Sunday , December 22 2024

Pacman kailangang manalo kay Bradley

PARANG ikot ng gulong ang nangyayari ngayon sa PBA.  Yung dating teams na ganador, siya ngayong nangungulelat sa Commissioner’s Cup.

At yung mga kulelat noon—siya ngayong bandera sa pagsigwada ng Kume Cup.

Ang tinutukoy natin ay ang mga teams na Star Hotdogs, Ginebra San Miguel at San Miguel Beermen.

Sila ngayon ang nasa bottom ng team standings.

Samantalang ang mga binubugbog lang noon na Mahindra, NLEX at Meralco, sila ngayon ang namamayagpag.

Sabagay, maaga pa ang liga.  Puwede pang rumemate ang mga binanggit nating teams na nangungulelat.

Katulad ng SMB, medyo hilo pa sila sa tagumpay sa nakaraang conference kaya semplang ang una nilang laro kontra Mahindra.

Pero ang Star at Ginebra, mukhang nababaon na sila sa talo.   Ang Star, wala pang panalo sa tatlong salang.   At ang Ginebra ay bagsak sa unang dalawang asignatura.

Tanong ng kanilang mga fans—kelan nga ba sila maglilista ng unang panalo?

0o0

Pahayag ng kampo ni Manny Pacquiao na walang epekto sa kasalukuyang training nito ang pagkakasangkot ng kanilang boksingero sa maselang isyu.

Hanggang ngayon ay bokal ang banat ng mga Bading at Tomboy sa binitiwang salita ng Pambansang Kamao laban sa kanilang tribo.

Aminin man o hindi ni Pacman, malaki ang impact sa kundisyon ng utak niya ang kontrobersiya.

Siyempre pa, tatakbo siya bilang Senador at isang sector ng lipunan ang mawawala sa kanyang boto?

Pero para sa mga fans ni Pacquiao, matindi ang mental toughness ng kanilang idolo.   Hindi ito basta-basta magigiba ng isang kontrobersiiya.   Ikanga nila—tuloy ang laban nito laban kay Tim Bradley sa Abril.

At alam ng mga fans na kapag nanalo si Pacman sa isang kombinsidong pagtatapos—mabubura ang kontrobersiya at aangat muli ang kanyang pangalan.

Siguro, dapat lang na doblehin ni Pacquiao ang kanyang pagkasigasig sa training.    Tingin natin, nakasalalay sa labang iyon kung mananalo siya o hindi sa pagka-senador.

0o0

Matindi ang ginagawang pangalan ng dalawang apprentice jockey sa tatlong karerahan ng bansa.

Ang tinutukoy natin ay itong sina apprentice jockey M. M. Gonzales at O.P. Cortez.

Walang araw ng karera ang hindi sila nakapaglilista ng panalo.   At halos lahat ng Race ay may sakay silang dalawa.

Puna nga ng kilala nating karerista, mukhang nasa dalawa na ang tiwala ng mga horseowners kung kaya halos nawawalan na ng sakay ang mga de-kalibreng hinete.   Mas tiwala kasi ang mga horseowners na palaban parati ang kanilang kabayo kung ang dalawang hinete ang sasakay kumpara doon sa ilang  bating na hinete na ikinakahon ang kanilang sakay.

Pero buwelta ng ilang beteranong karerista na ngayon lang maraming sakay at maraming panalo ang dalawang nabanggit na apprentice, kasi ay nagpapakilala pa ang mga iyon kaya parating laban ang sakay.   At isa pa, magaan pa ang mga peso nila kaya lamang parati sa laban.

Pag pumantay na raw ang peso ng dalawa, doon natin makikita ang tunay nilang kalidad. At dito na rin raw mararanasan na magbiyahe ang dalawa.

Ganoon ba iyon?

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

About Sabrina Pascua

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *