Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toralba kumalas na sa Archers

020416 Joshua Torralba aldin ayo la salle
NAGDESISYON na ang Fil-Am na guwardiyang si Joshua Torralba na umalis  sa De La Salle University para sa UAAP Season 79 men’s basketball.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Torralba na babalik siya sa Estados Unidos upang tapusin ang kanyang pag-aaral sa Texas.

Bukod pa rito ay sinabi niyang wala na siyang ganang maglaro ng basketball dito sa Pilipinas.

Dating manlalaro si Torralba sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA noong 2011 bago siya lumipat sa La Salle noong isang taon.

Nag-average siya ng 7.6 puntos bawat laro sa Green Archers sa UAAP Season 78 kung saan hindi sila umabot sa Final Four.

Isang source ang nagsabi sa HATAW Sports na umalis si Torralba sa La Salle dahil ayaw niyang makasama ang bagong coach ng Archers na si Aldin Ayo. ( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …