Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo, nasosobrahan ng kagi-gym

MUKHANG nasosobrahan si Arjo Atayde sa kaka-gym dahil sobrang payat na niya base sa napanood naming episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Martes ng gabi.

Hindi sana namin mapapansin dahil masama ang pakiramdam namin at ang kasama namin sa bahay ang nagsabing, ”ate, sobrang payat na ni Arjo, oh. Hindi na bagay.” (Napansin ko rin ‘yan, sobrang humpak ng mukha niya—ED)

Kaya ang ending inabangan namin ang mga eksena ng aktor at para sa amin ay medyo nga malaki ang nawalang timbang ni Arjo at nag-mature pa siyang tingnan dahil nagpatubo siya ng bigote na kailangan siguro sa eksena.

Oo nga, baka kailangan sa eksena kasi problemado si Joaquin Tuazon ngayon dahil kay Bela Padilla bilang si Carmen na nahuhulog ang loob kay Cardo (Coco Martin).

Nagseselos si Joaquin kay Cardo kasi sobrang pag-aalaga ang ginagawa ni Carmen sa kapatid ng asawang namatay na si Ador.

Alam mo ba Ateng Maricris na ‘yung eksenang nagkukuwento si Arjo sa mama niyang si Agot Isidro tungkol kay Bela ay parang nakita na namin noon dahil ganito ang hitsura ng aktor kapag namroroblema sa girlfriend.

At ‘yung lungkot ng mukha ni Arjo dahil pakiramdam niya ay hindi siya gusto ni Bela ay nakita na namin dati pa.

Akala mo tigasin si Arjo kapag nakikita mong nagsasagutan sila ni Coco sa Ang Probinsyano ay hindi siya ganito sa totoong buhay dahil malambot ang puso ni Joaquin.

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng Ang Probinsyano sa national TV ratings dahil halos kalahati ang lamang ng primetime serye na nakakuha ng 46.7% noong Martes (Feb 2), o halos 30 puntos ang lamang sa kalabang Little Nanay na may 16.9% lang, ayon sa datos ng Kantar Media.

At noong Lunes Pebrero 8 ay nagtala ng 45.8% ang aksiyon serye nina Coco, Bela, Arjo, Maja Salvador, Onyok, Agot, Albert Martinez, Jaime Fabregas, atMs Susan Roces.

Inaabangan naman ngayon kung sino ang makahuhuli kay Ping Medina bilang si Diego Sahagun na may hawak ng susi kung sino ang pumatay kay Ador.

Nag-uunahan sina Cardo at Joaquin kay Diego na ngayon ay nasa pangangalaga naman ni Richard Yap bilang si Phillip Tang na naghahanap ng ebidensiya laban kay Albert as Tomas Tuazon.

Ang Ang Probinsyano ay handog ng Dreamscape Entertainment Televisionmula sa direksiyon nina Malu Sevilla, Avel Sunpongco, at Toto Natividad.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …