Thursday , June 4 2026

Tiket para sa Game 7 ng PBA Finals sold out na

012916 alaska SMB PBA
HALOS 20,000 na manonood ang inaasahang dadagsa sa Mall of Asia Arena sa Pasay para sa Game 7 ng Smart BRO PBA Philippine Cup Finals ng San Miguel Beer at Alaska mamayang gabi.

Sinabi ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial na halos sold out na ang mga tiket mula noong Sabado nang magsimulang maglabas ang liga ng mga tiket para sa laro.

“We only have SRO (standing-room-only) tickets for Game 7 because tickets for patron seats, lower box and almost all upper box areas were sold out already,” wika ni Marcial. “Pati sa mga SM outlets, ubos na ang mga tiket. Siguradong mapupuno ang venue at ang maganda, you don’t really know which team will win.”

Ang record ng pinakamaraming taong nanood ng isang laro ng PBA sa MOA ay noong araw ng Pasko nang tinalo ng Barangay Ginebra ang Purefoods Star, 92-89, sa overtime.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …