Sunday , December 22 2024

Grand slam na naman ang pinag-uusapan

GANOON na naman ang naging umpisa ng San Miguel Beer sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.

Matapos ang makasaysayang pagkopo nila ng kampeonato sa OPO Philippine Cup ay napabagsak na naman sila sa lupa ng Mahindra Enforcers, ‘102-96 sa kanilang unang laro sa second conference noong Sabado sa Alonte Stadium sa Binan, Laguna.

Shocking talaga iyon!

Ang akala kasi ng karamihan ay natuto na ang Beermen sa kanilang mapait na karanasan noong isang taon kung saan masagwa ang naging performance nila sa Commissioner’s Cup. Hindi nga sila nakausad sa quarterfinals at maaga silang nalaglag. Dahil doon ay hindi sila nagkaroon ng tsansang mabuo ang minimithing Grand Slam.

Well, Grand Slam ulit ang pinag-uusapan ng lahat matapos ngang magkampeon ang Beermen sa Philippine Cup kung saan nakabawi sila sa 3-0  abante ng Alaska Milk at magwagi sa huling apat na laro.

Pero dapat din naman nating alalahanin na bago ang historic championship na iyon, willing na si coach Leovino Austria na isakripisyo ang kampeonato ng Philippine Cup.

Aniya, may dalawang conferences pa naman. Two out of three is not bad.  Parang noong isang taon.  Hindi ba’t hindi na nga naglaro si June Mar Fajardo sa Game Four pero nagwagi pa rin ang Beermen?

Kung natalo ang San Miguel, nakumpleto sana ng Aces ang 4-0 sweep. Pero minalas ang Aces, e. Nagkaroon pa tuioy ng pagkakataon na maglaro si Fajardo mula Game Five.

Hindi naman natin sinasabing binabale-wala ng San Miguel ang Comissioner’s Cup.

Sinasabi lang natin na napagod ang Beermen at hindi sila puwedeng sisihin kung masagwa ang naging simula nila.

Pero siyempre, hangad ng Beermen na makumpleto ang Grand Slam kaya’t pipilitin nilang makabangon kaagad.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *