Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panliligaw kay Yen, itinigil ni Aaron

020316 arron villaflor yen santos

00 fact sheet reggeeHininto na pala ni Aaron ang panliligaw kay Yen Santos.

“Hindi ko na itinuloy kasi mas priority yata niya ang family niya binanggit niya sa akin. Hindi raw siya nagmamadali. Ako rin naman, hindi ako nagmamadali. Nandito lang naman ako, kaya nirespeto ko ‘yung sinabi niya sa akin,” kuwento ng binata.

Hinuli namin si Aaron na baka naman may ibang gusto si Yen kaya sinabihan siyang family ang prioridad niya.

”Wala naman akong alam, wala rin akong nakikitang sumusundo,” mabilis namang sagot sa amin.

Pero inamin ng aktor na mahigit pa sa magkaibigan ang naging relasyon nila ni Yen, ”not officially (kami) pero more than friends, more than best friends.”

At sa last taping day nga raw ng AOM ay, ”right after taking our last day in taping, hi-nug niya ako ng matagal. Parang siguro, pasasalamat na rin, nakasama ko siya sa show.

“At nagpasalamat din ako sa kanya dahil hindi siya mahirap na katrabaho, iyon din ‘yung pinaka-importante sa trabaho kasi, kung willing ‘yung katrabaho mo na gawin ‘yung proyekto.

“So far, hindi ako nahirapan katrabaho si Yen at nirerespeto ko kung ano iyong sinabi niya sa akin at hindi mawawala iyong friendship namin forever.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …