Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Prima donna sa set ng Tubig at Langis, inireklamo ni Vivian

00 fact sheet reggeeNOONG Martes ng gabi ay nag-post si Ms. Vivian Velez sa kanyang Facebookaccount habang nasa taping ng Tubig at Langis sa Bustos, Bulacan.

“I’ve been in the industry for such a long time, worked with the biggest star and I can say that I’ve come full circle. UGH. I have never encountered such a prima donna #asalqueen.”

Iisa ang tanong ng followers ni Body Beautiful kung sino ang nag-a-attitude na aktres at dapat daw alam nito ang kinalalagyan niya.

Bago pa ulit nag-post si Ms Vivian na tatanggalin na niya ang post niya dahil may nakiusap daw at marami na ang nakabasa nito.

Ang tanong ng lahat, either kina Cristine Reyes o Isabelle Daza ang binabanggit ni Miss VV dahil sila ang lead actresses sa seryeng Tubig at Langis.

Nabanggit namin si Cristine dahil may record na siya rati sa pagiging prima donna pero nagbago na raw siya kaya baka nga hindi siya.

Samantalang si Isabelle naman ay baka naman wala sa mood ng mga oras na iyon dahil nga may isyu sila ng mommy Gloria Diaz niya na hindi pa siya pinapayagang magpakasal sa French boyfriend niyang si Adrien Semblat, general manager ng Adidas dito sa Pilipinas bukod pa sa may hashtag na ‘asalqueen’ since rating beauty queen ang nanay niya.

FACT SHEET – Reggee Bononan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …