Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masamang ugali ni Claudine, ‘di na-experience ni Meg

020116 claudine barretto meg imperial 2

00 fact sheet reggeeISA si Meg Imperial sa cast ng Bakit Manipis ang Ulap na produced ng Viva Communications Inc., na mapapanood saTV5.

Kasama ni Meg si Claudine Barretto kaya natanong siya kung kumusta katrabaho ang Optimum Star.

Kaya natanong ang dalaga tungkol kay Claudine ay dahil sa matagal ng balitang mahirap ka-trabaho ang aktres lalo na kapag may problema ito na nadadala sa set.

Nagulat si Meg dahil hindi raw niya nakitaan ng ganoon si Claudine at nahihiya nga siya kasi sobrang maasikaso ang aktres at maagang dumarating sa set.  Kaya nakakataka kung saan nanggagaling ang mga isyu.

Kuwento ni Meg, “‘pag tinawag siya ni Direk (Joel Lamangan), nagri-reading na agad kami and talagang gina-guide niya ako. Kasi siyempre, Claudine Barretto na siya, sinasabayan ko ’yung energy niya which is hindi siya ’yung nang-aagaw-eksena na hindi ka bibigyan ng time to shine. So, sabi ko sa kanya, sobrang iba ’yung naririnig ko.”

Nabanggit namin na baka dala ng pagod kaya minsan naiiba na ang working habit ni Claudine lalo na kapag madaling araw na at hindi pa tapos kunan ang mga eksena nila.

“Ay, maaga po kasi kami na-pack up, alas dose (hatinggabi) palang pack-up na kami,” sabi ni Meg.

Eh, kaya pala kasi maagang nakauuwi ang lahat kaya walang tension at maging si direk Joel ay kailangan ding umuwi ng maaga kasi nga bawal sa kanya ang mapuyat.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …