si Caress Caballero ng Cornerstone TalentManagement Agency kung totoong may concert nga ang dalawa.

“Actually birthmate, plano palang, pero sure na mayroon, hindi lang alam kung August o September, depende sa availability ng venues at iba pang concerns.

“Dapat mauuna munang lumabas ang album nilang dalawa, yes birthmate magko-collaborate sina Richard Poon at Richard Yap sa album, mostly covers ang songs.

“Si Richard Poon, siya mismo ang magpo-produce at mag-aareglo ng songs niya at si Richard Yap ay si Jonathan Manalo. Baka-co produce ito ng Cornerstone at Star Music.

“As of now ay wala pang title ng album, pero definitely, same title rin ng concert ng dalawa.

“Target release ng album ay June, so hopefully habang nagpo-promote ng album, patungo na rin sa concert ng August kung kakayanin,” detalyadong kuwento sa amin ni Caress.

( REGGEE BONOAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …