Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpo-post ng mga private picture ng JaDine, all out na

NAGSIMULA nang mag-shoot ng pelikulan sina James Reid at Nadine Lustremula sa direksiyon ni Nuel Naval na produced ng Star Cinema at Viva Films na may titulong This Time.

Bago umalis ng bansa ang JaDine para sa kanilang world tour concerts ay sinimulan na nilang mag-shoot dito sa Pilipinas ng mga eksena at base rin sa pagkakaalam namin ay may mga eksenang kukunan din sa ibang bansa na roon pupunta sina James at Nadine.

Sayang at hindi si direk Antoinette Jadaone ang direktor ng This Time dahil pangarap din niyang makatrabaho sa pelikula ang JaDine.

Anyway,  hanggang ngayon ay talk of the town pa rin ang pagtatapos ng On The Wings of Love noong Biyernes, Pebrero 27 at base naman sa datos ng KantarMedia ay nakakuha ito ng 27.8%.

Sa patuloy na pagsubaybay sa social media nina James at Nadine ay talagang all out na sila sa pagpo-post ng mga pribadong litrato nilang dalawa.

Sa FB account ni Nadine ay ipinost niya ang litratong naka-akbay sa kanya si James habang may hawak na wine glass at may caption na, ”02.11.16″ Ito ang petsang naging pormal na ang kanilang relasyon.

Samantalang si James ay nag-post naman ng, ”happiest man in the world” sa FB account niya ng kuhang ikinasal sila ni Nadine sa pagtatapos ng seryeng On The Wings of Love noong Biyernes, Pebrero 27.

Sinundan pa ng, ”what a love story. I feel so blessed to have found someone to share my life with—my best friend, my soul mate, my destiny, my Leah. This is just the start of our many adventures together. The start of more happy memories. The start of our basketball team. The start of our journey, on the wings of love”

O ‘di ba, saya-saya ng JaDine fans dahil nagkatuluyan ang idolo nila.

( REGGEE BONOAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …